Teaser
--------
Tagline: My wedding was supposed to be the happiest day of my life, but everything changed when I ended up marrying my boyfriend’s twin. He's obsessed with me, and that obsession led to our destruction.
-
I am so excited.
I finally made up my mind.
Aamin na ako. Sasabihin ko na sa asawa ko na mahal ko na siya. Na hindi pa man natatapos ang anim na buwan na sinasabi niya sa akin, nagawa na niya akong paibigin sa kanya.
Sabi niya sa akin, kung hindi niya ako magawang paibigin sa kanya sa loob ng anim na buwan, he will let me go. At aminado ako, talagang hinintay kong matapos ang anim na buwan dahil gusto ko nang lumayo sa kanya.
Sabi din niya, kapag nagtagumpay siya at mapaibig niya ako, which is confident naman siya na mangyayari, magbabago na daw siya at hindi na siya kailanman, kahit lilingon pa sa ibang babae. He will be completely devoting himself to me.
Hindi ko din inaasahan ang damdamin kong ito. Kaya hindi ko agad natanggap. Mariin ko pang ipinangako sa sarili ko na hindi ko matututunang mahalin ang isang tulad niya.
Pero, hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko. Nahuhulog pa rin ako sa lalaking isinumpa kong hindi ko mamahalin. Sa lalaking sa tingin ko’y sumira sa buhay ko at naglayo sa akin sa lalaking tunay kong minahal.
At saka, may magandang balita din ako sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang mahaplos ko ang tiyan ko. Sabay sa pagtanggap ko na mahal ko siya ay ang katotohanang magkakaanak na kaming dalawa.
Sabi niya sa akin na meron daw siyang good news sa akin sa araw na ito. Pareho kaming dalawa dahil may good news rin ako sa kanya.
“Hendrik.”
Napalingon siya sa akin. Seryoso ang kanyang mukha. Hindi ko nakita ang kanyang mapanuyang ngiti na lagi kong kinaiinisan. Mukhang may seryoso talaga siyang sasabihin sa akin. Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka-seryoso kasi madalas parang pinagloloko lang niya ako, iniinis, at laging ipinapakita sa akin na kahit anong gawin ko, hawak niya ako lagi sa leeg.
Ito ang dahilan kaya inis na inis ako sa kanya, dahil alam ko kung gaano siya ka-obsessed sa akin.
“Come closer,” ani niya. Ginawa ko naman.
Humakbang ako palapit sa kanya. Nakaupo siya sa sofa sa sala sa mala-palasyong bahay namin, pero para sa akin, sa nakalipas na mga buwan, ay ito ang mismong impyernong pinatayo niya para sa akin.
Pagkalapit ko, agad niyang iniabot sa akin ang isang expanded envelope.
“Ano ito, Hendrik?” kunot-noo kong tanong sa kanya.
“Open it.”
Again, ginawa ko ang sabi niya. Aminado ako, kinakabahan ako. Sadyang may mga pagkakataon na malamig siya, pero iba ang lamig niya ngayon sa akin. Parang gusto niyang i-freeze ako sa lamig ng pakikitungo niya sa sandaling ito.
Kinuha ko ang papel na nasa loob at binasa ko. Nanlaki ang mga mata ko at muntik ko nang mabitawan ang papel dahil agad na nanginig ang kamay ko.
“A-Ano ito, Hendrik?” lakas-loob na tanong ko sa kanya, kahit nanghihina na ako ng sobra. Pinilit ko pa ring tumayo nang matatag kahit gusto ko nang umupo.
“That is my good news to you, Carleigh,” nakangiti niyang sabi. “Your wish finally comes true. Pinapalaya na kita. That is our annulment paper. Pirma mo na lang ang kulang. Don’t worry, less than a month, tuluyan nang matatapos ang kasal natin. You know, I can do that.”
Agad na nag-init ang sulok ng mga mata ko at mabilis ding tumulo ang mga luha ko.
“Bakit? Bakit, Hendrik?” tulong-luha kong tanong. Talagang nasasaktan ako at hindi ko kayang itago ito.
“Carleigh, you don’t have to pretend that you’re hurt. Isn’t this what you’ve been waiting for? Now, I’m giving it to you. You’re free. I won’t bother you ever again.”
Malamig niyang sabi at hindi ko na nakikita ang dating init sa kanyang mga mata pag nakatingin sya sa akin.
No. Hindi ako papayag. Alam kong kasalanan ko. Alam kong ako ang dahilan kaya sumuko siya sa akin.
Kailangan kong mabago ang isip niya.
Pero paano?