Kabanata 10

2419 Words
Fools! A-anong… bakit nito kasama ang mga maharlikang iyon? Akala ko ay hindi ko na muli ito makikita dahil hindi ko na nakita ang pag-alis nito at maging ni Leviticus nong magising ako sa kuweba na pinag-taguan naming tatlo. Hindi ko akalaing dito rin pala tumungo si Cassius, seguro marahil ay interesado rin ito sa kumakalat na kwento patungkol sa dyosang kayang makapag-tanggal ng sumpa. Ngunit ang ipinagtataka ko ay paanong kilala nito ang mga maharlikang iyon? Bahagyang umihip ang hangin kasabay ng maingat kong pagpapalit ng pwesto. Sinigurado kong walang ingay ang naging paggalaw ko dahil hindi ko na nanaisin pang mahuli dito. Dumiin ang naging pagkapit ko sa sanga ng punong kinalalgyan ko nang maamoy ang mabangong aroma na kani-kanina lang ay sinundan ko. Hindi nga ako nagkakamali dahil pare-pareho ang mga itong mayroong mabangong aroma na lumalabas sa kanila. Parehong nakakahalina at napakabangong amuyin. Hindi ko alam kung ano ang meron sa mga aromang ito at ganon na lamang ang paglakas ng t***k ng puso ko. Tila mayroong kakaibang epekto ang mga aromang nanggagaling sa mga maharlikang ito para maging ganito ang pakiramdam ko. “I told you! It was a lie. Gumagawa lamang sila ng kwento para kumita.” “At least we tried Cy, ngayon alam na nating hindi totoo ang dyosang kumakalat.” “We should go back. Ipaalam na natin ito sa kanila.” “I agree. I feel exhausted! d*mn, siguradong pagagalitan nanaman ako pag-uwi.” “I’m not coming with you.” Natahimik ang apat na prinsipe sa naging tugon sa kanila ni Cassius, marahil ay hindi nila inaasahan ang pagtanggi nitong bumalik sa kung saan man sila nanggaling. “Mag-iingat ka Cassius.” Dinig kong sinabi ni Athan. Nakilala ko ito base sa boses nito. “Padalahan mo kami ng mensae sa oras na mayroon kang nakalap na impormasyon.” Ani naman ni Luther na kabangayan nila kanina. “Mauuna na kami, malayo pa ang aming lalak———“ “Shhh!” Putol ni Cassius sa maaaring sabihin pa ni Cy. Kaagad akong naalarma at naging alerto dahil baka ay naramdaman na ng mga ito ang aking presensya. Dahan-dahan akong gumagawa ng mga maliliit na hakbang upang hindi nila ako marinig, hindi ko alam kung paano ngunit tila ata masyadong matalas ang pakiramdam ni Cassius. Sigurado akong tama lamang ang layo ko upang hindi nila maramdaman ang presensya ko, ngunit akala ko lamang pala iyon. Sa isang iglap ay ramdam na ramdam ko na ang matalas nitong paningin sa may banda ko. Nilukob kaagad ako ng kaba at nagmistulang estatwa sa pagkakasampa sa malaking sanga ng punong kinalalagyan ko. Sigurado akong bistado ako sa oras na gumalaw pa ako, hindi iyon maaari dahil wala sa plano ko ang magpahuli sa mga maharlikang ito, maging ni Cassius. Naramdaman kong unti-unting lumalapit ang presensya ni Cassius at maging ang apat na Prinsipe ay tila naramdaman na rin nila ang presensya ko. Umawang ang bibig ko nang mapagtantong wala na akong kawala. Hindi ko inaasahang ganito katalas ang magiging pandama ng mga maharlikang bampira. Ngayon ko lamang talaga napagtanto na mas nahihigit talaga ang mga maharlikang ito kumpara sa ordinaryong mga bampira. Malalim akong huminga, kabado ako sa mas lalong papalapit nilang presensya, nabablangko ang utak ko sa maaari kong gawin upang hindi nila ako madiskubre. Panigurado kaseng hahatulan ako ng mga ito bilang isang ispiya na pinadala ng isang kaharian upang bantayan ang mga kilos nila. Hindi ko na nanaisin pang mas lalong gumulo ang sitwasyon ko. Ang tangi lamang naiisip kong gawin ay ang gamitin ang bilis ko upang makaalis sa pwestong ito, ngunit siguardo akong hahabulin lamang ako ng mga ito at marahil ay baka mahuli pako dahil malaki ang agwat ng kalakasan ko sa kanila. Ramdam ko ang namuong pawis na unti-unting tinatahak pababa ang mukha ko, sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo lamang akong kinakabahan. Mas lalo pang tumindi ang kaba ko nang maramdamang ang kanilang presensya malapit sa punong pinagtataguan ko. Hindi na ako makapag-isip ng tama, kahit na alam ko na ang kahahantungan ng galaw ko ay isinawalang bahala ko na lamang. Ang tanging nasa isip ko na lamang ay ang makatakas sa mga presensyang unti-unti nang lumalapit sa akin. Hinanda ko ang sarili ko. Mahigpit ang naging pagkapit ko sa puno at naghihintay ng tiyempo upang mabilis na makatakbo, nang mas lumapit pa ang mga presensya sa akin ay akma na sana akong tatakbo ngunit isang mahigpit na gapos sa aking kanang braso ang nagpa-tigil sa plano ko. Sa isang iglap ay naramdaman ko na lamang ang kagustuhang umubo at sumuka ng dugo. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko na namalayang isang suntok na pala ang dumapo sa tiyan ko. Kaagad na lumipad sa ere ang katawan ko ng makatanggap akong muli ng isa pang suntok diretso sa mukha. Malakas na tumama ang katawan ko sa isang puno bago ako tumama sa lupa. Sa isang iglap ay nawala ang lahat ng lakas ko upang makipag-laban. Tuluyang nanghina ang katawan ko kasabay ng pagsuka ko ng dugo. Ramdam na ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko at tila hindi ko na maramdaman ang tyan at likod ko. Dahil sa naging pag-atake ay humina ang pandinig ko at maging ang pandama ko ay mistulang naglaho dahilan upang hindi ko maramdaman ang presensya ng kung sino man ang umatake sa akin. Sinubukan kong makabangon sa pagkakalugmok sa lupa, ngunit kaagad din akong napahiga sa lupa dahil sa panghihina, mas lalo rin akong inubo ng dugo sa naging paggalaw ko. Ramdam ko ang paglandas ng luha sa aking mga mata sa patuloy kong pag-ubo ng dugo. Hindi ko alam kung paano nangyare iyon ngunit huli na noong maramdaman ko ang prisensya sa aking likuran. Hindi ko ramdam ang presensya nito nang lumapit ito sa akin, bagamat alerto ako sa mga sandaling iyon ay hindi ko pa rin namalayang mayroon na palang nilalang sa aking likuran. Litong-lito ako sa nangyayare at hindi ako makapag-isip ng tama dahil na rin sa sakit na aking dinadama. Hindi ko man nakikita ang nangyayare sa kapaligiran ko ngunit ramdam na ramdam ko ang pabago-bagong ihip ng hangin. Batid kong naglalaban ngayon ang kampo ng mga maharlikang bampira at ng mga hindi ko kilalang presensya. Ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong klase ng presensya. Marahil ay nanggagaling ang presensya na ito sa isang mabangis na hayop na naninirahan dito sa loob ng kagubatan. “f**k! Damn you, Athan! muntik mo nakong matamaan!” Dinig kong sigaw ng isa sa mga Prinsipeng ngayo’y nakikipaglaban na. “s**t!” Iritadong sigaw ng nagngangalang Athan ang sunod ko namang narinig. Maya-maya pa ay tumahimik muli ang kaninang nagkakagulong mga prinsipe at batid kong patuloy pa rin ang pakikipag-laban ng mga ito. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakahiga sa lupa habang iniinda pa rin ang natamo kong take mula sa hindi ko mapangalanang presensya. Hinintay kong magkaroon ako ng kaunting lakas sa katawan bago gumapang upang makalayo ng kaunti sa mga naglalaban. Gumapang ako hanggang sa makahanap ako ng punong maaari kong sandalan. Patuloy pa ring nanghihina ang katawan ko at maging ang maliliit na galaw kong nagbibigay ng hindi matutumbasang sakit sa aking katawan. Tiniis ko na lamang ang paggapang ko kanina dahil baka madamay akong muli sa nangyayareng kaguluhan. “s**t! She’s attacking me! f**k!” Muli kong dinig sa mga prinsipe. “Ang ingay mo!” Batid kong may halong inis ang sagot ng isa sa mga ito. “Gago wag kang magreklamo, hindi ka babae!” Muli nanamang tumahimik ang mga ito, tanging ang ihip ng hangin at ang patuloy nilang pag-daing ang s’ya na lamang naririnig ko sa mga nagdaang oras. Sinubukan kong galawin ang kamay ko, ngunit hindi pa man masyadong umaangat ang kamay ko ay bumagsak kaagad ito sa lupa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko upang lumanghap ng hangin, ngunit halos mapaiyak na lamang ako sa sakit dahil sa natamo kong take sa katawan. Tuloy ay dahan-dahan ang naging pag-buga ko ng hininga. Namamawis ang buo kong katawan at gustong-gusto ko mang igalaw ang kamay ko ay hindi ko magawa. Hirap na hirap akong tiisin ang sakit ng buo kong katawan habang nakasandal sa puno. Saglit kong pinakiramdaman ang nangyayare sa paligid ko, batid kong malayo sila sa pwesto ko ngunit ramdam ko pa rin ang mga presensya ng mga ito. Ang isa sa kanila ay malapit lamang sa akin dahil dinig na dinig ko ang mga daing at mura nito habang nakikipag-laban. Akmang susubukan ko ulit sanang galawin ang katawan ko kung mayroon na ba akong lakas para makipag-laban ng bigla ko na lamang naramdaman ang napaka-pamilyar na presensya malapit sa akin. Unti-unting nilukob ng takot ang buo kong sistema ng maramdamang palapit na ito sa pwesto ko. Hindi ako kailanman magkakamaling pangalanan ang presensyang ito. Sila lamang ang makakagawa ng mga ito sa mga bampirang kagaya ko, mga nilalang na mas malawak at mas maalam pagdating sa mga mahika. Mga nilalang na nagbibigay ng sumpa. Sila ang nagpataw sa akin ng sumpang dahilan ng lahat ng aking paghihirap. Ang mga mangkukulam. Unti-unting dumaloy ang luha sa aking mga mata kasabay ng panginginig ng aking katawan. Mariin kong naikuyom ang mga kamay ko sa umuusbong na takot at galit sa dibdib ko. Hindi ko inaakalang mararamdaman ko muli ang presensya ng mangkukulam na nagpataw sa akin ng sumpang ito. Ang mangkukulam na bigla na lamang dumating sa bayang kinalakihan ko. Ang mangkukulam na nagpataw sa akin ng sumpa, ang dahilan ng aking pagkabulag, ang dahilan kung bakit naririto ako ngayon at nag-iisa. “HAHAHAHAHA!” Napahinto ako sa aking pag-iisp ng marinig ang pamilyar nitong pagtawa. Ito rin ang tawang narinig ko nong nasa bayan pa ako ng Terrestria. Ang parehong tawa na nagbibigay sa akin ng takot. Dinig kong saglit na tumigil ang kaguluhan, maging ang ingay ng mga naglalaban ay bahagyang nawala. Tanging ang mga malalalim na paghinga na lamang ng pitong Prinsipe ang s’yang naririnig ko sa mga oras na iyon. “Great! A witch! Such a pain in the ass.” Mahinga ngunit dinig ko pa rin ang sarkastikong tono ng isa sa mga prinsipe. “Paanong nagkaroon ng mangkukulam sa lugar na ito?” Takang tanong ng isa pa sa kanila. “That’s why we're here, Zione, to find an answer.” Bagamat dinig ko pa rin ang kanilang pinag-uusapan ay hindi ko mapigilang maguluhan sa mga sinasabi nila. Siguro’y mayroong kinalaman ang bampirang naisumpa kung bakit naririto ngayon ang mga prinsipeng ito. Imbes na ituon sa kanila ang atensyon ko ay mas pinagtuunan ko ng pansin ang mangkukulam na ngayo’y batid kong nasisiyahan sa mga nangyayare. Bagamat hindi ko makita ang mukha nito ngayon ay nakatatak naman sa aking isipan ang una at huling beses kong nasilayan ang mukha nito. Hindi iyon mawala-wala kahit pa pilitin ko ang sarili. “Tila ata pumapanig sa akin ang pagkakataon.” Nangilabot ang buo kong katawan ng magsimula itong magsalita. Ang bawat bigkas nitong salita ay nagbibigay sa akin ng waling katumbas na takot. “Hindi ko aakalaing makakatagpo ako ngayong ng pitong Prinsipe.” Pagpapatuloy nito sa sinasabi nito. “Sabihin mo, ikaw ba ang mangkukulam na sinasabi ng mga bampira sa bayang ito?” Hindi ko man kilala kung sino sa pitong prinsipe ang nagsalita ngunit namangha ako dahil tila hindi nababakas sa boses nito ang takot na makaharap ang isang mangkukulam. Paano nila nakakayanang harapin ang mangkukulam na ito? Saan sila kumukuha ng lakas upang hindi matakot sa mga nilalang na mas bihasa sa larangan ng mga mahika? Hindi ko man aminin sa sarili ko ngunit sa pagkakataong iyon ay talagang pinahanga ako ng mga prinsipeng ito, hindi biro ang pagiging dugong maharlika ng mga ito. Ibang iba kung ikukumpara sa mga kagaya kong ordinaryong bampira. Hindi ko man makita ang paraan nila ng pakikipaglaban ngunit sa presensya pa lamang ng mga ito ay talaga namang hindi na biro. Hindi ko iyon naramdaman kanina dahil malayo ang mga ito sa akin ngunit ngayong malapit na ang mga ito, tila nakaharap ako sa pitong naglalakihang pader na kahit anong gawin kong pagsira ay hindi ko matitibag. Masyadong malaki ang agwat ng mga kakayahan namin, hindi na ako nagtaka doon dahil ang isa sa mga ito ay nakalaban ko na. Tama, isang Prinsipe. Ngayon lamang pumasok sa akin na hindi ordinaryong bampira ang nakalaban ko noon, kundi isang Prinsipe. Akala ko noon ay isa lamang na hamak na manlalakbay si Cassius, hindi ko inaakalang isa itong Prinsipe. Siguro dahil hindi ko masyadong maramdaman ang presensya nito kumpara sa anim na Prinsipeng kasama n’ya. Kaya siguro napagkamalan ko itong hamak na manlalakbay ay dahil sa presensya nitong hindi ganon katindi kumpara sa anim na kasama nito. Samahan pang wala akong maamoy na kahit anong aroma dito, kumpara sa anim ay humahalimuyak sa bango ang mga ito, ngunit wala akong natatandaang aroma na nanggagaling kay Cassius. Ngayong nalaman kong Prinsipe s’ya, nag-iba na ang pananaw ko sa kan’ya, kahit pa hindi ko gaanong maikumpara ang presensya nito sa anim pa n’yang kasama. “HAHAHAHAHA!” Naputol ang mga iniisip ko nang muling tumawa ang mangkukulam. Muling nagparamdam sa akin ang takot, sinubukan kong itago ang sarili ko sa likod ng isang puno. Sa kalagayan kong ito, kahit na gustuhin ko mang lumaban ay wala akong magagawa, nababalot ng takot ang buo kong katawan. Kinakain ng takot ang pag-iisip ko at ang tanging magagawa ko na lamang ay ang magtago at hayaan ang mga Prinsipe ang makipag-laban sa mangkukulam na naririto sa kagubatan. “Tama! Ako nga!,” Saglit itong tumigil. “Ako ang s’yang nagbigay ng sumpa sa lalaking bampira na nakatira sa kubon na iyan.” Pag-amin nito sa kumakalat na balita. “Kung ganon totoo nga ang Diyosa.” Mahinang bulong ng isa sa mga Prinsipe, akmang mayroong sasagot sa kan’ya ngunit kaagad din itong pinutol ng mangkukulam. “HAHAHAHA!” Napako ang atensyon naming lahat sa mangkukulam na tila narinig ata ang sinabi ng isa sa mga Prinsipe. “Mga hangal!” Malakas nitong sigaw sa mga Prinsipe. “Hindi totoo ang D'yosang sinasabi n'yo! Gawa-gawa lamang ito nang mga bampirang mayroong ugnayan sa lalaking nakatira d’yan sa kubon.” Kasabay ng pagtatapos nitong magsalita ay ang marahas na pag-ihip ng hangin. “Diyosa, HAHAHAHA!” Muli itong tumigil, tila nakarinig ito ng isang hangal na balita dahilan ng nakakakilabot nitong pagtawa. “Mga inutil lamang ang maniniwala sa isang kwentong gawa sa kasakiman!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD