40. KIROT

1502 Words

"Sabi sa inyo, masarap diba?" Nakangiting sabi ni Val sa seafood pasta na niluto niya. Katabi niya si Max habang katabi ko naman si Wade. Sa tapat ko nakaupo si Max at kanina pa ako naiilang na katapat ko lang siya. Infairness din naman ay masarap talaga ang pagkakaluto ni Val pero alam kong kaya ko rin lutuin ang ganito at baka mas masarap pa. "Yeah, masarap!" Sabi ni Max na katabi niya. Napangiti naman si Val sa papuri sa kanya ni Max. Simpleng papuri lang naman yun galing kay Max pero kumirot na ng ganito ang puso ko. Siguro dahil hindi lang ako sanay na may iba siyang babaeng napapansin at parating sa akin lang siya nakatingin. "I know favorite mo 'to eh!" Nilagay ni Val ang dalawang hipon na nabalatan na sa plato ni Max. Nginitian naman siya ni Max. "Thank you!" Napangiting sabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD