------ ***Carleigh’s POV*** - “Is there a problem?” tanong sa akin ni Holland. Nasa loob na kami ng kotse, busy siya sa pagmamaneho, ihahatid niya ako pauwi. Malamig ang aircon pero parang hindi sapat para pakalmahin ang init na bumabalot sa dibdib ko. Napatingin ako sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa manibela, nakatuon ang mata sa kalsada. “Napapansin ko kasi… you’ve been quiet since we left,” dagdag niya. Tahimik lang talaga ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Pero paulit-ulit na bumabalik sa isip ko si Hendrik… at ang nangyari kanina lalo na sa hapunan. Ang mariin na titig niya sa akin. Ang paraan ng pagsasalita niya. Ang pakiramdam na parang sinasadya niyang ipaalam sa lahat na he was… hitting on me. Hindi ko alam kung naramdaman ba ng iba ang tensyon sa pagit

