I
“Grabe ang ganda rito!”
Sigaw ni Kate nang ibaba ang bintana ng kotse ni Lori habang tinatahak nila ang daan patungo sa barangay San Antonio.
Magdadapit-hapon na kaya naman malamig na ang simoy ng hangin. Idagdag pa ang napakaganda ng kulay kahel na kalangitan. Bukod doon ay kakaunti lamang ang sasakyan sa kalsada kaya napakapayapa.
“Anong maganda rito? Wala ngang mga buildings. Lubak-lubak ang mga lupa. Walang mall. Mahinang signal. Kaunti ang polusyon.”
Singhal ni Lori nang bahagyang bagalan ang pagmamaneho.
“Ang lakas mo talaga. Sa lahat ng namiss mo talaga, polusyon pa ng Manila ha. Hay nako. Malamang yong nature ang tinutukoy ko! Tingnan mo naman ang napakalawak ng mga palayan oh. Tapos ang tahimik. Ito ang gusto kong buhay. Gusto ko makaexperience magsaka, parang ang saya.”
“Gosh, I can’t imagine myself farming or even the thought of being in a rice field? Hindi mo ba naiisip ang danger na pwede mong harapin?”
“Danger? Grabe naman! Anong danger sa pagsasaka? You are experiencing nature, hindi yon danger.”
“Ah! Really? Like duh! Girl ang laki ng possibilities mong makapag-acquire ng mga deadly viruses, bacteria, unknown microorganisms sa hangin, tubig, at putik na pagdaraanan mo. And hindi ka ba natatakot sa mga snakes, leeches, or wild animals na pwede mong ma-encounter? Hindi kita gets, Kate.”
“Ewan sayo. FYI, Lori, mas malaki ang chances mong makasagap ng virusesusesuses sa hospital. Naiisip mo naman siguro yon diba?”
“I know but, it’s the hospital diba? It’s the almost sterile place on Earth. So, yeah, I’m good. I will never...ever...ever set foot on a rice field.”
Si Lori De la Cruz ay isa sa tatlong matagumpay na neuro-surgeon sa bansa. May pagkakikay ang dalaga at madalas ay maselan sa maraming bagay pero magkagayunman ay hindi matatawaran ang kaniyang dedikasyon sa kaniyang napiling propesyon dahil gusto niyang makapagligtas ng maraming tao sa abot ng kaniyang makakaya.
Pero biglang natigilan si Lori at nangunot ang noo.
“Oh anong problema? Bakit sumama ang mukha mo?”
Agad na usisa ni Kate.
“May napansin ka bang public cr sa nadaanan natin?”
“Wala. Teka, wag mong sabihing--?”
“Mukhang sira ang tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil hindi ako kumain kagabi tapos ang dami kong kinain ngayon.”
“Wala ka bang gamot?”
“Nakainom na ako kanina pa sa barko pero hindi ko alam kung bakit masakit pa rin. Kung babalik ako sa bayan, hindi na talaga aabot.”
Naglapat ang mga labi ni Kate at halatang nagpipigil ng tawanin.
“Don’t you dare, Kate. Ang ganiyang pagmumukha mo, alam ko na agad na hindi matino ang iniisip mo.”
“Well, wala namang mawawala eh. Kaysa naman hindi ba? Knowing you, you hate uncleanliness. Wala halos kabahayan sa dinaraanan natin.”
“So, you are saying?”
“Ang akin lang, wala namang masamang subukan, tutal, tayo-tayo lang ang makakaalam.”
“Ano nga? Ang dami mo namang sinasabi!”
Tumigil na sa pagmamaneho si Lori dahil sa matinding pamamawis at hindi na niya kayang tiisin pa ang sakit na nararamdaman.
“Kalma. Sa palayan. Umupo ka lang at ilabas ang dapat ilabas. Yon ang pinakasafe.”
“WHAT?! No way!”
“Oh eh paano? Ha!”
Dahil hindi na talaga kaya ay galit na bumaba ng kotse si Lori.
“Lookout ka ha! Wag ka na lang magpapahalata. Pag tinawag kita, iabot mo agad sa akin ang tissue, tubig, at sabon ha!”
“Oo, ako na ang bahala! Ahaha grabe, for a moment, you were cursing to never set foot on a ricefield tapos boom biglang life saver mo.”
Ngisi ni Kate at agad na inihanda ang sabon, tubig, at alcohol na hirap na hirap nitong hinanap sa mahigit sampong maleta na baon ni Lori.
Samantala, habang abala sa paghahanap si Kate ay nakailang atras-abante pa si Lori dahil sa takot na mamaya ay may ahas o di kaya mga insektong pwedeng dumikit sa kaniya.
“Go na! Hindi mo naman gugustuhin na magkalat ka ng oras, hindi ba? Alam kong macocomatose ka non.”
Sigaw ni Lori mula sa loob ng kotse.
“Shut up, Kate. Hindi mo gets ang pinagdaraanan ko!”
Napatingala si Lori at dalawang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan bago tatalon-talon na tumakbo sa palayan.
“Oh ghad! Help me! Ilayo niyo po ako sa anumang potential causes ng death dahil hindi po talaga matatahimik ang kaluluwa ko kapag pumutok sa balita na ang maganda at kilalang neurosurgeon na si Lori De la Cruz ay natagpuang nakahandusay sa gitna ng palayan habang dumudumi!”
“Hoy, wag kang maingay diyan, Lori. Mag focus ka lang nang matapos ka agad.”
Sigaw ni Kate na panay ang tawa.
“Ikaw ang manahimik diyan, Kate. Magfocus ka sa pagbabantay!”
Nang makalayo-layo ay diring-diring naupo si Lori at pilit na nagfocus habang panay ang linga sa paligid.
Matataas na ang mga palay kaya naman hindi agad siya makikita kung sakaling may dumaan na tao sa kalsada.
Ilang minuto rin ang lumipas, nang saktong mailabas ang kailangan ilabas ay siya namang pag-alingawngaw ng isang malakas na tunog na tila ba papalapit sa kaniya.
Taranta siyang tumayo at ganon na lamang ang gulat ni Lori nang makita ang isang tracer na minamaneho ng isang lalaki na sobrang lapit na sa kaniyang kinatatayuan.
Mabuti na lamang at mabilis na nakabig ng lalaki ang sasakyan paiwas sa kaniya subalit dahil sa pwersa ng biglaang pagliko ay tumaob ito at nagkalat ang mga sako-sakong palay.
“Oh ghad, I’m sorry! KATE! Tulong!” Palahaw ni Lori pero paglingon niya ay wala si Kate sa lugar kung saan niya ito iniwan kanina.
Kabang-kaba niyang ibinalik ang tingin sa tumaob na tracer at matinding takot ang naramdaman niya nang makita ang lalaki kanina na namumuyos na naglalakad palapit sa kaniya. Ito si Jacob Ferrer, ang hot farmer na nagmamay-ari ng malawak na sakahan.
“Hoy ikaw!” Galit nitong sigaw habang nanlilisik ang mga mata.
“Excuse me, I have a name! Pero wag kang lalapit! Diyan ka lang!” Pigil ni Lori rito pero hindi niya mapigilang sumama ang mukha dahil sa amoy na hindi niya gusto.
“Nauunawaan mo ba ang ginawa mong babae ka ha?”
“I know. I know. Alam ko mali ako. I-I will make it up to you. Just...please...wag kang lalapit. Mag-usap tayo somewhere but not here, not now.”
“Anong pinagsasasabi mo? May balak kang takasan ang ginawa mong gulo? Pwes hindi ako papayag.”
“Hindi. Wala akong balak takasan. All I am asking—”
Nanlaki ang mga mata ni Lori nang bahagya siyang napahakbang paatras at naramdaman ang kaniyang paa na may naapakan. Nakaramdam sya nang pagkahilo at bago pa makapagsalita ay gigewang-gewang siyang naglakad palapit sa lalaki at tuluyang nawalan ng malay.
Nagising na lamang si Lori dahil sa mahihinang tawa ni Kate. Madali siyang bumangon at nagtungo sa labas ng kwarto.
Sa labas ay nakita ni Lori si Kate at isang matandang babaeng masayang nag-uusap.
“Maarte po talaga ang kaibigan kong yan. Hindi ko lang akalain na may isasagad pa pala ang level ng kaniyang kaartehan. Ngayon lang ako nakarinig ng nahimatay sa sariling—
“Kate?”Sabat ni Lori para pigilan ang bibig ng kaibigan.