Hindi ako mapakali habang hinihintay si Vin sa lobby ng Crimson Hotel. Sinadya kong maaga dumating dahil hindi na ako mapakali kanina pang umaga when I saw Alicia’s message. Ayon sa kanya ay bigla na lang daw sumugod si Vin sa office ni Nick. Vin’s guards enabled him to go in sa pamamagitan ng pag harang sa ibang personnel na pwede syang pagbawalan. Wala na rin daw nagawa si Alicia nang lagpasan sya nito at pasukin si Nick sa kwarto. Nagkagulo raw sila lahat sa office. Alicia said that Vin’s muttering about his ‘sister’ and how could Nick do it to her. Iyon lang daw ang pinaka naintindihan nya dahil naging busy na sila sa pag awat. And Nick did not fight back. Iniisip ko na ang tungkol sa pagpapakasal namin ang marahil na tinutukoy ni Vin. Siguro naisip nya na pinilit lang ako ni Ni

