Kabanata 9

2224 Words
Trap. Maaga akong nagising kinabukasan, hindi pa man lumilitaw ang araw ay minabuti ko ng magpatuloy sa aking misyon. Mabuti na lamang at malapit na sa mga kabahayan ang punong napaghintuan ko kagabe. Marahan akong napalingon sa kaluskos na narinig ko, batid kong mayroong palapit sa akin na isang bampira, marahil ay isa ito sa mga nakatira sa isa sa mga kabahayan na natagpuan ko. "Hija, ikaw ba'y naliligaw?!" Iyon kaagad ang bungad sa akin ng matandang bampira. "Magandang umaga ho, tama ho kayo, ako nga po'y naliligaw." Agaran kong sagot dito na ikinatango nito. "Saan ba ang iyong paroroonan? Ngayon pa lamang kita nakita sa bayang ito, ikaw ba'y galing sa karatig bayan din nang kahariang ito?" Mahaba nitong tanong sa akin. "Nais ko ho sanang puntahan ang sinasabi nilang isinumpa hong bampira na kalaunan'y pinagaling nang isang dyosa, ngunit hindi ko ho eksaktong nalalaman kung saan ito naglalagi. Ito ho ang unang beses kong makarating sa kahariang ito, kahapon lamang po ako nakapasok at ngayo'y naliligaw na rito." Mahabang sagot ko rin sa kan'ya. "Ganon ba? Kung nais mong puntahan ang bahay ng iyong pakay ay nasa tamang daan ka, deretsuhin mo lamang ang daanang ito at makakarating ka sa maliit na kagubatan ng Qaahn, sa Gitna non ay doon naglalagi ang bampirang ipinunta mo rito." Ani nito na kaagad ikinasilay nang aking ngiti, unang bampira pa lamang ito na pinagtanungan ko at malaki na kaagad ang naitulong sa akin. "Maraming salamat ho." Maligaya ang naging tono ko ng ako'y magpasalamat. "Ngunit, sigurado ka ba sa iyong patutunguhan?" Natigilan ako sa aking pagsasaya nang muling magtanong ang matanda. Bahagyang kumunot ang noo ko at nalito sa kan'yang tanong. "Bakit ho?" Maiksi ngunit puno ng katanungan ang naging tono ko sa pagtatanong. "Mag-iisang buwan na simula nong kumalat ang kwento patungkol sa dyosang sinasabi mo, at kalat na rin sa bayang ito na matapos magpakita ang dyosa sa bampirang tinutukoy mo ay wala nang sino man ang nakakita pa muli sa kan'ya. Kasabay ng pagkalat nang pagpapakita ng dyosang iyon ay ang pagkawala rin ng bampirang nakakita sa kan'ya." Pagkukwento nito na halos tumupok na sa kakapiranggot na pag-asang nabubuhay sa dibdib ko. Nawala ang malawak kong ngiti dahil sa narinig. Kung ganon ay kahit makapunta man ako sa dati nitong tinutuluyan ay wala rin akong mapapala dahil ang bampirang nais kong paghingian ng impormasyon ay naglaho nang parang bula. "Wala ho bang nakakaalam sa mga taga-rito kung nasaan na ang bampirang iyon?" Tanong ko muli, umaasang sana ay mayroong nakakita man lamang kahit isa. "Wala," Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa naging sagot ng matanda. Puno ako ng panghihinayang at kahit nakasuot sa akin ang maskarang ito ay batid kong pagka-dismaya ang nakapaskil ngayon sa mukha ko. "Ngunit kung itatanong mo sa akin kung bakit kumalat ang balitang iyon kahit na walang nakakita, mas mainam na puntahan mo na lamang ang kamag-anak ng bampirang tinutukoy mo. Sa kanila nanggaling ang kwentong iyon at marahil ay ipinakalat pa ito ng iba pang mga bampira sa lugar nila." Ani nito na nagbigay muli nang maliit na pag-asa sa aking puso. "Maraming salamat ho sa impormasyon." Puno ng paggalang ang naging paghingi ko nang pasasalamat. "Walang anuman. Ngunit ngayon pa lamang ay binabalaan na kita," Aniya na pinili munang bitinin ang kanyang sasabihin. "Hindi libre ang pagkukwento nang pamilyang iyon sa nangyare, mahal ang kanilang singil sa mga nagbabalak malaman ang buong pangyayare sa kanilang kamag-anak. Walang sino man ang nakakaalam ng buong pangyayare at marahil ay nag-iimbento na lamang ang mga ito ng kwento para pagtakpan na nagpakamatay ang kanilang kamag-anak dahil sa sumpang naigawad dito." Mahaba muling ani nito. Dahil sa mga sinabi ng matanda ay muling napawi ang maliit na ngiti sa labi ko. Nagpaalam na ang matanda sa akin na may pupuntahan pa ito. Nagpasalamat akong muli rito at minabuti na munang manatili sa kinaroroonan ko dahil sa mga nalaman ko. Tama nga ang matanda, walang sino man ang nakakaalam ng totoong nangyare. Maaaring kabaliktaran ang nangyare at pinili na lamang na magpakamatay ng isinumpang bampira, baka ang sinasabi nilang pagpapakita rito ng dyosa ay isang kwento lamang na inimbento nila para kumita. Tila nanghina ako sa aking mga nalaman. Imbes na magpatuloy ay minabuti ko na munang tumigil ulit. Nakahanap ako ng medyo kalakihang bato na madadaanan papunta sa mga kabahayan. Mabilis ang naging paghawak ko sa bato para suportahan ang bigat ko. Ramdam ko ang pangingilid nang luha sa aking mga mata. Hinayaan ko ang sarili kong impit na humagulgol sa harapan ng malaking bato. Kinakain ng panghihinayang at galit ang buong sistema ko. Umasa akong baka mayroon pang ibang paraan para makawala ako sa sumpang ito, sa loob ng ilang taong nagdudusa ako sa sumpang iginawad sa akin ay hindi ko na binigyan pa ng pagkakataon ang sarili kong humanap ng paraan para tanggalin ito. Ikinulong ko ang sarili ko sa gitna nang kagubatan ng Gazaainah para lamang wala akong maapektuhang nilalang sa sumpa ko. Ngunit nang marinig ko ang kwento patungkol sa dyosang kayang tanggalin ang mga sumpa ay ipinangako kong hahanapin ko ito. Alam kong sa umpisa ay may posibilidad nga na hindi ito totoo, ngunit mayroong tumutulak sa aking hanapin ito kahit na wala naman akong kasiguraduhan dito. Mahigit isang buwan din ang itinagal bago ako nakarating sa kahariang ito, sa dami ng mapanganib na napagdaanan ko'y mas pinili ko pa ring humakbang pasulong dahil umaasa akong matutulungan ako nito. Hindi ko inaakalang sa pagdating ko dito'y matatapos kaagad ang paghahanap ko sa dyosang iyon. Marahan kong tinanggal ang pagkakatali ng maskarang suot ko. Panatag akong tanggalin ito ngayon dahil alam kong wala naman masyadong nadaan dito. Marahan kong pinunasan ang mga luha sa aking mga mata. Ramdam ko ang panginging ng aking buong katawan. Ngayon na lamang muli ako nakaiyak ng ganito. Sa loob ng isang taong paninirahan sa kagubatan ng Gazaainah ay pinangako kong hindi na muli ako iiyak, ngunit mahirap palang pigilan ang mga luha kung ang emosyon ay nag-uumapaw na sa sistema. Huminga ako ng malalim. Sa ngayon ay ang tangi na lamang nasa isip ko ay makapunta sa sinabi ng matandang bampira. Alam kong malaking kapangahasan kung itutuloy ko pa ito, ngunit kahit ganon pa man ay mayroon pa ring nag-uudyok sa aking tumuloy pa. Alam kong wala rin naman akong mapapala sa pagpaptuloy, ngunit wala namang masama kung susubok muli ako. Kung wala talaga akong mapapala sa huli ay babalik na lamang ako sa kagubatan ng Gazaainah, doon ay magpapatuloy ako sa aking pamumuhay hanggat sa gusto ko. Hindi ako pwedeng manatili sa kahariang ito dahil hindi naman ako taga-rito, walang lugar para sa akin ang kahariang ito. Mas lalo lamang sa ibang kaharian, hindi ako pwedeng bumalik sa Terrestria dahil alam kong ganoon pa rin ang kahihinatnan ko. Tanging ang kagubatan lamang ng Gazaainah ang s'yang matuturing kong tirahan ko. Inayos ko ang sarili ko, hinintay kong humupa ang umaapaw kaninang emosyon sa aking sistema. Nang medyo kumalma na ako ay tumayo na ako at muling isinukbit sa aking balikat ang bag na dala ko. Sinigurado ko ring mahigpit na nakatali sa likod ng aking ulo ang maskarang suot ko. Muli akong huminga ng malalim bago nagpatuloy sa aking paglalakad. Gaya ng sinabi nang matanda kanina ay sinunod ko ang direksyong tinuro n'ya. Medyo malayo ang nilakad ko at batid kong ilang oras din ang itinagal ko bago makarating sa maliit na kagubatan ng Qaahn. Nasa may b****a pa lamang ako ay pinili ko na munang magpahinga. Hingal na hingal akong sumandal sa malapit na punong nakita ko. Basa na ng pawis ang buong mukha ko at nanunuyo na ang lalamunan ko. Mabuti na lamang at marahan ang naging pag-ihip ng hangin. Ring ko ang pag-sayaw ang mga puno kasabay nang paglakas ng hangin. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at hinayaang magpahinga ang sarili ko. Naalimpungatan ako sa lamig ng hanging tumama sa pisngi ko. Marahan akong nag-unat ng katawan at mabilis na naging alerto ang aking buong sistema pagkagising ko. Napaawang na lamang ang bibig ko nang mapagtantong papalubog na pala ang araw, hudyat na mag-gagabi na. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako, dala na rin siguro ng pagod at sa matinding pag-iyak ko kanina kaya ako nakatulog kaagad. Medyo sumasakit na ang likod ko sa pagkakasandal sa puno nang sinubukan kong abutin ang bag ko. Mabuti na lamang at mayroong binigay sa aking maliit na bote ang matandang nakausap ko sa huling bayan na napuntahan ko, kaunti man ang dugong mailalagay doon ngunit mas maayos na iyon kaysa sa wala. Kagaya kahapon ay sapat lamang ang ininom ko. Ininat ko ang sarili ko at pinakiramdaman ang paligid ko. Humarap ako sa daanan na magsisilbing gabay ko papunta sa gitna ng kagubatang ito, hindi ko man makita kung gaano kadilim ngayon dito ay wala rin namang kaso sa akin iyon. Handa ako kung sakaling mayroong sumugod sa aking mabangis na hayop. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at nagsimula na akong pasukin ang kagubatan. Naninibago ako sa pagpasok dahil ibang-iba ang kagubatang ito sa mga napuntahan ko na. Hindi ko alam kung sadya bang ganito talaga katahimik dito at wala akong marinig ni isang ingay na nanggagaling sa mga maliliit na hayop. Nagtataka man ay isinawalang bahala ko na lamang ito. Nagpatuloy ako sa pagpasok sa kagubatan, habang patagal ng patagal ay mas lalo lamang akong naninibago sa kagubatan. Iba ang pakiramdam ko sa pagpasok dito, tila mayroong mali ngunit hindi ko mapangalanan kung ano iyon. Ilang minuto lamang ang itinagal ko sa paglalakad bago ako nakaramdam ng ibang presensya sa paligid ko. Kaagad na kumunot ang noo ko at mabilis na nagtago sa mga punong naroroon. Sinubukan kong lumapit ngunit hindi naman gaanong lapit para mapansin nila ang presensya ko. Hindi ko alam kung nasa gitnang bahagi na nga ba ako ng kagubatan. Sinubukan kong pakinggan ang kanilang mga pag-uusap kahit na medyo may kalayuan pa rin ang mga ito sa akin. "This must be it." Boses iyon ng isang lalaking bampira, medyo pamilyar sa akin ang boses ngunit dahil sa layo nila ay hindi ko mawari kung sino iyon. "Sigurado ba kayong ito nga 'yon?" Ani ulit ng isa pa. Sa pagkakataong ito ay nanggaling naman iyon sa isa pang bampira. "Ito lamang ang nag-iisang nakatayong bahay sa pusod ng kagubatang ito, marahil ay ito na nga 'yon." "There's no one here!" "Damn! I knew this would happen." "I told you! Gumagawa na lamang sila nang ikakakita nila ng salapi!" Tumahimik saglit ang mga bampirang naroroon ngayon sa nag-iisang bahay na nakatayo sa gitna ng kagubatan. Marahil ay ito nga ang pinag-tirahan nong bampirang naisumpa. Ramdam kong pumasok ang mga ito sa loob ng maliit na kubon base sa naging ingay ng kanilang mga yabag. Siniguro kong nakapasok na ang mga ito bago ako palihim na mas lumapit sa maliit na kubon na ngayo'y hinahalughog na ng ilang bampira. Siniguro kong sapat lamang ang lapit ko sa maliit na kubon at mabilis na umakyat sa punong napili ko upang doon na maghintay at magmasid. Ilang minuto lamang ang hinintay ko bago narinig ang papalakas nilang yabag indikasyon na palabas na ang mga ito. Mas naging alerto ako sa mga nagdaang oras at hinintay ang kanilang magiging sunod na hakbang. "Can you please tell me why do we need to go here?" Kaagad na napako ang pansin ko sa boses na 'yon. Ito ang bampirang sinusundan ko kanina dahil sa kakaiba nitong amoy. "Shut it Cas. Hindi kaba nakikinig kanina kay Vlad?" Hindi na ako nagulat na maging ang bampirang sumundo ata kanina sa bampirang nagngangalang Cy ay naririto rin. Base sa mga presensyang naroroon ngayon sa kubon ay nasisiguro kong pito sila ngayon doon. Hindi ko man itanong ay alam kong iisa lang rin ang pakay ng mga ito. Ang makumpirma kung totoo nga na nagpakita dito ang Dyosang sinasabi nila. "Calm down dude, bakit ba ang init ng ulo mo?" Nabalik ako sa huwisyo ko nang marinig na magsalita sa hindi pamilyar na tono ang isa pa nilang kasamahan. "What? Dahil ba ito sa babaeng bampira na sumusunod sayo?" Mas lalong tumutok ang atensyon ko sa mga maharlikang nag-uusap. Lalo na nang mabanggit ng isa sa kanila ang babaeng sumusunod dito. Alam kong ako ang tinutukoy nito. Ngunit pala-isipan pa rin sa akin kung bakit tila kapangahasan ang maamoy ang kakaiba nilang aroma. "WHAT?! Babae? Sinong babae? May sumusunod sayong babae kanina? F*ck!" "Gago! Ang ingay mo Athan!" "Damn you Zione! Palibhasa walang sumusunod sayong babae!" "At least your Ianna has feelings for me. What about you?" "F*uck! Just, f*ck you dude! I'm trying to move on!" "Gago, uso ba yon?!" "Talk to my hand, Athan." Hindi ko alam kung dapat ko pa bang pagtuunan ng pansin ang mga salita nilang hindi pamilyar sa akin. Hindi ko kilala kung sino-sino ang mga nagsasalita sa kanila maliban kay Cy. Ilang minutong nagtagal ang bangayan nong tatlong maharlikang bampira bago iyon naputol. "There's no traces, walang kahit isang palatandaan na mayroong nakatira dito." Nanlaki na lamng ang mga mata ko sa gulat nang marinig ang panibagong boses na nagsalita. Hindi ko inasahang muli ko itong makikita sa kagubatang ito, matapos nang nangyaring pagtatago sa isang kuweba ay tila pinaglalaruan ako ng kapalarang muli itong makita sa ganitong sitwasyon. Anong ginagawa mo rito... Cassius? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD