“Lori, gising ka na pala. Buti naman at nagising ka na. Nastress ako sayong babae ka.”Usal nito at nangingiting lumapit sa kaniya.
“At nagawa mo pa talagang mangiti pagkatapos mo akong traydurin.”
“Excuse me? Oy, hindi kita tinraydor. Sa sobrang dami ng mga maleta mo, hindi ko mahanap ang mga kakailanganin sa ano mo. Kaya nagmadali akong nagmaneho para humanap ng malapit na tindahan. Yon lang, sa pagbalik ko, ayon, nagkakagulo na nga. Sabi may maganda raw babaeng nahimatay marahil daw siguro sa baho. Hindi naman ako nagdalawang-isip, ikaw lang ang nahihilo sa mabahong amoy. At ikaw nga, buhat-buhat ni Jacob.”
Kwento ni Kate na nagpipigil ng tawanin.
“Jacob? Sinong Jacob?”
Mula sa labas ay saktong pumasok ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng sando at maluwag na pajama.
Sinipat ito mabuti ni Lori at doon lamang napagtanto na ito iyong lalaki kanina sa palayan.
“I-Ikaw?”
Utal niyang sabi nito.
“Buti naman at gising ka na. Akala ko ay hindi ka na gigising dahil takot kang harapin ang ginawa mong perwisyo sa amin kanina.”
Mayabang at malamig na pahayag ng lalaki.
“I just told you diba? Na wala akong balak na talikuran ang gulong ginawa ko. Ano bang kailangan kong gawin para makabayad sayo? Bilisan na lang natin dahil I have things to do rin.”
Matapang na saad ni Lori.
“Aba’t ikaw pa talaga ang may ganang magmayabang? Hindi ka ba pinalaki ng magulang mo ng maayos? Hindi ka manlang humingi ng paumanhin, ikaw pa ang mataas. Ayos.”
“Kung magsosorry ba ako, may magbabago?”
“Bakit hindi mo subukan?”
Usal ng lalaki na ilang dangkal na lang pala ang layo ng mukha sa kaniya.
“Fine. I’m sorry!”
Mataray na saad ni Lori habang nakikipagtitigan kay Jacob.
“Ehem! Relax! Ano ba kayo! Wag na kayong mag-away!”
Saway ni Kate pero hindi inabalang pumagitna, bagkus tuwang-tuwa pa itong pagmasdan sila ni Jacob na magkainitan.
“Ineng, ako si Lola Vida, lola ni Jacob. Paumanhin na sa apo ko. Masungit talaga yan pero mabait yang batang yan. Bakit hindi niyo na lang kami sabayan sa pagkain?” Sabat ng matandang babae na nagpakilala bilang lola ng lalaking kaaway niya.
Kahit paano ay kumalma si Lori dahil sa nagsusumamong mata ng matanda.
“Sorry po, Lola. May pupuntahan po talaga kami at baka hinahanap na rin po kami. Kung magkaroon po ako ng ibang oras.”
Magalang na tanggi ni Lori sa matanda.
“Lola, bakit kayo pa po ang humingi ng tawad sa babaeng yan?”Galit na usal ng lalaki.
Napaikot ang mga mata ni Lori.
“Sabihin mo, magkano ba? Para hindi tayo nag-aaksaya ng oras rito. Alam ko namang ang mga kagaya niyo ay yon lang naman ang habol, pinapatagal mo pa.”
Nanlaki ang mga mata ni Jacob sa gulat at ramdam ni Lori ang paglisik ng mga mata nito.
“Sa tingin mo ay kailangan ko ng barya mo? Pag-aari ko ang malawak na sakahang ito at kung aabutan mo ako ng barya, ay huwag na. Sayo na lamang yan. Hinding-hindi mababayaran ng pera ang pinagdaanan namin bago maani ang mga butil ng palay na iyon. Ah, hindi mo mauunawaan dahil walang kakayahan ang kagaya mo na sobrang taas ng tingin sa sarili.”
Tumaas ang kilay ni Lori at naglapat ang mga labi sa inis. Alam niyang mali siya dahil una siyang nanghusga pero hindi niya lubusan matanggap na sasabihan siya ng mataas ang tingin sa sarili.
Nanginginig ang mga labi niyang pinigil ang mga luha nang magbalik na naman ang mga alaala noong tinalikuran niya ang lahat, ang karangyaan at kaginhawaan ng buhay para makasama si Phillip. Kahit abusuhin siya financially at emotionally ay isinantabi niya, para lamang mapanatili ang relasyon nila noon.
“Hindi mo ako kilala.”Giit ni Lori.
“Pwes, hindi mo rin ako kilala.” Sagot ni Jacob bago tuluyang umalis sa kaniyang harapan at nagmamartsang pumasok sa isang kwarto.
Galit niyang kinuha ang bag niyang nakalagay sa kawayang upuan sa sala ng muntiong kubo at kinuha ang isang card saka ang cheque book.
“Lola, mag-iiwan na lang po ako ng pera sayo. Kung may iba pa po kayong kakailanganin para mapunan ang mga nasira ko, sabihin niyo lang po sa akin. Ito po ang calling card ko. Eto naman po ang cheque. Pasensiya na po talaga. Hindi naman po ako salbahing tao, inilulugar ko lang po ang paggalang ko.”
Usal ni Lori nang iabot sa matanda ang cheque at calling card.
Ngumiti naman ang matanda at hinaplos ang kaniyang buhok.
“Wala iyon, apo. Alam kong mabuti kang tao. Mangako ka, kapag may oras ka, kumain tayo ha.”
Tumango naman si Lori at nagmano sa matanda.
“Kate, halika na, umuwi na tayo!”Pasigaw pang sabi ni Lori.
Paglabas sa kubo ay hindi mapigilan ni Lori na sipain ang mga bato sa daanan.
“Bwisit! Akal mo kung sino!” Bubulong-bulong na saad Lori.
“Ahhh! May naamoy akong big twist sa bakasyong ito! Excited na ako!”Tuwang-tuwa pang saad ni Kate dahilan para mas bilisan ni Lori nang paglalakad dahil wala na siyang lakas para makipagtalo pa rito.
Pasado alas-nueve na nang marating nila ang tapat ng isang lumang bahay.
“Asan tayo?”Tanong ni Kate pagbaba nila ng kotse.
“Ito ang luma naming bahay. Dito ako lumaki bago kami lumipat ng Manila nang magkaroon ng trabaho si Papa.”Sagot ni Lori habang ibinababa ang mga dalang maleta.
“Wow! Tapos kung makasumpa ka naman sa province life. Dito ka naman pala lumaki.
“Shut up, Kate! Tulungan mo na lang ako sa pagdadala ng mga gamit ko.”
Pagpasok sa bahay ay makapal na alikabok ang sumalubong sa kanila, nagngingitngit na mga kahoy na sahig, at mga lawa sa kisame.
“Grabe, kailan huling napasukan ito ng tao?”Pabirong tanong ni Kate habang inililibot ang tingin sa paligid.
“Wag ka na magreklamo. Maglinis na lang tayo.”
“Yes Mam, sabi ko nga.”
“Mauna ka na, maliligo lamang ako.”Gumuhit ang malaking ngiti sa mga labi ni Kate.
“Bakit? Nalinisan ka na namin kanina ni Lola Vida. Si Jacob pa nga ang nag-igib at nagpainit ng tubig na ipupunas sayo.”
Nanlaki ang mga mata ni Lori at bumagsak ang dalawang balikat sa pagkabigla.“Anong sabi mo?”
Humalakhak nang napakalakas si Kate at naupo sa isa sa mga maleta. “Diba nga, pagkatapos kang buhatin ni Papa Jacob na parang prinsesa pagkatapos mong magblack-out dahil sa jebs mo, ayon, pinuntahan agad kita. Inihiga ka namin sa kama ni Lola Vida at nilinisan. Pinaliwanag ko ang lahat nang nangyari at naunawaan naman nila. Si Jacob ang kumuha ng tubig sa malapit na poso at nagpainit dahil sabi ko lalo kang macocomatose kapag nalaman mong ang pinanlinis sayong tubig ay galing lamang sa wildlife.”
“Damn you, Kate! Kailangan mo ba talagang ipaalam lahat?”
“Eh anong gusto mong sabihin ko? Eh ang bukang bibig na ng mga nakasaksi sayo ay nag-iinarte ka lang raw para takasan ang ginawa mo. May ilan pa ngang mga intrimitida na mga babaeng sabi nagpabuhat ka lang raw kay Jacob. O diba?”
Nagmamartsang umalis si Lori at naligo.