Chapter 20

2894 Words
CAMILLE "Yiie! Congrats, Nicole! Yayamaning froglet ka!" Biro ni Kim. Andito kasi kami sa announcement board at nakikita naming candidate sila ni Kim sa pagiging Team Leader. Hindi lang un! Sya din ang Top Team Member ng Resorts and Hotel kaya naman tuwang tuwa kami. Kasi manlilibre sya! May bonus yan! Parepareho na kaming regular sa ME kakapirma lang namin last 2 months at ayan na nga for 2 consecutive months, simula ng pumirma kami, nasasama na sya sa Top. Nung probitionary palang kasi kami hindi kami pwedeng isama for regular employee lang daw. Kasama din naman kami nila Tala at Kim pero kasi si Nicole nasa Top 1 kaya mas malaki bonus nyan. . Pero nag iipon yan kaya pursigido sa trabaho. Atska magaling naman kasi talaga sya. "Sira! Congrats din sa inyo. Hindi lang naman ako! Mga baliw to!" Sabi nya tapos tumingin dun sa ibang nag kocongratulate sa kanya. "Matutuwa si Mama pag binalita ko to." Sabi nya kaya napangiti ako. Lagi talagang kasama ung Mama nya sa mga achievements nya. Kami din naman... Laging kasama sila Papa at Mama. Kahit naman kinasal na ko kay Keith, natulong pa din ako kila Papa. At yep! Kinasal kami ni Keith.. Bago sila lumipad ni Miggy papuntang Canada, kinasal kami, actually eto lang, last month lang un. Tapos kauuwi lang nila kagabi. Oras na lang ung inaantay nila nun bago umalis papuntang airport. Inalok nya ko ng kasal, sira ulo un ih! . Alam naman daw ni Papa, Si Mama pang daw ang hindi. Flashback natin. Flashback I was checking Keith's luggage ng pumasok sya ng kwarto at may bitbit na bulaklak. Aalis kasi sila ni Miggy pupunta ng Canada, 3 weeks sila dun. Kalungkot nga ih. "Para san yan?" Natatawang tanong ko sabay kuha ng bulaklak ng makalapit na sya sakin. "Thank you kasi pumayag kang tumira dito kasama ako. Thank you for loving me. Thank you kasi kahit minsan makulit ako hindi ka nagagalit. . Kahit alam kong naiinis ka na." Sabi nya at magsasalita pa sana sya ng sumabat si Miggy. "Keith. Straight to the point. 5pm ang alis natin pupunta pa tayo dun." Sabi nya kaya kumunot ang noo nitong kausap ko. "Alam mo! T*ngina ka! Dun ka nga! Naninira ka ng moment!" Sabi nya kaya matawa ako. Di na bago ung ganto nilang set up sakin kasi tuwing aalis sila at pupunta ng ibang bansa. Mapasaan lagi silang nag aaway. "Ang bagal mo kasi! Nag iintay na si Ninong." Sabi nya tapos umalis. . Ano bang problema ng dalawang to? "Ano ba un?" Tanong ko. Tapos nagulat ako ng bigla syang may inilabas na singsing. "Will you marry me, Camille Faith delos Santos? Alam ko mabilis masyado pero mabagal pa nga to kasi dapat nung unang bwan pa lang nating nagsasama ih. Kaso mas mabilis yun kaya tinaon ko na lang na ngayon. Bago kami umalis ni Miggy." Sabi nya at nakatulala ako sa kanya dahil talaga naman nakakagulat! Pero syempre! Aangal pa ba ko?! Ih nakatira na nga kami sa iisang bahay at parang mag asawa na. Hindi pa nga lang namin ginagawa un pero parang ganun na din diba? "Ngayon talaga? I mean Yes. I will marry you. I love you." Sabi ko sabay yakap sa kanya. Shock pa lang talaga ako pero masaya ako. As in! Hindi lang din eto ung ineexpect kong proposal pero okay na din. Basta mahal ko ung nagpropose. "Yes? As in yes? Yes! I love you too!" Sabi nya tapos yumakap sakin at humiwalay din agad dahil sinuot nya ung singsing. Tapos hinalikan ako sa labi. "Pakasal na tayo ngayon na." Sabi nya kaya nahampas ko sya bigla. "Sira ulo ka ba?!" Sabi ko at hindi maipinta ung mukha ko. "Seryoso ako! May damit ka na dun sa loob ng closet ko. . Antayin ka namin sa labas. I love you." Sabi nya tapos lumabas na malawak ang ngiti. Ako nakatulala pero hinakbang ko ung paa ko papuntang closet at meron ngang white dress dun. Kelan nya binili to?! Bakit ngayon ko lang nakita. Kahit gulo at hindi makapaniwala. Naligo ako at nagpalit ng damit, nag ayos ng unti at ung dress ko pang civil wedding talaga. . It's a white off shoulder dress and hanggang gitna ng hita ko ung laylayan sa unahan samantalang sa likod medyo mahaba. Paglabas ko, nakasuot sya ng white shirt at nakacoat na color gray tapos nakajeans with white shoes. Ang gwapo! "Planado nyo ba to?" Tanong ko sa kanilang dalawa habang nasa kotse. Nasa likod kami ni Keith at si Miggy ang nagdadrive. "Tanong mo dyan sa katabi mo." Sabi ni Miggy kaya tumingin ako kay Keith na nakangiti ng malawak. "Hoy! Planado to?" Tanong ko sa kanya at tumango lang naman sya. "Planadong planado. Hindi ka pa magyeyes, may singsing na kong nakahanda. ." Sabi nya at yumakap sakin. "I love you. Don't worry. Alam ni Tito Franco na ikakasal tayo." Sabi nya at hinalikan ako sa pisngi. "I want you to be mine. Yung wala ng makakakuha pa kasi kasal ka na sakin. Ska na tayo magpakasal sa simbahan pag okay na lahat." Hindi ko napigilang hindi ngumiti. Sira ulo talaga to! Nakarating kami sa isang bahay at pumasok sa loob. Gulat man ako pero masaya ako. "Ninong. Sorry. Natagalan kami. Si Jan Keith kasi ih. Ako lang po ang witness." Sabi ni Miggy tas ngumiti. "It's okay. Legal age naman na sila preho." Sabi nung matandang lalaki kaya tumingin ako kay Keith at inilingan sya. "Handa ka talaga ah!" Sabi ko kaya natawa sila pareho ni Miggy. "Suportado mo naman." Sabi ko kay Miggy. "He always support me kaya suportado ko sya dito." Sabi nya tapos tinapik ung balikat ni Keith at pumwesto sa likod namin. End of Flashback Sigurista to si Keith ih. . Pero wala naman akong pinagsisisihan na pumayag ako dahil gusto ko din naman talaga. Wala pa lang talagang nangyayaring honeymoon o kung ano pa man dahil pagkatapos ng kasal namin. Kumain lang kaming dalawa tapos kinuha ung mga gamit nya sa bahay, humalik lang at umalis na din. . Natatandaan ko pa ung sinabi nya nun bago umalis. 'pagbalik ko na ung honeymoon natin. Magready ka muna. I love you wifey.' At pwera biro! Inaantay ko din. Pwede naman na siguro akong lumandi diba? Kasal naman na kami. Oo nagagalit ako kay Ate kasi... Nag aaral pa sya nun at hindi sila kasal. Ayun kasi ang prinsipyo ko. Kasal muna bago kineme... Kung nagpakasal muna siguro sila kahit nag aaral pa lang sila tapos sikreto. Baka sinuportahan ko sila kasi suportado ko naman sila not until ginawa nila un. "OMG! Kasali ako sa candidate ng team leader. Salamat sa congrats nyo." Sabi bigla ni Olivia "Congrats sayo, Olivia." Nakangiting sabi ni Nicole. Tss! Mabait talaga to. Kahit kayang kaya nyang magtaray! "Sayo din Sanya." Habol nya. Ngumiti lang si Sanya sa kanya tapos umalis na sila nila Olivia. Maarte talaga. . Candidate kaming apat kaya lang sa iba iba. Kami ni Tala ang magkasama. Sa limang candidate na kasama sa Business assigned samin 2 ang makukuha kaya naman hopeful kaming pareho ni Tala na isa samin o kaming dalawa na lang. Bumalik na kami sa trabaho at nagtrabaho. Mag bibigay sila ng samin ng business event at gagawan namin ng proposal. Kaya naman sabi namin ni Tala. Galit galit muna sa idea. After ng duty. Ganun ulit kaming apat. At tuwang tuwa ang Nicole habang nasa tapat pinto ng elevator. At minsan naiisip ko na gusto ata talaga kaming ipahiya ng tadhama dahil tuwing kasabay namin sila Olivia, nakakasabay din namin sila Keith. "Congrats ulit, Nicole. Siguro kung nasa department nyo ko dalawa tayong nasa top." Sabi ni Olivia bigla kaya kanya kanya kami ng ilingan habang si Nicole lumilipad pa din sa alapaap kasi nakangiti nyang tinignan si Oliv. "Salamat. Congrats din." Sabi nya lang kaya ung mukha ni Olivia nabwisit ata kasi hindi sya pinansin ni Nicole! Natahimik na lang kami dahil sa inis ni Olivia. Sa sobrang saya ni Nicole, napapahumming sya. Maganda naman ung boses nya kasi maganda din ung humming. Nakakakalma ung humming nya. "Stop humming, Nicole." Biglang sabi ni Olivia. "It's kinda annoying." Sabi nya kaya napaayos kaming tatlo ng tayo! Aba! Ang kapal nito! Ganda ganda ng humming at boses nito! Pero nahinto un ng magsalita si Nicole. "You know what, Olivia. You should learn to appreciate music. And 1 more thing, nabasa ko sa internet, may malala daw na sakit na lumalaganap. Ingat ka baka madapuan ka. Inggit pa man din ung sakit na un." Sabi nya at ngumiti ng matamis na matamis tapos naghumming ulit! . Nagpipigil ng tawa sila Kim at Tala. Ako naman yumuyugyug ung balikat. Kaya nakaramdam ako ng hawak sa balikat ko at parang pinapatigil un. Sasagot sana si Olivia kaso bumukas na ung pinto tapos hinarap sila ni Nicole. "Sige na baba na kayo. Baka pag nauna kami, lalo kayong dapuan ng sakit. Go." Sabi nya na isinenyas pa ung kamay nya palabas. Padabog na lumabas si Olivia at ung iba. Ngumiti lang naman si Sanya samin kaya nginitian namin. Agad din hinawakan ni Nicole ung open button para magstay na nakaopen dahil hindi na namin napigilan hindi tumawa ng malakas. "Hoy! Labas na. Uwi na tayo! Sa tawa nyo parang ang sama sama ko!" Sabi ni Nicole kila Tala na tawa pa din ng tawa. Nung nakalabas na tumingin lang sya sakin. Akala ko yayayain nya ko lumabas pero iba pala. "Bye, Camille. Ingat po kayo." Sabi nya tapos tumaas baba ung kilay. "You secret is safe in me. Byie." Huling sabi nya tapos kumindat at kumaway sabay tumakbo dun sa dalawang hindi man lang sya inantay. "Alam nya!" Sigaw ko sabay harap kay Keith na tumatawa na. "Alam nya! Sira ulo to si Nicole!" Sabi ko tapos hinampas pa si Keith. Napapailing lang naman si Miggy. Apaka observant ng babaeng un! "It's okay. Safe naman daw ung sekreto mo." Sabi ng asawa kong walangya na natawa pa. "Grabe! Ang galing ng pagkakasagot nya dun sa babae! Ibang klase talaga. Gusto ko din humagalpak ng tawa pero nakakahiya naman." Sabi nya habang niyayakap ako. "Mabait pa nga ung pagkakasabi nya ih. Buti nga sya ung sumagot at hindi ung isa. Kung si Kim un baka nagkaroon ng sabunutan. Pero hindi naman siguro kasi andito kayo." Sabi ko tapos bumitaw sa yakap ni Keith dahil palabas na kami. "Mukha nga ih." Sabi nya. Tapos hinawakan ung kamay ko. "Ready ka na ba?" Bulong nya. "Keith!" Sigaw ko sa kanya pero napapansin namin na tahimik si Miggy. "Okay lang yan?" Tanong ko kay Keith. "Yeah. Pagod lang yan." Sabi nya. Tapos biglang humarap samin si Miggy. "Una na ko. Naiingit na ko at baka hindi ko mapigilan ung sarili ko." Sabi nya tapos pumasok ng kotse pero bago un. "Ingat kayo. Enjoy." Sabi nya tapos pumasok na ng tuluyan at bumusina para magpaalam. Ganun din ang ginawa namin ni Keith tapos umuwi. Pag uwi namin, agad akong niyakap ni Keith ng mahigpit. "I miss you... Katabi kita kagabi pero miss na miss pa din kita." Sabi nya at humiwalay bigla sakin. "Namiss din kita. Hindi na ko sanay ng wala ka ih. Nakakapanibago." Sabi ko at tumingkayad para ako na ung humalik sa kanya na tinugon nya. Dahan dahan ung galaw ng labi naming dalawa habang dahan dahan nya rin akong inaalalayang maglakad. Naramdaman ko na lang ung sarili ko na nakaupo na sa kandungan nya at hawak hawak nya ko sa bewang ko at pinipisil pisil un. Bigla syang bumitaw at tumingin sakin. "Ready ka na ba? I don't want to force you, babe. Hindi porket kasal na tayo kailangan na natin gawin, kaya kita pinakasalan kasi gusto kong makasiguro, hindi dahil sa gusto kitang makas*x." Sabi nya at hinawakan ung pisngi ko. "Dahil kung un lang matagal ko ng ginawa sayo un." Dagdag nya pa kaya napangiti ako. "I'm fine... Thank you." Sabi ko at yumakap sa kanya na tinugon naman nya at hinimas ung buhok. "I love you." "I love you more... Let's do that pagready ka na." Sabi nya at naramdaman kong hinalikan nya ung gilid ng ulo ko. "Sa ngayon magluto na tayo ng pagkain natin." Natatawang sabi nya tapos humiwalay sakin. "Okay. Ako magluluto! Ano gusto mo?" Tanong ko. Habang inaalalayan nya kong tumayo. "Gusto ko ung adobo mo. Masarap un. Namiss ko!" Sabi nya kaya naman nag okay sign ako sa kanya. Nagbihis lang ako tapos nagluto na. Habang nagluluto naman ako. May mga bwisita na naman kami at may mga dalang beer at parang pinaalis sila sa lugar na kung nasaan sila kanina. Sinabay namin sila kumain nung naluto na. Sila na din naghugas at ako pumasok na ng kwarto. Tapos kinuha ko ung phone ko. Pagtingin ko may missed call si Kim at Tala. Kaya naman tumawag ako sa kanila. At sobrang nanlumo ako sa nalaman ko. Kaya naman kahit hindi pa ko nagpapaalam kay Keith, nagbihis ako at sinabing daanan ako nila ko. KEITH "Bakit ba dito nyo na naman naisip na pumunta ha? Magsipagseryoso na nga kayo para hindi na kayo nangungulit!" Inis na sabi ko sa kanila dahil bigla silang nagsipagpuntahan dito sa condo namin ni Camille. Hindi naman sa ayoko sila dito! Pero time sana namin ni Camille to ih. Mga g*go! Ipinapangako ko pag nagkaroon ng mga karelasyon tong apat na to! Guguluhin ko talaga sila ng sobra! Hindi ako titigil. Lalo na to si Miggy! Pag talaga nagkaroon ng pagkakataon. Hindi ko sya titigilan. "We just want to relax. Hindi pwede sa condo namin dahil baka bisitahin na naman kami bigla ni Sofia. Alam nya lahat na may lugar kami at napuntahan na nya. Si Miggy kasi ih." Sabi ni Theo at tinuro pa si Miggy. Lahat kasi ng condo nila alam ni Sofia dahil tuwing mag iinum kami pupunta din dun si Sofia. Tanging eto lang ang hindi nya alam. Mabuti naman. "Wag mo kong sisihin dahil gusto mo din naman un. Kunwari ka pa!" Inis na bwelta naman ni Miggy. Nayaya lang to bigla magkasama naman kami kanina ih. "Syempre! May kasamang babae eh. Nasaan pala si Camille?" Tanong ni Theo. Tumuro ako sa kwarto. "Nandun. Kachat nyan ung mga kaibigan nya panigurado." Sahi ko at tinignan ko ung oras 8pm pa lang naman. "Ow... Magaganda kaibigan nya? Sabihin mo reto kami." Sabi ni Theo na binato ni Miggy ng unan.. Hindi pwede andun ung asawa nya ih. "Hindi pwede. Mga empleyado ko un." Sabi nya tapos uminum ng beer nya. Ngumuso lang naman si Theo. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ng biglang bumukas un at nakita ko si Camille na nakabihis. San punta neto? "San punta mo, babe?" Tanong ko sa kanya kaya napunta din ung atensyon nila Henry. "Ah. Puntahan lang namin si Nicole. Mabilis lang ako. Promise." Sabi nya, kita ko sa mata nya ung pag aalala, magsasalita pa sana ako ng may tumawag sa kanya. "Oh. Wait. pababa na." Sabi nya at binaba na. Nagmadali na din syang nagpaalam ng hindi man lang ako nakapagtanong ng maayos. Nagkatinginan kami ni Miggy na nagkibit balikat lang pero halata mong nag aalala sya. Uy! Naiinlab na sya! Nagkwentuhan na lang kami ng ibang mga bagay. Nalaman namin na may girlfriend na pala tong si Henry! Kaya pala kanina pa tingin ng tingin sa phone nya. . Okay! 2 down! Sino naman kaya ang sunod na magseseryoso. Isang oras na mahigit ang lumipas pero wala pa si Camille. Nag aalala naman ako, dahil kanina lang masayang masaya si Nicole anung nangyari para makita kong mag aalala at nagmamadali si Camille sa kanya. Napatingin kaming lahat sa phone ni Henry ng magring un. "Sweetie? Bakit?" Malambing na sabi nya aasarin sana namin ng biglang kumunoot ung noo nya. "Are you crying? Why? What happen? Okay. Sa apartment mo na lang ako deretso.... Okay. Bye. I love you. Yes." Sabi nya sabay baba ng tawag. "Una na ko. Saka na ulit tayo magkwentuhan. She needs me. Bye." Sabi nya tas tumayo na. "Ingat tol. Pakilala mo kami kay sweetie next time ah." Sabi ni Theo. "Sige. Next time. Alis na ko." Sabi nya at hindi na namin sinundan ng asar dahil mukhang seryoso talaga sya. Ano kayang meron? Di naman magtagal nagkanya kanya na sila ng uwi. "Can you call me if Camille tell you what happen to Nicole? I'm kinda worried about her." Sabi ni Miggy bago sya umuwi. "Sige. Pero tatawagan ko din muna sya kung asan na sya. Dahil nag aalala din ako sa kanya." Sabi ko at tumango lang sya tapos umalis na. Niligpit ko na lang ung mga ginamit namin na iba. Tapos nagshower, pagkatapos kong magshower dun ko na lang tatawagan si Camille, yun ung nasa isip ko pero paglabas ko. Nakita ko si Camille na, nakatulala habang nakaupo sa kama kaya agad ko syang nilapitan. "Babe. Anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya, dun sya tumingin sakin. Nayakap ko naman sya ng biglang may luhang tumulo sa mga mata nya at humikbi. "Sssh.. anong nangyari bakit naiyak ka?" Tanong ko ulit. "Naawa ako kay Nicole... Wala na ung mama nya..." Sabi nya at dun muling umiyak ng malakas. Natigilan naman ako. Ptcha! Paano ko sasabihin kay Miggy na namatay ung dahilan kung bakit sila kinasal ni Nicole?! ------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD