I still have my reservations about this wedding but I can’t help but to be amazed at how hands on Nick is. Kung ‘yung ibang bride ay hellbent na sa pagsama sa mga magiging asawa nila para pumunta sa mga scheduled meetings para sa preparations sa kasal, si Nick naman ay nagkukusa na at sya pa ang nagreremind sa akin. Hindi nya na ako pinapasok sa Magnum after namin magkaayos. Hindi na rin naman ako nabobored dahil halos araw araw rin kaming magkasama. Maaga sya palaging umaalis sa office at minsan dinadaanan nya ako sa apartment ko or kung hindi ay hinihintay ko na lang sya sa condo nya. Si Tita Roxanne ang nagsabi kay Mommy tungkol sa plano naming dalawa. Sabi naman ni Tita Roxanne ay kahit nagulat si Mommy, wala naman rin daw kaso. Minsan naiinis ako sa sitwasyon na kinailangan pang si

