CHAPTER 16: Missing Jacky
NAGPANGGAP ako na sumusunod nga ako sa kanila. Kaya tiniis ko ang lahat ng iyon at nagtitimpi lang ako. Pero habang kasama ko ang mga anak ko ay magkakaroon pa pala ako ng problema.
“Quinne, baby. Kumain ka na please, anak...” Maingat kong hinawakan sa braso ang anak kong babe na si Quinne at pinaharap ko siya sa akin. Ibinaba ko sa bedside table ang platong may laman na pagkain niya.
She was crying kanina pa. Ang hirap niyang patahanin sa totoo lang. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naririnig ko ang paghikbi niya. Namamaga na kasi ang mga mata niya at panay pa rin ang pagbuhos ng mga luha niya. Marahan kong pinunasan ang luhang iyon at masuyo kong hinalikan ang noo niya.
“Why are you crying, baby?” malambing na tanong ko at hinaplos ko ang buhok niya. Dinala ko sa dibdib ang ulo niya.
“I missed my Mommy, Dad...” mahinang sagot niya sa akin. Ang lungkot ng boses niya.
“Makakasama rin natin si Mommy. Don’t cry, baby. Daddy has a plan to bring back our Mommy Quinna. Just don’t cry baby,” pag-aalo ko pero mas umiyak lang siya sa sinabi ko.
“I hate Catherina po. I don’t like Lola Mommy Divine too, Daddy. They are monster, I don’t like them,” naiiyak na sabi niya at niyakap ako nang mahigpit.
“Daddy is always here, I won’t let Mommy and Catherina hurt my baby Quinne. Tahan na, hindi kita iiwan, anak. Dito lang si Daddy...” sabi ko.
“Okay, Daddy. T-Thank you po and I love you,” malambing na sabi niya at kumalas pa siya mula sa pagkakayakap ko sa kanya at nagulat pa ako nang halikan niya ako sa labi. Napangiti rin ako sa huli and I kissed her temple again.
“I love you, Quinne. Now, kakain na ang baby ko, hmm? Mommy is gonna be mad at you if you don’t want to eat your lunch,” sabi ko at nakita ko ang pagngiti niya.
“Yes po, Daddy,” tumatangong sagot niya.
“Good girl,” I said at tumayo ako na buhat-buhat ang anak ko. Nagtungo kami sa sofa at doon ko na siya pinakain pa.
***
“Raizer!” Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.
“Myrah? What are you doing here?” gulat na tanong ko sa kanya.
“I heard the news that you have a kids. Is that true, Raizer? Paano na ang kasal natin? Matutuloy pa ba iyon?” nag-aalalang tanong niya and honestly speaking I don’t know what to say. Dapat nga ay hindi ako ang tanungin niya. My Mom.
“Yes, Myrah dear. Itutuloy natin ang kasal ayon sa napagkasunduan but... If you still accept my son that he’s already a father,” Mom’s uttered. Kahit saan talaga ay sumusulpot siya.
“Yes po, Mom! Tatanggapin ko pa rin po siya. He’s my fiancé after all.” Nababaliw na ba siya? At saka ano naman ang plano ni Mom sa babaeng iyon na umaangkin na siya nga ang biological mother ng triplets ko? “Siya na ba ang anak mo, Raizer?” tanong niya sa akin at itinago ni Quinne ang mukha niya sa leeg ko.
“Yes,” sagot ko.
“Myrah, tatlo na ang anak ni Raizer,” kuwento pa ni Mommy.
“Wow... T-That’d great and amazing. Mas marami ay mas maganda, right Mommy?” As if, tsk.
“Of course, dear,” pagsang-ayon naman ni Mommy.
Habang pinagmamasdan ko si Mom ay parang nag-iba na rin yata ang ugali niya. Dámn it. Akala ko ay si Catherina na lang ang magiging problema ko pati ba naman si Myrah? Fvck...
“Baby? What happened to our daughter Quinne?” Shet, hayan na siya.
“W-Who is she naman?” gulat na tanong ni Myrah.
“Oh, and who are you too? What are you doing here?” tanong naman ni Catherina. Nagkaharap din sila. Pss.
“I’m Raizer’s fiancé and you’re the mother of his kids?” Myrah asked her. Alam naman pala niya pero bakit kailangan pang tanungin iyon?
“Yes! Wait, f-fiancé?” gulat na tanong nito at binalingan ako. “ailan ka pa nagkaroon ng fiancé, baby? Ikakasal na tayo, right? May anak na nga tayo?! And Mom told me that we’re getting married!” Ang gulo na nila. Ano ba talaga ang plano ng sarili kong ina at pati ang buhay ng dalawang babaeng ito ay ginugulo na rin niya?
“C-Catherina, dear---”
“Ang sabi ninyo ay ikakasal na kami ni Raizer! So, bakit ganito, Mommy?!" Napaawang ang labi ko sa gulat.
“U-Uhm, I’ll exp---”
“Then why my Raizer is already engaged with someone else?!” Hinagod ko ang likod ni Quinne dahil nararamdaman ko ang panginginig ng katawan niya. Natatakot lang siya. Shet, kailangan naming umalis dito.
“Catherina---” hindi na naman natapos ni Mommy ang sasabihin niya nang sumulpot ang isa sa kasambahay namin.
“Madame Sanchez! Sir Raizer! N-Nawawala po si Jacky!” agaran na sabi nito.
Nilukob ako ng takot nang malaman ko ang balitang iyon. Fvck...
“Nawawala?! Paano naman nawala ang anak ko?!” pagalit na tanong ko.
“L-Lumabas po siya kanina sa g-gate, Sir. T-Tapos bigla po siyang tumakbo at hinabol naman po namin siya pero masyado pong mabilis tumakbo si Jacky at h-hindi na namin nakita pa kung saan na siya nagpunta,” naiiyak at nanginginig na sabi niya.
“Hanapin ninyo ang anak ko!” sigaw ko. Gusto kong magmura pero hindi ko lang ginawa dahil nasa bisig ko pa rin ang anak ko.
“Raizer...” tawag sa akin ni Mommy.
“Hahanapin ko lang po ang anak ko Mommy,” malamig na sabi ko.
“Okay, son. Akin na ang apo ko,” sabi niya at naglahad pa siya ng kamay.
“No, Mom. Sasama po sa akin si Quinne. Hindi ko po siya iiwan dito,” sabi ko at mabilis na naglakad. Hindi ko ipagkakatiwala sa kanila ang anak ko. Kung alam kong nandito ang dalawang babaeng ito at kahit si Mom ay wala pa rin akong tiwala.
“Daddy!”
“Jecky, come on, little bud. Let’s find our Jacky,” sabi ko at tumango naman siya. Lumapit din siya sa amin.
Pinaupo ko sa shotgun seat si Quinne at mabilis na kinabitan ko ng seat belt. Umupo naman sa back seat si Jecky at marahan kong isinara ang pinto saka ako umikot sa kabila. Inayos ko ang seatbelt niya.
“Ayos na po, Dad,” he said nang maayos na nga ang seatbelt niya. Sumakay rin ako sa driver seat.
Shet! Nasaan naman ang anak ko? Bakit siya lumabas bigla? Bakit siya umalis? Fvck, pápatayin ako ni Quinna kapag nalaman niya na nawawala ang anak namin! God...
“Daddy, calm down please. Maaaksidente po tayo niyan kapag ganyan ka. Nanginginig po ang mga kamay mo, Dad.” Napalingon ako sa reviewed mirror at seryosong mukha ng anak long si Jecky ang nakita ko.
Tama naman siya na nanginginig ang mga kamay ko. Kinakabahan lang ako at nag-aalala para sa kapatid nila.
“I’m sorry, son. Kinakabahan lang ako sa kapatid ninyo,” sambit ko.
“Don’t worry about him po, Dad. Jacky will be fine, he’s always like this and that’s why Mom hired the bodyguard for him,” his explanation.
“I hope so, son... I won’t forgive myself kung mawawala sa atin si Jacky,” sabi ko at tumingin sa labas para hanapin na si Jacky.
Where are you, Jacky? Pinag-aral mo naman si Daddy, eh.
QUINNA AMERA’s POV
“Quinna, darling! Ang liwanag pa ng araw ay nagpapakalasing ka na agad?” tanong sa akin ng kaibigan kong si Rumu.
“Rumu, may problema kasi ako, eh,” I reasoned out.
“Spill it. Makikinig ako,” sabi niya at umupo siya sa katapat na upuan ko.
“Alam mo ba ang feeling na kunin mula sa ’yo ang mga anak mo?” wala sa sariling tanong ko at nakatanggap ako ng isang pitik sa tungki ng ilong ko. Shet naman, ang sakit no’n, ah!
“Well, hindi ko alam. Wala naman akong anak, tss. Nasaan ba ang dalawa mong kaibigan at sa akin ka pa talaga nanggugulo, ha?” tanong nito sa akin.
“Rumu! Pareho kaming may problema at ayoko silang abalahin, eh,” sambit ko at tinungga ko ang bote ng alak. Mabilis naman ito inagaw ni Rumu.
“Tss, paano naman ako? Busy rin kaya ako, eh,” aniya.
“Ows? Nahanap mo na ba si Aira?” tanong ko at umiba naman ang ekspresyon ng mukha niya.
“Hindi pa pero alam kong makikita ko pa rin siya. I’m sure of that,” sabi niya.
“Paano kung... may asawa’t anak na iyon? Aagawin mo pa ba?” nakangising tanong ko at kumunot naman ang kanyang noo.
“Asawa? Hindi ko alam pero kung anak. Oo, baka may anak na ’yon, the last time we saw each other ay buntis siya,” kuwento niya at namilog ang mga mata ko.
“Oh, holly shet, my friend! Binuntis mo siya?!” hindi makapaniwalang tanong ko at isang pitik ulit ang natanggap ko from him
“I’m not the father, tss. That’s her boyfriend. Fvck that bastard Levi!” Nagulat naman ako sa sinambit niyang pangalan. Totoong Levi ba ang narinig kong sinambit niya? Si Levi?
“L-Levi? Levi? I heard it right? Did you just mentioned my friend’s name, Rumu?” gulat kong tanong.
“Levi, Levi Ezeil Leogracia, that’s his full name,” he said.
“Fvck? Just what the fvck, Rumu?!”
Don’t tell me... s-si Tharisma iyon? Si Tharisma na kilala ng kaibigan ko at si Aira ay iisang tao lang? “Fvck!” mura ko.
“Hoy, babae. Hindi bagay sa ’yo ang nagmumura!” sita niya sa akin at napatayo naman ako.
“Where are you going?” nagtatakang tanong niya.
”To Levi, I-I want to say something that important... Na ang kaibigan ko si Rumu ay first love rin pala niya ang first love ng best friend ko... Holy fvck! It can’t be,” sambit ko at panay pa ang pag-iling ko.
“What are you talking about?”
”Nothing,”s sagot ko at lumabas na ng clinic niya. Yeah, sa clinic niya talaga ako nagpunta.
Mabilis na sumakay ako sa kotse ko at paaandarin ko na sana nang makita ko si Rumu sa labas. Kinatok niya ang bintana ng sasakyan ko kaya binaba ko naman iyon.
“What?”
“You’re drunk, darling. You can’t drive in that state. Ihahatid na lamang kita,” pagpresenta niya.
“No, I’m not drunk. Nakalimutan mo na ba na katulad din ako ng crush mo na si Aurora na mataas ang tolerance sa alcohol?” sabi ko at tinaasan niya ako ng kilay.
“At hindi ko pa rin nakalilimutan noong binuking mo ako sa kaibigan mo!" I chuckled.
God! This is surprising! Ang first love niya ay first love rin pala ng best friend kong si Levi? Tapos naanakan na ng babaerong iyon? And now? Crush pa rin niya si Aurora. Wow...
“I have to go, Rumu. Thank you for your time, bye!" paalam ko pa.
“Wait, Quinna!” Sinarahan ko na siya ng pintuan at mabilis na pinaandar ang kotse ko.
Pupunta ako kay Levi...
Napatingin naman ako sa cellphone ko na ang wallpaper ko ay ang triplets ko. Oh God, I missed my babies! That Madame Sanchez is so cruel!
Wait si Papa. Naiinis na naman ako nang maalala ko ang gurang na iyon!Saan na ba kasi pumunta si Papa? Malaman ko lang kung nasaan siya sa mga oras na ito ay hindi talaga ako magdadalawang isip na... Nasaan na ba kasi ang Papa ko? At bakit nakuha nila ang mga anak ko?
Inilagay ko ang phone ko sa pocket ko at tumingin sa daan ngunit may nakita akong babaeng tatawid na sana...
“Fvck!” malutong na mura ko. “Oh, boy... Oh, boy! Fvck!” Pinikit ko ang mga mata ko at mariin na inapakan ko rin ang break. Sana lang ay huminto agad at hindi ko siya mababangga! “Dámn it!”