-------- ***Carliegh’s POV*** - Kinalma ko ang sarili ko. Sunod-sunod akong huminga nang malalim para pakalmahin ang dibdib ko. Pagkatapos, pumasok ako sa study room kung saan ko nakita kanina na pumasok si Hendrik.Hindi na ako kumatok. Bigla ko na lang binuksan ang pinto. Napahinto ako sa mismong bungad ng pinto. Nakatayo si Hendrik sa gilid ng mga bookshelf, nakaharap sa malaking mesa sa gitna ng silid. Hawak niya ang cellphone sa tenga niya at may kausap siya sa kabilang linya. Kunot-noo ang mukha niya habang nakikinig. Sandali akong natigilan. Hindi ko halos maintindihan ang pinag-uusapan nila. Mahina lang boses niya at parang sinasadya niyang hindi marinig nang malinaw. Pero may ilang salita akong nasagap. “Transaction… shipment… payment confirmation…” At kung anu-ano pang te

