chapter 2

1044 Words
Lumipas ang buong araw na parang isang mahabang laban. Mainit ang araw sa palengke. Halos masunog ang balat ko sa ilalim ng araw habang nakaupo sa maliit kong pwesto. Nakikipagtawaran ang mga mamimili. May mga bumibili, may mga umaalis. May mga pagkakataong gusto ko nang sumuko. Pero sa tuwing naiisip ko sina Mama, Papa, at si Ruby. Napipilitan akong tumayo ulit. Pagdating ng hapon, pakiramdam ko ay pagod na pagod na ang buong katawan ko. Masakit ang likod ko. Nanlalambot ang mga paa ko. Pero kahit papaano, may laman ang bulsa ko. Hindi malaki. Pero sapat para makabili ng pagkain at kaunting gamot. Habang naglalakad ako pauwi sa madilim na eskinita, mahigpit kong hawak ang plastic na may laman na tinapay at gamot. Tahimik ang paligid. Mas tahimik kaysa karaniwan. At noon ko nakita si Ruby. “Ruby?” Nakatayo siya sa may kanto, nakasandal sa poste ng ilaw. Parang kanina pa naghihintay. “Hindi ka ba papasok sa trabaho? ” tanong ko habang lumalapit. Ngumiti siya, pero may kakaiba sa kanyang mga mata. Parang may halong kaba. “May kaibigan akong nag-alok ng sideline,” sabi niya. “Private party lang daw. Malaki ang bayad.” Napakunot ang noo ko. “Sigurado ka ba? ” "Oo, gusto mo bang sumama sa akin?" tanong niya. "Ayokong pumunta mag-isa.” Napahinto ako. Hindi ko gusto ang ideya niya. May kung anong pakiramdam sa dibdib ko na nagsasabing may mali. Pero naisip ko rin ang pera. Ang gamot. Ang pagkain. Ang kinabukasan namin. Napabuntong-hininga ako. “Sige,” sabi ko sa wakas. “Pero sandali lang tayo.” Ngumiti siya. “Salamat, Becca.” Hindi ko alam na iyon na pala ang simula ng bangungot ng buhay ko. Tahimik ang kalsadang dinaanan namin. Halos walang tao. Halos walang ilaw. “Dito daw,” sabi ni Ruby habang tinitingnan ang paligid. May kung anong lamig ang gumapang sa likod ko. Hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon. “Ruby…” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Biglang may tumigil na itim na van sa harap namin. Napaatras ako. “Ruby…” Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan. Apat na lalaki ang mabilis na bumaba. Hindi ko pa man lubos na naiintindihan ang nangyayari ay may humawak na agad sa braso ko. “Bitawan niyo kami! ” sigaw ni Ruby habang nagpupumiglas. Nanlaki ang mga mata ko. “Ruby!” Sinubukan kong sipain ang lalaking humahawak sa akin. Tumama ang paa ko sa kanyang tuhod. Napamura siya. Pero sinampal niya ako nang napakalakas. Umikot ang paningin ko. “Ilagay mo sila sa loob,” sabi ng isa sa kanila. “Bilisan niyo.” “Hindi! ” sigaw ko. Pero mas malalakas sila. Mas marami sila. Mas handa sila. Ang huling narinig ko bago nagdilim ang paningin ko ay ang sigaw ni Ruby. “REBECCA!” Hindi ko alam kung gaano katagal akong walang malay. Pero nang magising ako, pakiramdam ko ay parang durog ang buong katawan ko. Masakit ang ulo ko. Masakit ang mga braso ko. Masakit ang lahat. Malamig ang sahig na hinihigaan ko. “Ruby…?” Mahina kong tawag. Madilim ang paligid. Amoy alak. Amoy sigarilyo. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. “Ruby…” Pinilit kong igalaw ang katawan ko kahit nanginginig ako. At noon ko siya nakita. Nakahiga sa puting kama. Wak-wak Ang tyan may hiwa ang mata at puno ng dugo ang buong katawan. Hindi gumagalaw. “Ruby…” Gumapang ako papunta sa kanya. “Ruby… gumising ka…” Hinawakan ko ang kamay niya. At doon ko naramdaman ang malamig nitong balat. “Ruby…” Biglang bumagsak ang luha ko. “Hindi… Hindi…" Yakap ko siya nang mahigpit. Pero hindi na siya gumagalaw. Hindi na siya humihinga. Sa di kalayuan ay narinig ko ang mga yabag. “Hindi pa pala patay yung isa.” Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa kanila. Pareho silang nakangisi. “Patayin na rin natin,” sabi ng isa. At lumapit sa akin. Hinawakan nila ako sa magkabilang kamay ko at hinila sa isang silid. At doon ay binugbog nila ako hanggang sa mawalan ako ng Malay. Nang magising ako ay nasa loob na ako ng kotse at dinala sa isang bangin. "N-asan ako? Ano gagawin ninyo sa akin?" Kinakabahan na wika ko sa kanila. Tumawa sila at nagkatinginan. "Marunong ka ba manalangin?" Natatawang wika nila. "B-kit ano gagawin ninyo?" "Ano pa ba? Edi dadalhin ka sa huling hantungan mo." Natatawang wika nila sa akin. Hinila nila ako palabas ng kotse at saka nila ako inalpasan sa tabi ng bangin. "Huwag maawa po kayo sa akin," umiiyak na wika ko. Ramdam ko ang matinding takot ng sandaling iyon para sa buhay ko. Hindi ako pwedeng mamatay; kailangan pa Ako nina Mama at Papa. Patuloy na dumadaloy ang luha ko sa aking mga mata habang nagmamakaawa sa kanila, pero tila wala silang naririnig. "Wag po, maawa po kayo sa akin, parang awa na ninyo." Pero huli na dahil isang putok ng baril ang aking narinig. Hanggang sa tuluyan na ako nahulog sa malalim na bangin. Nagising na lang ako na nasa isang puting silid ako. May isang babae ako nakita na nasa tabi ko. Maamo ang mukha at kita ko ang labis na pag-aalala niya sa akin. Kulot ang mahabang buhok niya, makinis ang balat at mukha, at bata pa rin kahit may edad na. "Ayos ka lang ba, iha?" Nag-aalalang tanong niya. "Nasan ako? Bakit ako naririto?" "Nasa ospital ka. Nakita ko ang nangyari sa'yo. Pasensya na kung hindi ka namin nagawang iligtas sa mga taong gumawa nito sa iyo. Natakot kasi kami madamay kaya't kinailangan namin hintayin sila umalis. Isang buwan ka nang nandito sa ospital, at ako ang nagbantay sa iyo. Hindi mo ba natatandaan ang nangyari sa'yo? " Tanong na wika nito sa akin,. At doon ko pinilit alalahanin ang mga nangyari sa akin. Doon ay nanumbalik ang masasakit na alaala mula sa nakaraan. Muli na numbalik Ang lahat ng sakit sa dibdib ko pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas. Hanggang sa maalala ko si Papa at Mama. "Si Mama at si Papa? Kailangan ko sila balikan. Kailangan ko sila puntahan," naiiyak na wika ko sa babae nasa harapan ko. At nakita ko ang labis na pagkabigla niya sa aking sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD