Chapter 44

1279 Words

THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 44 Third-person’s Point Of View Kinabukasan ay maagang gumising si Luna. Naligo at nagpalit lang ito ng damit. Sumilip na muna siya sa labas upang tingnan kung may tao ba o wala. Nang wala naman siyang makita ay mabilis siyang lumabas ng kaniyang kuwarto. Halos takbuhin na niya ang hallway hanggang sa makarating siya sa tapas ng hagdan. Tumingin muna siya sa kaliwang banda niya at dumako ang tingin niya sa pintong kasalukuyan pa ring nakasarado. Napangiti siya dahil mukhang tulog pa rin ito. Alam kasi niyang kapag gising na ito’y nananatiling nakabukas ang pinto upang madaling makapasok ang mga kasambahay na maglilinis dito. Bumaba na rin siya ng tuluyan at sakto namang lumabas galing sa kusina si Jen. “Tara na, baka magising pa si Sir Khalil,” aniya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD