Kabanata 8

2103 Words
Leap of Scent. Masasabi kong malaki ang paninibago ko nang makarating ako sa bayan ng Carran matapos ang tatlong araw na paglalakbay. Mas malawak at mas maraming mga bampira ang naririto kumpara sa mga bayan na napuntahan ko nitong mga nakalipas na linggo. Sa bungad pa lamang ng bayan ay marami na kaagad ang sumalubong sa akin na mga kawal na ngano'y nagbabantay sa seguridad ng buong kaharian. Hindi naman ganoon kahirap makapasok sa bayan ngunit dahil sa mga naririnig kong balita ay hindi na ako nagulat na mas humigpit ang seguridad sa buong kaharian. Malalim ang naging pag-buntong hininga ko at piniling tumigil muna sa isang banda. Ngayong naririto na ako sa loob ng Carran ay hindi ko na alam ang susunod kong magiging hakbang. Hindi ko alam kung kanino ba ako magtatanong sa misteryosong diyosa na dumalaw sa bayang ito. Gustuhin ko mang magtanong at makakalap ng impormasyon ngunit kanino? Akmang aalis na ako sa pwestong hinintuan ko nang malanghap ko ang isang kakaibang amoy na pumukaw ng atensyon ko. Napakabango at tila pamilyar ito sa akin ngunit hindi ko matandaan kung mayroon naba akong nalanghap na ganito noon. Nakakahibang ang ganitong klaseng aroma. Tila hinihikayat ako nitong sundan kung saan ito nanggagaling. Sa sobrang pagkahibang sa mabangong amoy ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong sinusundan ang amoy na iyon. Hindi ko man makita kung sino ang sinusundan ko ay nagpapasalamat naman akong naaamoy ko ito. Hindi ko na alam kung ilang minuto na ang nakalipas noong sinundan ko ang nagmamay-ari ng mabangong aroma, ngunit hindi ko na inalala iyon. Kung saan man ako dalhin ng pagsunod ko ay wala na akong pakialam. Bahagya akong tumigil. Sinigurado kong sakto lamang ang agwat namin upang maitago ko ang sarili ko kahit papapano. Sinubukan kong alamin kung nasaang parte na ako ng kaharian. Batid kong nasa pamilihan parin kami ngunit hindi kagaya kanina na maraming bampira, dito ay kumonti na ngunit sapat pa rin iyon upang maitago ko ang sarili ko. Hindi naman ako nag-hintay ng matagal nang maramdaman kong bahagya ng lumalayo ang presensya nang bampirang sinusundan ko. Balik nanaman akong muli sa pagsunod sa bampirang may mabangong aroma. Pansin kong habang tumatagal ang pagsunod ko ay pakonti na ng pakonti ang mga naririnig kong boses. Mabibilang ko na lamang sa kamay kung ilang presensya ang nasa paligid ko. Imbes na mabahala ay patuloy pa rin ako sa pagsunod. Hindi ko alam kung naramdaman n'ya ba ang presensya ko at alam n'yang sinusundan ko s'ya o talagang mayroon lamang s'yang pupuntahang tahimik na lugar. Muli akong tumigil nang maramdaman kong tumigil din ang bampirang sinusundan ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa n'ya ngunit batid kong nakatayo pa rin s'ya roon sa iisang lugar. Kumunot ang noo ko dahil ilang minuto na ang lumipas ay hindi man lang ito umaalis sa pwesto nito. "What are you doing?" Mabilis na umangat ang mga balikat ko sa gulat, mabilis ang naging pag-abante ko nang marinig ko ang boses n'ya sa likuran ko. Sa isang iglap ay nasa likuran ko na s'ya. Hindi ko alam kung paano n'ya iyon nagawa ngunit sigurado akong hindi ko naramdaman ang naging pagkilos n'ya. "Who are you?" Muling umalingawngaw ang baritonong boses ng bampirang sinusundan ko. Umusbong ang kaba sa aking dibdib habang sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Anong isasagot ko sa tanong n'ya? Na kaya ko s'ya sinundan ay dahil sa mabangong aroma na nanggagaling sa kan'ya? "You've been following me," Aniya sa siguradong tono. "Why?" Dugtong n'ya. Kagaya nang naunang tanong ay hindi ko s'ya sinagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko at baka mapasama lamang ako pagsumagot ako. "Why are you follow—" naputol ang sasabihin n'ya nang mayroong isang presensya ang dumating sa kinaroroonan namin. "Cyrus!" Mabilis na nabaling ang atensyon ko sa bagong dating na bampira. Kagaya nang nasa harapan ko'y mayroon ring kakaibang aroma ang bagong dating, ngunit hindi kagaya sa naunang bampira, ang aroma naman na nanggagaling sa bagong dating ay mas matapang. "What are you doing here?" Tanong kaagad nong bampirang sinundan ko kanina. "Your brother's are looking for you. Why are you here? Who is she?" Dinig kong sagot nang bagong dating. "Is that so?" "Yes. So who is she?" "Dunno." Tipid na sagot ng bampirang sinundan ko. "What?" "She's been following me." Ramdam ko ang parehong mga mata nila na nakatitig sa akin. Tila ba'y kinikilatis ako base sa tindi ng kanilang pagtitig sa akin. "Why are you following me?" Muling bumalik ang kaba ko nang mahimigan ko ang lamig sa boses ng bampirang sinundan ko kanina. Napalunok ako at nag-isip ng mga salitang maaari kong sabihin. "A-ano... y-yong... yong... a-amoy..." pautal-utal at mahina kong sinambit. "My scent?" Kaagad kong nahimigan ang kaguluhan base sa boses ng bampirang sinundan ko. Maingat ang naging pagtango ko sa kan'ya. "What about my scent?"Muli akong napalunok at mas lalong kinabahan dahil baka mainsulto ko ang bampirang ito. "K-ka... kakaiba y-yong... amoy mo s-sa... ibang m-mga bampira." Pautal-utal man ay nagawa ko pa ring sabihin ang nasa isip ko. Hindi kaagad naka-imik ang dalawang bampira sa nasabi ko. Dahil sa pananahimik nila ay mas lalong tumindi ang naging kaba ko dahil baka iba ang pagkakaintindi nila sa sinabi ko. "You mean... he stink?" Mabilis ang pag-iling ko sa sinabi nang kadarating lang na bampira. "H-hindi... m-mabango y-yong aroma na... na-nanggagaling s-sa kan'ya." Mabilis kong sabi sa kanila. "Paanong..." Muling nabaling ang atensyon ko sa bampirang sinundan ko kanina. "How come you can smell me?" Tanong n'ya na nagpagulo sa aking isipan. Anong ibig n'yang sabihin sa naaamoy ko s'ya? "H-huh?" Naguguluhang naisambit ko nalang. "You didn't bring your pendant before you wander around?" Tanong ng pangalawang bampira. "I did. I'm sure no one will notice my smell when I walk inside the market." Sagot kaagad nang naunang bampira. "You sure?" "Who are you?" Ramdam ko ang panginginig ng mga binti ko nang muli akong tanungin. "C-celeste po." Agaran kong tugon. "I'm not asking about your name, I'm asking if you have a title or what empire do you belong?" Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko. Anong kaharian ba ang sumasakop sa kagubatan ng Gazaainah? Hindi ko alam. Wala akong alam na ibang kaharian maliban na lamang sa Hadena na sinabi sa akin ng matandang bampira na nakausap ko. "H-hindi ko... alam" iyon ang naging sagot ko. "What?" Nahimigan ko kaagad ang inis sa boses ng naunang bampira. "S-sa... G-gazaainah." Muli kong sagot sa kan'ya. "You mean, the forest of Gazaainah?" Dinig kong tanong ng pangalawang bampira. Kaagad naman akong tumango sa kan'ya. "Do you know that place?" Tanong kaagad ng bampirang sinundan ko kanina. "Yes. Ngunit tatlong beses pa lamang akong nakakapunta roon." "How far is it?" Hindi pa man tapos sa pagsasalita ang pangalawang bampira ay mayroon nanamang tanong ang isa. "Limang lingo bago ka makarating sa bayan na pinakamalapit sa kagubatan ng gazaainah sakay ng karwahe, simula sa bayang iyon ay mahigit dalawang linggong paglalakbay ang aabutin mo bago ka makarating mismo sa kagubatan ng gazaainah." Mahaba ngunit eksaktong sagot naman ng pangalawang bampira. "That far?!" Gulat na tanong kaagad ng naunang bampira. "Yes. Ask you brother. S'ya ang kasama ko noon sa pagpunta sa kagubatan ng Gazaainah." Sagot naman sa kan'ya ng ikalawang bampira. "That means you are not a royalty, you don't hold any title!" Bigla ay lumakas ang boses ng naunang bampira. Hindi ko man itanong ay alam kong ako ang tinutukoy n'ya. Wala nga akong hawak na kahit anong titulo at mas lalong hindi ako maharlika. Hindi ako kabilang sa pamilyang may dugong maharlika. Tama naman sya, ngunit bakit ganito na lamang ang reaksyon nito? "That's nonsense!" Muling pagalit na ani nito. "Tanging mga maharlika lamang ang may kakayahang makaamoy sa kapwa nila maharlika, kahit pa ito'y mayroong gamit na kwintas upang maitago sa pangkaraniwang bampira ang kanilang tunay na pagkakakilanlan." Mahabang alintana ng pangalawang bampira. Hindi ko gaanong naintindihan ang mga isinambit nila, ngunit base sa naging reaksyon ng mga ito ay malaking palaisipan sa kanila kung bakit naaamoy ko ang bampirang nasundan ko. Hindi ba naaamoy kanina nong mga bampirang nagtatrabaho sa pamilihan ang aroma na nanggagaling sa bampirang ito? Kung tutuusin ay kahit nasa malayo pa ako'y amo'y na amoy ko na ang mabangong aroma na naggagaling sa kan'ya, kaya hindi rin imposibleng hindi rin sya maamoy nong mga bampira sa pamilihan. "Did you use some magic to smell me?" Nagpintig ang tenga ko sa aking narinig. Sa boses pa lamang ng pagkakasabi nito ay puno na ng pang-aakusa. Ngunit bakit ko naman gagawin ang bagay na iyon? Ni wala nga akong alam na kahit anong mahika na maaaring gamitin, isa pa ay bakit ba ganito nalang ang mga ito makaasta? Ano bang mali kung naamoy ko man ang aroma nito? May masama ba don at kung maka react sila ay tila isa na iyong malaking kapangahasan. "Pasensya na, ngunit anong mahika ang iyong binabanggit?" Tanong ko rito. Hindi ito kaagad nakasagot sa akin. Nakarinig ako ng ilang pag-singhap at mahabang katahimikan kaagad ang bumalot sa amin matapos nitong suminghap sa pangatlong beses. "A spy?!" Mahina ngunit dinig ko pa rin ang sinabi nong bampirang nasundan ko. "That's enough Cy, you don't have enough evidence to prove that she's a spy." Pagpuputol nong isa pang bampira. "That's the only reason why she can—" "Enough, let's go. Your brother's are waiting for you." Matapos nitong sabihin iyon ay naramdaman ko na lamang na nawala ang presensya ng ikalawang bampira. Habang ang isa naman ay nananatili pa ring nakatayo malapit sa akin. Ramdam ko pa rin ang tindi ng pagtitig nito ngunit kalaunan ay nawala na rin ang presensya nito. Malalim ang naging paghinga ko sa nangyare, hindi ko naman inaasahan na mararamdaman n'ya ang pagsunod ko sa kan'ya. Isa pa ay hindi ko naman inakalang magiging ganon ang reaksyon nito dahil sa naging dahilan ko sa pagsunod sa kan'ya. Napailing-iling ako sa sarili ko at muling pinakiramdaman ang paligid ko. Hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng bayang ito. Ngayong nandirito na ako sa bayan ng Carran kung saan nanggaling ang kwentong patukgol sa dyosang kayang makapag-paalis ng sumpa, hindi ko na alam ang susunod kong magiging hakbang. Siguro'y magpapahinga na muna ako sa gabing ito at bukas ay magtatanong-tanong ako sa mga bampira sa pamilihan baka sakaling mayroon silang nalalaman sa dyosang hinahanap ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad matapos ang pangyayare kanina. Sa sobrang bilis nawala nong dalawang bampirang iyon ay hindi ko na nasundan pa ang mga presensya nang mga ito. Sinubukan kong maghanap ng maliit na kubon na maaaring tuluyan ko para sa gabing iyon, ngunit tila yata napalayo ako sa pamilihan dahil puro puno at mga halaman na lamang ang s'yang tanging nadaraanan ko sa ilang minutong paglalakad ko. Sa huli ay napag-pasyahan kong tumigil na lamang sa isang matayog na puno. Doon ay maingat kong inilapag ang mga gamit ko sa malaking batong katabi nang punong napili ko at sumandal doon. Marahan akong napapikit nang maramdaman ko ang bahagyang pag-ihip ng hangin. Ilang minuto ko ring dinamdam ang banayad na pag-ihip ng hangin bago ko kinuha ang babasaging bote na naglalaman ng dugo. Uminom ako para mapatid kahit kaunti ang uhaw ko. Siniguro kong sapat lamang ang dugong nainom ko dahil tinitipid ko iyon. Hindi ko na kase alam kung kailan ako muli makakahanap nang usang mapagkukuhanan ko ng dugo. Matapos uminom ay ibinalik ko na rin ito sa loob ng bag ko. Mariin kong ipinagsalikop ang mga palad ko at tumingala sa ngayo'y madilim na na kalangitan. Hindi ko man ito makita ay alam kong madilim na ang kalangitan. Hindi ko na alam kung ano ang magiging sunod kong hakbang, ang tangi na lamang na nagbibigay sa akin nang dahilan para ipagpatuloy ang misyong ito ay ang dyosang iyon na hindi ko alam kung totoo bang nagpakita sa kahariang ito. Tanging ang kwento lamang nang tunay na nakasaksi ang syang pinanghahawakan ko sa ngayon. Alam kong maaaring nagsasayang lamang ako nang aking oras sa paghahanap sa kan'ya, ngunit nanaisin ko pa bang balewalain ang nag-iisang posibleng paraan para makawala ako sa sumpang ito? Alam kong isang malaking kahibangan ang paniniwala sa mga kwento-kwento lamang na pinasa-pasa ng karamihan. Maaaring ang kwentong iyon ay dinagdagan na ng ibang mga pangyayareng wala naman sa orihinal na bersyon nang kwento. Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga, siguro naman ay mayroon akong makakalap na impormasyong magagamit ko sa paghahanap sa dyosang maaaring tumulong sa akin na makawala sa sumpang alam kong hindi naman nararapat para sa akin. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD