Kabanata 7: The Right Path

2247 Words
The Right Path. Kaagad akong pinalibutan ng maraming bampira habang nagsisisgawan. Tila masaya ang mga itong mayroong lumabas na bampira galing sa loob ng kagubatan. Litong-lito ako sa aking dapat na gawin nang palibutan ako ng karamihan sa kanila. Gustuhin ko mang agarang makaalis sa aking kinatatayuan ay hindi ko magawa. Akala ko'y panandalian lamang ang kanilang sigawan ngunit mas lalo lamang ang mga itong nag-ingay ng magsunod-sunod na ang paglabasan ng iba pang bampirang nanggaling rin sa loob ng kagubatan. Dahil sa kasiyahang nagaganap ay hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong muntikang matumba dahil sa sobrang siksikan. Sinubukan kong makaalis sa tumpok ng mga bampirang patuloy paring nagsisigawan ngunit halos wala akong maiusad dahil sa sobrang dami nilang nakapalibot sa akin. Nagmistulang dagat ng mga bampira ang nangyare sa pinakabungad ng bayang ito. Pilitin ko mang suungin ang daloy ng mga ito ngunit mas lalo lamang akong inaanod sa kalagitnaan ng mga ito. Hindi na ako halos makagalaw, unti-unting nabalot ng takot ang buo kong sistema dahil sa nangyayare. Hindi ko man gustuhin isipin ngunit nangangamba akong baka mapatid ang lubid na nakakabit sa maskarang suot ko at makita ng mga inosenteng bampirang ito ang mukha ko at iyon pa ang magsilbing dahilan ng kanilang kamatayan. Hindi ko na nanaisin pang isali ang bayang ito sa mga bampirang kamumuhian ako. Tama ng ang Terrestria na lamang ang s'yang natatanging bayan na mayroong galit sa akin. Isa pa ay malaking perwisyo ang biglaang pagkamatay ng mga bampirang naninirahan sa bayang İto matapos makita ang mukha ko. Isa lamang akong dayo dito na napadpad lang dahil sa mga tulisan na nangharang at nagnakaw ng mga materyales at iba pang mga bagay na dapat ay iaangkat sa Carran kung saan ako dapat pupunta. Hindi ko na nanaisin pang maging sanhi ng isang gulong alam kong wala din akong magiging kawala. Nasisiguro kong kamatayan ang kahahantungan ko pag-nagkataon. Hirap man akong nakisiksik sa mga bampirang nagkakasiyahan ay pinilit ko pa ring igalaw ang mga kamay ko upang hawakan ang maskarang suot ko. Sinisigurado kong palaging mahigpit ang pagkakatali ko sa lubid ng maskara ko upang wala akong ma-agrabyadong inosenteng nilalang, ngunit mas gugustuhin ko pa ring siguraduhin na hindi mapuputol ang lubid ng maskara ko. Mas mabuti nang maging maingat lalo na at napakadaming bampira ang naririto ngayon sa paligid ko. Ilang minuto rin akong nakipagsiksikan upang makawala sa mga nagkakagulong bampira. Hawak ng isa kong kamay ang maskara ko upang masigurong hindi ito mahuhulog habang ang isang kamay ko naman ay gamit ko upang makipagtluakan sa mga bampira. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko ng medyo nakalayo-layo ako sa mga nagkakagulong bampira. Ramdam ko kaagad ang panghihina ng katawan ko dahil sa pakikipag-siksikan ko. Hindi ko alam kung saan ako patungo, basta ang gusto ko lamang sa mga oras na iyon ay ang makalayo sa mga bampirang ito at makahanap ng tahimik na lugar upang pwede kong mapag-pahingahan. Diretso ang naging paglakad ko, bagamat wala akong kaalam-alam sa lugar na ito ay masasabi kong masiyahin ang mga bampira sa bayang ito. Hindi ko sigurado kung anong meron sa bayang ito ngunit tila ata mayroong pista ang nagaganap ngayon. Mariin akong napakagat sa labi ko, gusto kong makita ang mga bampirang naninirahan sa bayang ito na ipagdiwang ang pista. Gusto kong makisaya sa kanila at makipag-usap gaya ng dati kong ginagawa sa tuwing mayroong nagaganap na pista sa Terrestria. Gusto ko ulit na makita ang malawak na ngiti ng mga batang bampira habang naglalaro sa kalagitnaan ng bayan. Gusto ko ulit makitang masaya at nagtatawanan ang mga bampirang nakapalibot sa akin ngayon. Mapait ang naging ngiti ko sa mga naiisip. Hindi ko inaakalang ganito ang kahahantungan ko. Kung dati ay gigising ako sa umaga na ang bati ni Itay at Inay ang lagi kong naririnig. Araw-araw ay mayroong naghahanap sa akin upang makipag-laro at magpaturo ng mga bagay-bagay. Sa tuwing mayroong palaro sa bayan ng Terrestria ay hindi ko pinapalagpas ang pagkakataong sumali. Lumaki ako sa bayang iyon na punong-puno ng pagmamahal at kasiyahan. Wala na akong ibang ninanais kundi ang mapanatili ang kapayapaan sa bayang kinalakihan ko. Hindi ko inaakalang dahil lamang sa isang mangkukulam ay mararanasan kong pagmalupitan at saktan ng mga taong minsan ko ng tinuring na sarili kong pamilya. Sa araw-araw na paninirahan ko sa guata ng Gazaainah ay walang araw na hindi ko naiisip ang dati kong naging buhay. Kung gaano ako kasaya noon at kung gaano ako kaswerte sa buhay ko, ngunit ang kasiyahang iyon ay hindi nagtatagal dahil sa isang bangungot na gustong-gusto kong takasan ngunit hindi ko alam kung paano makakawala. "Hija, ayos ka lang ba?" Nabalik lamang ako sa huwisyo ko nang makarinig ng boses ng isang matanda. Hindi ko man makita ang kaanyuan nito ay batid kong nasa harapan ko ito. Marahan akong lumunok at tinuon ang atensyon sa kan'ya. "O-opo, Ayos lamang po ako." Magalang ang naging sagot ko dito. "Ikaw ba ay dayo lamang sa bayang ito? Ngayon lamang kasi kita nakita dito." Agaran n'yang tanong sa akin. "O-opo, Ngayon lamang po ako nakarating dito." "Ikaw ba ay mayroong matutuluyan?" Saglit akong napaisip sa tinanong sa akin. Wala pa nga pala akong matutuluyan. Hindi naman iyon problema sa akin dahil kahit sa puno ay pwede naman akong matulog. Wala akong anumang salaping pagmamay-ari kaya hindi ko na naisip pang magtanong ng pupwede kong matuluyan sa ara na ito. "W-wala pa po, may alam po ba kayong tahimik na lugar na maaari kong pagtulugan?" Iyon kaagad ang tanong ko sa matanda. "Mayroong mga kubon na katamtaman lamang ang laki para sa isang bampira na pupwede mong rentahan sa bayang ito. Hinahanda talaga namin ang mga kubon na iyon para sa inyong mga dayo dito." Paliwanag n'ya. "H-hindi ko ho kailangan ng kubon, w-wala ho kasi akong s-salaping pambayad sa mga ganoong pagtutuluyan." Nahihiya kong sagot sa matanda. Totoo naman iyon. Pangangaso lamang ang tanging ginagawa ko sa kagubatan ng Gazaainah at wala na akong ano pa mang trabaho na maaari kong pagkakitaan ng salapi. Hindi ko naman kase iyon kailangan dahil halos lahat ng kailangan ko ay nasa kagubatan na. "Mayroon ho ba kayong alam na lugar na tahimik? I-iyong maaari ko po sanang pagtulugan ng walang bayad?" Nakakahiya mang itanong iyon ngunit isinawalang bahala ko na ang kahihiyan ko. Wala akong kilala at kalam-alam sa bayang ito. Mabuti na lamang at mayroong lumapit sa akin at nang-aalok ng mapag-tutuluyan ko. Subalit gustuhin ko mang paunlakan ang kanilang anyaya na magrenta ng isang kubon ay wala naman akong maipang-babayad. "Sigurado ka ba hija? Delikado ang mag-lagi dito sa gabi dahil maraming tulisan ang nangangahas na magnakaw, marami rin ang pakalat-kalat na ligaw na kaluluwa na namemerwisyo sa bayang ito." Babala n'ya sa akin. Hindi ako naka-imik. Wala akong maisip na maaaring idahilan kundi ang kawalan ko ng salapi. Marahan akong napabuntong hininga, wala rin naman akong magagawa dahil hindi naman ako magtatagal dito, palilipasin ko lang ang gabing ito dito dahil hindi ko alam kung kaolin ulit ako makakahanap ng bayang kagaya nito. "Ayos lang po sa akin, hindi rin naman ho ako magtatagal rito." Magalang ang tugon ko sa kan'ya. "Ganon ba? Cge, hindi na kita pipilitin. Halika, sasamahan kita, mayroon akong alam na tahimik na lugar sa bayang ito."Hindi na nya ako hinintay na makasagot sa kan'ya. Kaagad kong naramdaman ang papalyo n'yang presensya kaya wala na akong nagawa kundi ang sundan na lamang ang matandang bampira. Hindi ko man makita ang kapaligiran ko ay batid kong marrying mga bampira ang nagtitipon ngayon sa bayang ito. Kagaya ng ga bampirang sumalubong sa akin kanina sa bungad ng bayan ay maiingay rin ang mga ito. Halatang nagkakasiyahan at cila walang problema ang mga ito dahil sa pistang nagaganap. Hindi ko mapigilan ang sarili kong magpalinga-linga sa kapaligiran ko na animo'y mayroon akong nakikita. Ilang minuto rin ang itinagal ng pagsunod ko sa matandang bampira. Bagamat nakatuon ang atensyon ko sa mga bampirang nagkakasiyahan, hindi ko pa rin nakakalimutang maging alerto. Kanina pa namin tinatahak ang diretsong daan at tila wala na itong katapusan. Pansin kong unti-unti na ring nawawala ang ingay sa kapaligiran ko at paunti-unti na rin ang presensya ng mga bampira sa kapaligiran ko. Marahil ay malapit na kami sa lugar na tahimik na tinutukoy kanina ng matandang bampira. "Malapit na tayo sa lugar na sinasabi ko." Paalala nito sa akin. Nang wala na akong marinig na ingay at maramdamang presensya ng bampirang malapit sa amin ay doon lamang ako nagsalita at nagtanong sa matanda. "Nais ko pong magpasalamat dahil tinulungan nyo akong makahanap ng maaari kong paghintuan." Magalang kong ani sa kan'ya. "Ngunit sigurado ka bang dito ka talaga maglalagi? Hindi ko nais na makielam sa iyong desisyon ngunit nakakabahalang marinig mula sa isang babae ang iyong nais na manatili rito." "Sigurado ho ako. Sanay na ho akong magpahinga sa ilalim ng mga puno, hindi nyo na po kailangan mag-alala sa akin, ngunit maraming salamat pa rin po." "Kung ganon, maaari ba akong magtanong?" Marahang umihip ang hangin casaba ng pagtatapos gn matanda sa kan'yang pagsasalita. "Ano po iyon?" Mabilis ang naging sagot ko sa kan'ya. "Ikaw ba ay naglalakbay sa kung saan?" Hindi na ako nagulat na alam nito ang pakay ko. "Marami na rin akong nakilala na kagaya mo ring napapadpad sa bayang ito. Mga manlalakbay na mayroong nais puntahang kaharian o hindi kaya ay mayroong hinahanap." Pagpapatuloy nito. "Ngunit, alin ka nga ba sa dalawa hija?" Tanong nito sa huli. Saglit akong natigilan sa kan'yang tanong, alin nga ba ako sa dalawang manlalakbay na sinasabi n'ya? Isa nga ba akong manlalakbay na mayroong nais puntahan na saharian o isang manlalakbay na mayroong hinahanap. Saglit na lumitaw ang maliit na ngiti sa aking labi. Alam kong hindi ito makikita ng matanda sa likod ng maskarang suot ko. "Pareho po, ako po ay isang manlalakbay na mayroong nais puntahang kaharian upang hanapin ang kumakalat na Dyosang nagtatanggal ng sumpa." Hindi kaagad s'ya naka-imik sa sinabi ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad, ilang minuto rin ang itinagal namin bago ko naramdaman ang pagtigil ng kansyang presensya. Akala ko nga'y magpapa-alam na ito sa akin dahil narating na namin ang lugar na sinasabi nito kanina, ngunit nagkamali ako sa aking akala. "Naririto na tayo, ito ang lugar na sinasabi ko sayo kanina." Panimula n'ya. Ramdam kong umihip muli ang hangin, Sariwa rin ang hangin sa lugar na ito at talagang tahimik dito. Marahan akong huminga, napaka-payapa sa lugar na ito. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata upang dahin ang hangin. "Ang bayan ba ng Carran..." Napamulat ako sa naging sinabi ng matanda. Muling tumuon ang atensyon ko sa matandang ngayong batid kong nakatalikod sa akin. Kagaya kong dinaramdam rin nito ang may kalamigang ihip ng hangin. "Iyon ba ang bayang nais mong puntahan?" Tanong nito sa akin. Marahan akong tumango kahit na alam kong hindi naman ito makikita ng matanda. "Alam nyo po ba ang daan patungo sa bayan ng Carran?" Imbes na umoo ay tanong kaagad ang sinagot ko sa kan'ya. "Mabuti na lamang at napadpad ka rito, Hija." Ani ng matanda sa akin. Ramdam kong unti-unting lumalapit anng presensya nito sa akin. Hinayaan ko lamang ito sa ginagawa hanggang sa makatapat na ito sa akin. "Tatlong araw ang itatagal mo kung magsisismula kang maglakabay patungo ng Carran. Ito na ang bayang pinakamalapit doon dahil ang bayang ito ay nasa dulo na ng kaharian ng Hadena." Ani nya na nakapag-pasaya sa aking loob. Tatlong araw? Sa tatlong araw na magdadaan ay nasa bayan na ako ng Carran. Sa wakas ay makakapunta na rin ako sa bayang iyon kung saan nagpasimula ang balita patungkol sa Dyosa. Dahil sa labis na kasiyahan ay tila gusto ko ng pabilisin ang oras upang makarating na kaagad sa bayan ng Carran. "Ngunit sigurado ka bang totoo ang Dyosang sinasabi mo, Hija?" Naputol ang kasiyahan ko ng muling magtanong sa akin ang matanda. Hindi ako kaagad naka-imik. Alam kong isa rin ang matandang ito sa mga bampirang hindi naniniwala sa balitang mayroong Dyosa ang nagpakita at nagpatangga ng isang sumpa. "W-wala pa ho akong kasigurduhan kung totoo nga ba ang Dyosang hinahanap ko." Mahina ang naging boses ko sa aking naging pagsagot. Narinig ko ang marahan nitong pag-buntong hininga sa aking naging sagot. "Ngunit naririto ka at naglalakbay upang patunayan kung totoo nga ba ang Dyosang iyon, hindi ba?" Simpleng tango ang naisagot ko sa matanda sa kan'yang katanungan. "Bilib ako sa lakas ng iyong loob. Hindi biro ang maglakbay ng mag-isa, kaakibat ng paglalakbay ang anumang klaseng panganib na maaari mong suungin ng mag-isa." Ani nito sa akin. Naramdama ko kaagad ang isang kamay n'yang lumapat sa aking kanang balika. Hindi man nito sabihin sa akin ng deretsahan ay alam kong pinapalakas nito ang aking loob upang ipagpatuloy pa ang aking paglalakbay. Sa tagal ng taong ipinamalagi ko sa bayan ng Gazaainah ay ngayon na lamang muli ako nakipag-usap ng ganito katagal sa kapwa ko ring bampira. Iyong walang halong galit, poot at hinanakit sa kanilang mga binibitawang salita. Iyong tonong walang halong pasigaw. Ngayon na lamang muli ako nakipag-usap ng normal. Hindi ko namalayang malawak na pala ang naging ngiti ko dahil sa bugso ng aking nararamdaman. Ang emosyong minsan ko ng tinalikuran ay ngayo'y muling nagbabalik upang ipaalam sa akin na hindi lahat ng bampirang makakasalamuha ko ay mayroong galit sa aking pagkatao. Isa't kalahating taong pag-iisa sa kagubatang walang sino man ang nangangahas na manirahan. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sandaling ito. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD