HINDI na ako nagdalawang isip pa at kumilos na. Kanina pa nakabalik si Max at Val at hindi ko alam kung nasa penthouse ba siya ngayon o nasa office o baka magkasama pa rin sila. Baka nasa penthouse sila pareho. Sa naisip ko bigla akong nagmadali sa pagkilos. Mabilis akong nagpalit ng uniform at umakyat na sa penthouse. Kinakabahan ako habang nasa elevator, hindi ako pinansin ni Max kanina nung dumaan sila ni Valerie sa harap ko, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin kaya siguradong galit siya sa akin at baka ayaw na niya talaga akong makita. Paano ko pa siya haharapin kung galit siya sa akin at ayaw niya akong makita. Bigla na naman ako nag alangan kung tutuloy pa sa penthouse. Huminto ang elevator sa penthouse, nandito na ako kaya itutuloy ko na. Nag-doorbell ako pagdating sa pinto,

