"Just fly with me!" Sagot niya hanggang pumasok kami sa kwarto niya. "Wait, anong fly with me?" Bumitiw ako sa kapit niya pagpasok namin sa kwarto. Ano bang pinagsasabi nito?! "Never mind, I'm just kidding!" Natatawa niyang sabi. Napakamot naman ako ng ulo ko. "Let's go this way!" Nakangiti niyang sabi at hinawakan uli ang isa kong kamay. May pagtatakang sumunod na lang ako sa kanya. Binuksan niya ang isang pinto na may ilang beses ko ng napapansin sa tuwing nandito ako pero hindi ko lang iyon tinangkang tignan. "Wait, close your eyes first!" Sabi niya nang mabuksan ng kaunti ang pinto. "Ano bang meron!" Natawa kong sabi. "A surprise!" Kahit nagtataka naexcite naman din ako sa sinabi niya kaya pinikit ko ang mga mata ko. Inalalayan niya ko sa paglalakad. "Open your eyes!" Bulong ni

