Keith's POV
1 month had passed after ng pagkamatay nung mother ni Nicole. Nakakapagtaka lang dahil nakikita pa din namin sya.
Hindi na ikinuwento ni Camille ung ibang details. Nung gabi na namatay ung mother ni Nicole. iyak lang sya ng iyak na halos hindi na makahinga. Hindi ko alam ung nangyari pero base sa iyak nya malala ata. Sobrang naawa sya kay Nicole, buti nga at nakatulog pagkatapos kong mapatahan.
Hindi ko din sinabi kay Miggy ang nangyari. Ewan ko, gusto ko itago na lang sa kanya. Lalo na at madami syang ginagawa, mag aalala lang sya at baka biglang magpakilala. Hehehe
"May meeting pa ba ko ngayon dito sa company?" Tanong bigla ni Miggy kaya nilingon ko sya at umiling.
"Wala na. Pagbalik natin ng office mo pwede ka ng magpahinga." Sabi ko at pinindot ung floor ng office nya.
"Okay." Sagot nya lang tapos tumingin sa taas. "Sasama ka mamaya sa sinasabi ni Henry? Papakilala nya daw girlfriend nya with the friends." Sabi nya. Ou nga pala! Napagkasunduan pala namin na ipapakilala ni Henry ung girlfriend nya ngayon. Di ko nasabi kay Camille o isama ko na lang kaya.
"Baka tapos Isasama ko si Camille." Sabi ko at umayos ng tayo ng bumukas ung pinto. Pasimpleng siniko ko naman si Miggy bigla ng makita ko kung sino ung papasok ng elevator.
Nagbaba lang sya ng ulo at dahan dahang umayos ng tayo. Si Nicole naman nagbow lang sya after nyang makarecover sa gulat. Sya lang mag isa at walang kasama.
Kung titignan mo mukha syang hindi namatayan pero kung titignan mo ung mata nya kanina alam mong may lungkot.
Tahimik lang kami ng magsara ung pinto, sabay pindot nya sa button ng floor nila. Tapos tahimik na tumayo sa harap namin. Napapansin kong tinitignan sya ni Miggy kaya siniko ko si Miggy bigla. Kasi naman hinahagod ng mata nya si Nicole. Baka biglang mailang ih.
Nag hahum lang naman ulit si Nicole ng kung anong kanta at nakikinig naman kami. Maganda talaga ung boses ng babaeng to kaya nung nakaraan, halos sumama ung loob ng asawa ko dun sa babaeng nagsabi na annoying ung pagkakahum nya. Mahina lang naman un pero rinig namin dahil tatlo lang naman kami.
Bumukas naman na ung elevator para sa floor nila at lalabas na sana sya ng bumungad sa kanya sila Camille at sumigaw nung nakita sya sabay tinulak sya papasok sa loob. Hindi ata nila napansin na andito kami.
"Nicole!!!" Sabay sabay na sigaw nila, halata naman dun sa isa na nagulat sya. Hanggang sa sumara ung pinto at hindi na nahabol ni Nicole.
"Anong problema nyong tatlo? Wala na lagpas na sa floor natin.." nakangiwing sabi nya.
"San ka nag punta? Bat hindi mo kami sinama? Kinabahan kami!" Hesterikal na sabi ng asawa ko. Patay pag nadulas sila lagot ako kay Miggy.
"Cams, medyo OA tayo sa part na un. Hahahaha. Okay lang naman ako. Ano ba kayo? Sa baba ako galing." Sabi nya tapos pinindot ulit ung floor nila. "Galing nyo. Mag floor hopping tayo. Sana hindi tayo matanggalan ng trabaho sa ginawa nyo. Ayan sila Sir oh." Sabi nya sabay turo samin. Kaya sabay sabay na tumingin ung tatlo at malalaki ang matang nagulat sabay ayos ng tayo. "Oh? Edi nagulat kayo? Tss... Palabas na ko ng hilahin nyo ko papasok ih."
Lihim naman akong natawa dahil sa sinabi nya. Hindi naman sila matatanggal. Cute nga nila ih, Atska, hindi sya tatanggalin ni Miggy basta basta.
"Sorry na. Akala kasi namin kung saan ka nagpunta." Sabi nung isang babae na Kim ata ang pangalan.
"Ou nga. Tapos sabi pa ni Nico bigla ka na lang daw lumabas." Sabi naman nung isa pang babae.
"Next time kasi magsasabi ka para hindi kami OA." Sabi naman ng asawa ko sabay hampas sa braso ni Nicole.
Tinawanan lang naman nya ung tatlo tapos tumango tango na lang. Tumahimik naman silang apat. Biglang bumulong si Nicole kay Camille, naikinalaki ng mata ng asawa ko sabay hampas kay Nicole na tinawanan lang nya.
"Alam mo! Bwisit ka!" Sabi nya tapos tumawa si Nicole na parang kumakanta at pansin na pansin ko ung ngiti ni Miggy na hindi na mapigilan. Naiinlove na ba sya kay Nicole?
Tumunog naman na ung elevator hudyat na nasa floor na kami ni Miggy kaya naman tumabi sila ng unti tumingin naman sakin si Camille kaya kinindatan ko sya na nakita pala ni Nicole kaya biglang napakagat labi. Natawa lang din naman ako dahil sa reaksyon nila.
"Go to back to your work place. Okay?" Paalala ni Miggy sa kanila bago lumabas.
"Yes po. Sorry Sir." Sabi ni Nicole. Tuluyan na kaming lumabas at naglakad papunta sa office nya. At napapansin kong may ngiti sa labi ni Miggy.
Pakanta kanta pa ang g*go! Hahahaha. Inlove na nga ata sya kay Nicole! Buti naman para hindi na sya maghabol dun sa hindi naman sya kilala. Hahaha
Camille's POV
"Sama kayo ah? Pakikilala ko ung boyfriend ko tapos kasama ung friends nya. Please... Sama kayo. Nicole!" Sabi ni Kim. Nagyayaya kasi sya.
Naipapakilala nya kami sa boyfriend nya at friends nito. Okay lang naman pero magpapaalam muna mo kay Keith.
"Payag ako, si Danica, sasama din diba? Ikaw Cams?" Tanong nila sakin. Naglalakad kami pabalik dahil tapos na ung coffee break namin. At tapos na din ung hanapan namin kay Nicole! Nakakahiya talaga ung nangyari! Hahaha. Kainis! Baka akalain ni Miggy nag lalakwatsa kami! Hahahahaha
Tapos etong Nicole kanina, kung ano ano pang binubulong. Alam na nga nya at naconfirm nya lalo ng kinindatan ako ni Keith kanina. Hahahahaha
"Di ko sure. Maya sabibin ko." Sabi ko kaya tumango lang silang dalawa. "Ikaw, Nicole?" Tanong ko.
"Hindi. Kayo na lang. May tatapysin kami atska kilala ko naman na boyfriend nya." Sabi nya tapos tumingin ng nakakaloko kay Kim. Ang daming alam nito!
"Tss! Sumama ka pa din. Hindi pwedeng mag isa ka sa apartment! Sumunod ka na lang." Inis na sabi ni Kim.
Nasa apartment na kasi ni Kim si Nicole. Simula nung nawala ung mama nya. Alam namin na sobrang lungkot at sakit ng nararamdaman nya lalo na hindi nya nakita ung mama nya na nakaburol at nilibing. Pero eto sya at pilit pinapasigla at nakangiti. Sobrang tapang nag babaeng to.
"Tss. Bahala ka dyan. Hahaha. Dito na ko." Sabi nya lang tapos lumihis na ng daan dahil pupunta na sya sa team nya.. Ganun din naman kami.
Team Leader na yan si Nicole pati si Kim. Kami ni Tala. Hindi kami nakuha pero okay lang naman samin. Aminado ako na sobrang kabado ko nung pinagreport kami sa conference room.
Si Kim, talakera yan pero ang galing nyang magsalita nung nag eexplain sya ng proposal nya sa restaurant. Napapanuod kasi namin. Tapos ung mga tanong sa kanya. Napaghandaan nya talaga.
Si Krystal din kaso nga lang may hindi sya nasagot nung tinanong sya nung head ng Marketing. Nag kanda utal utal sya at pareho kami ng nangyari. Nakakatawa nga un dahil andun din sila Keith at nakikinig.
Si Nicole ang walang bahid ng kaba. Kahit kakamatay lang ng Mama nya, compose at handa. Isang tanong lang ang tinanong sa kanya. At sa unang beses nagsalita si Miggy nung si Nicole na. Sya actually ang nagtanong at syempre smooth na nasagot ng kaibigan ko.
Ayun dahil dun. Si Kim naging TL sa Business assigned sa kanya tapos si Nicole din.
Dahil nga may pupuntahan kami. Tinext ko na lang si Keith about sa lakad namin. Isasama nya din daw sana ako sa lakad nila nila Herny kaya lang may lakad din daw ako kaya sige lang daw. Text ko na lang daw sya pag pauwi na.
We wait until matapos ung duty tapos sinundo kami ni Danica. Pumunta muna kami sa apartment nila Kim dahil susunduin din daw kami ng boyfriend nya. Naka OT pa si Nicole dahil may tatapusin nga sila.
Danica bought some clothes for us. Hindi revealing pero sakto lang samin, mga nakapang office attire kasi kami kaya daw binilhan nya kami. Kaya naman oagdating sa apartment nila Kim, nagpalit na kami.
"Antayin na lang kaya natin si Nicole? Ayoko syang iwan dito sa apartment ng mag isa." sabi ni Kim.
Kahit kami ayaw namin, pero alam kong kahit hintayin namin si Nicole, hindi talaga sasama un.
"Wag na. Gagawa natin ng paraan para pumunta sya. Relax! Ayoko din na mag isa sya dito." Sabi ni Danica at tumayo dahil may kumatok sa pinto.
Pagbukas nya halos lumuwa ang mata nya ng makita nya kung sino ung andun.
"G*go ka Kimberly!" Sigaw nya na ikinatawa ni Kim at nung lalaki. "Pasok po." Magalang na sabi nya ska niluwagan unh pinto para makapasok ung bagong dating.
"Ay takte!" Bulaslas ni Tala ng makita kung sino ung pumasok!
Ako din naman nagulat dahil si Sir Henry lang naman ung andito?! Hahahaha. Kung si Sir Henry to. Ibig sabihin, makikita ko si Keith sa pupuntahan namin. Hahahaha. Matext nga si Keith mamaya.
Lumapit si Kim kay Sir Henry at agad naman syang hinalikan ni Sir Henry sa gilid ng ulo. Napakagat labi ako sa nakita ko. Hahahahahaha! Sya pala ung tinutukoy ni Keith na type ni Henry! Hahahaha
Ipinakilala lang nya samin si Sir Henry bilang boyfriend nya. Bahagya pang nagulat si Sir Hens ng makita ako. Ngumiti lang naman ako at hindi na nagsalita. Natatawa din sya ng unti dahil dun.
Umalis na lang kami at bumyahe. Sakto naman daw alis namin dun dumating si Nicole. Tumawag kasi sya kay Danica.
I texted Keith about sa pupuntahan ko at tinanung ko din ung about sa pupuntahan nya. At natatawa ako kasi may sinabi pa syang promise hindi ako lalapit sa girls. Hahahahaha. Hindi ko na lang nireplyan.
Pagdating namin ng bar na sinabi nila, sabay sabay na kaming bumaba. Medyo desenteng bar ang pinuntahan at hindi ung bar na maingay kaya naman napangiti ako. Sayang lang hindi sumama si Nicole pero mukhang may balak ung dalawa para mapapunta sya.
"Alam ba ni Keith na kasama ka dito?" Tanong ni Sir Henry ng medyo mahuli kami.
"Alam nya lang po may lakad kami nila Kim. Hahaha. Dahil ipapakilala sakin ung boyfriend nya. Malay ko bang ikaw un. Hahahaha." Natatawa kong sagot. Umiling na lang sya at nakitawa tapos lumapit kay Kim tapos ginaya kami sa table kung nasaan sila Keith.
Lumapit kami at nakita ko namang nakataas amg kilay ng asawa ko. Hahahaha. Malay ko bang si Sir Henry ang jowa ni Kim. Hahahaha
"Babe. Halika na dito. Wag ka na sumali sa kilala kilala na yan. Kilala mo naman na sila." Sabi ni Keith tapos hinila ako para makatabi sa kanya.
Gulat na gulat naman ung dalawa dahil sa nangyari. Hahaha. Si Nicole lang pala ang nakapansin. Hahahaha.
"Boyfriend mo ung assistant ni Mr. Monticlaro?" Gulat na tanong ni Kim, nahihiya naman akong tumango at ngumiti. Gulat man sya pero parang mas nagulat sya nakilala ni Sir Henry si Miggy! Hahaha
Nagkaroon lang ng pakilala session tapos umupo na din sila. Dun ko din nalaman na kapatid pala ni Danica ung Caleb na kinukwento ni Keith noon. Nakaakbay ung kamay ni Keith sakin, habang nag uusap sila tapos naalala nila si Nicole kaya naman tinawagan nila.
[Argh! Pati si Cams kasama nyo! Nandamay pa kayo! Cams! Wag kang gagaya sa mga yan. BI yan lalo na si Kim. Sige na magbibihis na ko. Ayt! Nakahiga na ko ih.] Rinig kong sabi nya kaya lihim kaming natatawa sa rant nya.
Napakamaalaga ni Nicole sa kaibigan. Biruin mong kelan lang kami nagkakilala, pero kung ituring nya ko parang kapatid. Sya ung may problema pero kami ung lagi nyang tinatanong kung okay lang kami or what. Kailangan nyang lumabas ng unti para hindi laging nakakulong dun.
Naagaw naman ng atensyon namin nung tumawa ng malakas si Miggy ng pagbaba ng awag ni Nicole. Nahahalata ko na ah! Type nya si Nicole ah! Lagi na lang syang alerto pag si Nicole ang usapan. Sya din ung nakita ko nung Valentine kineme nila noon ih! Tss! Wala naman kasi talagang tapon kay Nicole. Kaya kahit ako na babae crush ko un ih.
"Oh? Palabas na.... Ou eto na! Galit agad." Sabi ni Danica habang tumatayo tapos binaba ung tawag. "Sunduin ko lang si Nics. Special ih. Hahaha." Paalam sya samin nila Kim.
"Bilisan mo baka umuwi un. Hahaha. Lalo na ayaw nya talaga." Sabi ni Tal na may hawak na cocktail drink. Inorderan nila kami ih. May bantay naman ako kaya okay lang. Atska umiinum naman ako minsan.
Di naman nagtagal nakikita na namin si Nicole at Danica. Hahahaha. Nakajeans at blouse tapos sneakers lang si Nicole pero head turner ang putik! Pero wala syang paki dahil sa banda sya nakatingin. Napatingin lang sya samin ng sabay sabay namin syang sinalubong.
"Nicole!!" Nakangiti naming bati kaya ngumiti din sya at pinagtitignan kami. Hahaha.
"Ay may boyfriend ka?" Sabi nya pero nakangisi. Hahaha
"Mukha mo! Alam mo naman na. Hahaha." Sabi ko kaya natawa sya tas nagpeace sign.
"Ikaw lang naman ang magandang walang boyfriend." Sabi ni Kim tapos nagtalakan na sila pareho kaya natawa kami sa kanila. Bago namin sya hinila papunta table namin at all eyes on her na.
Bahagya din syang nagulat ng kaibigan pala ni Sir Henry sila Miggy. Buti nga hindi nagseselos si Kim sa kanila. Ang close talaga nilang dalawa.
"Yayamanin!" Sabi ni Nicole at tumawa. Hindi mo makikitaan na nagluluksa pa din sya.
Naupo na lang sya sa tabi ni Tala na katabi ni Danica na katabi ni Theo na katabi ni Harold na katabi ni Miggy tapos kami naman couple ang mag kakatabi. Nagkwentuhan lang namam kami habang nakikinig ng music. Tinatanong lang nila ung mga bago nilang kasama about sa trabaho. Kahit si Miggy nakikipag usap kila Kim ng casual. Kung paano nya ko kausapin noon ganun din sya kila Kim.
Napatingin naman ako sa asawa ko na tahimik na sinusuklay ung buhok ko. Ngumiti lang sya sakin at hinalikan ung ulo ko.
"Nicole! Kanta ka!" Sabi ni Sir Henry na nakaakbay ni Kim. "Pwede magrequest." Tinaasan pa ni Sir Henry ng kilay si Nicole.
"Eh. Ekis tayo dyan." Sabi naman ni Nicole na nagkunwaring inuubo. Di naman namin mapigilang hindi tumawa sa ginawa nya.
"Galing magpanggap! Bwisit ka!" Sabi ni Tala hinampas sya. Tinignan nya si Krystal at biglang nagseryoso ng mukha.
"Sa apartment ka na matulog mamaya ah. Di kita hahatid sa inyo." Sabi nya tapos umupo ulit ng maayos. Namumula na kasi si Tala pero hindi pa sya lasing.
"Okay. Wala naman pasok bukas ih." Sabi ni Tala tapos sumandig kay Nicole. "Kanta ka na. With a smile... Please..." Panlalambing naman ni Tala.
Nakisama na din ako at lahat na kami maliban kay Miggy, Keith at Harold tahimik lang silang pinagmamadas kami na pinipilit si Nicole pero matigas talaga.
"Ekis nga. Hahaha." Natatawang sabi nya.
"Please. Tapos uwi na tayo pag kumanta ka ng dalawang song." Sabi ni Kim na nakapuppy eyes. Di naman sumagot si Nicole pero huminga sya ng malalim tapos tumayo. Kaya lahat kami kasama ung mga lalaking nakikinig samin napatingin at mapangiti.
Pero napawi un at napunta sa tawanan ng tumingin sya samin at ngumiti ng nakakaloko.
"Bakit? Restroom lang ako." Sabi nya at naglakad ng natatawa dahil sa reaksyon namin. Kahit ung katabi ko napakagat sa balikat ko para pigilang hindi tumawa ng malakas. Hahaha. Si Miggy naman, naiiling lang tapos tumingin sa taas na natatawa.
"Bwisit! Nadali ako dun! Hahaha." Sabi ni Theo na natatawa. "Akala ko kakanta sya. Hahaha." Sabi ni Theo.
Kanya kanya kami ng reaksyon dahil dun. Pagbalik nya, natatawa pa din sya tapos umupo ng tahimik at kinalikot ung juice nya. Sya lang ang nakajuice samin. Lahat kami nakacocktail drinks at beer syempre dun sa boys.
Nagkanya kanya na din sila ng usap. Si Kim at Sir Henry, naging sweet ng todo, si Danica, Theo at Harold mag kausap. Si Tala at Nicole pero minsan nakikisali si Tala sa usapan nila Theo. Kaya si Nicole tahimik lang na nakikinig ng mga kumakanta. Si Miggy at Keith naman nag uusap lang habang nakayakap sakin si Keith.
Di naman nagtagal nagsiyayaan na kaming umuwi at magpahinga. Sa labas na kami nagpaalamanan. Dahil andito si Keith sa kanya na ko sasabay. si Nicole ang mag dadrive para kila Kim, Danica at Krystal. Hindi naman gaanong mga lasing ung tatlo pero may tama na at mas safe kung si Nics ang magdadrive sa kanila.
Pumasok na ung dalawa sa loob habang si Kim, nagpaalam pa muna kay Sir Henry tapos pumasok na.
"Ah! Para talaga akong grab driver minsan dahil sa mga to. Pagkakakitaan ko na to minsan. Hahahaha." Natatawang sabi ni Nicole habang isinasara ung pinto ng kotse ni Danica.
"You have license?" Tanong ni Miggy sa kanya.
"Opo, Sir." Sabi nya at kinuha ung wallet nya para icheck. Marunong nga syang mag drive. Ipinakita nya un samin at ngumiti.
"May pangit ka bang picture, Nicole? Penge naman." Sabi ni Theo kaya nakarinig sya ng mga mura galing kay Henry at isang deadly glare galing kay Miggy.
"Di ko po alam. Hehehe. Uwi na po kami. Ingat po kayo. Bye Cams, see you on monday." Sabi nya tapos naglakad na papunta sa kotse ni Danica na sinundan ni Sir Henry at sya ang nagbukas ng driver seat pati ang nagcover sa ulo ni Nicole. Bago pa isara un ni Sir Henry, chineck nya muna ung seatbelt ni Nics tapos tumingin dun sa tatlo na mukhang tulog na sabi hindi lasing. Malapit lang naman samin kaya kita namin.
Nagulat naman kaming mga naiwan ng marahas na bumuntong hininga si Miggy tapos galit ung mukha ng tumalikod at pumasok ng kotse. Pabagsak nya ding isinara ung pinto ng kotse nya kaya nagulat kami. Kahit sila Sir nagulat, pero binalik ung atensyon sa pagbibilin. Nung okay na, kumaway na lang si Nics sakin tapos nagdrive na.
"Anong nangyari dun?" Tanong ni Sir Henry ng makabalik sya. Tinuro nya pa ung kotse ni Miggy.
"Huh. Selos." Sabi ni Keith kaya nagtaka naman ung iba pati ako. "Yaan nyo na yan si Miggy. Sira ulo din yan minsan." Sabi nya tapos hinawakan na ung kamay ko.
Inalalayan nya lang ako papuntang kotse tapos pinasakay. Nagpaalam lang kami sa kanila. Kumatok lang din si Keith kay Miggy tapos pumasok na sa kotse at nagdrive pauwi. Ganun din naman ung iba.
Nakauwi kami ng condo ng tahimik si Keith. Bakit kaya? Anong problema?
"Okay ka lang?" Tanong ko kay Keith after kong magshower.
"Yeah. Im fine. May iniisip lang." Sabi nya tapos tumayo papunta sakin. "Ang bango mo naman, Babe." Sabi nya habang inaamoy ung leeg ko sabay kinagat. Kaya napa ungol ako bigla at ramdam na ramdam ko ung init ng katawan nya dahil topless naman sya. Nauna sya sakin mag shower ih.
"Uhmm... Anong iniisip mo?" Tanong ko sa kanya para mabawasan ung init na nararamdaman ko. Huminto naman sya kaya hinarap ko sya at nakita ko ung namumungay nyang mga mata.
"Ginamit ata akong instrumento para sa love story ng dalawang taong kilala ko." Sabi nya tapos ngumiti. Hindi ko man maintindihan pero napangiti na lang din ako.
"Hindi ko man maintindihan yang sinasabi mo. Masaya ako sa natulungan mo." Sabi ko sabay tingkayad para halikan sya na sinalubong naman nya.
-----------------