Panay ang tingin ko sa oras habang nakatayo ako sa reception. 30 minutes pa bago matapos ang oras ng duty ko at simula naman ng duty ko as room attendant sa penthouse ni Max. Hindi naman sa excited akong pumunta doon. Iko-confront ko kasi siya dahil nagtext si Mama sa akin habang nasa klase ako na may nagdatingan na mga appliances at furnitures sa bahay at pangalan ni Max ang buyer na nakasulat sa sales invoice na pinakita sa kanya ng nagdeliver. Maaga ako umalis kanina sa bahay para pumasok sa school kaya hindi ko na 'yun inabot. Sinabi ko kay Mama na huwag tanggapin kaso ayaw ng ipabalik ng nagdeliver dahil bayad na ang mga yun. Pinicturan ni Clark ang mga gamit na pinadala at sinend sa messenger ko. May nakita akong big screen smart TV, washing machine, ref, aircon, sala set, dining

