THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 45 Third-person’s Point Of View Kanina pa siya tumitingin sa braso kung saan nakasuot ang kaniyang relo upang tingnan ang oras. Ala-una pa lang ng hapon. Kanina pa siya hindi mapakali at hindi na makapaghintay na matapos ang kaniyang trabaho at makauwi. Tumingin din siya sa cell phone para alamin kung may natanggap ba siyang mensahe ngunit ni isa ay wala. “f**k! Hindi ba siya nagbabasa ng messages?” naiinis niyang sabi. “Pardon, Mr. Riveirre?” Napabalik siya sa reyalidad nang may magsalita. Tumingin siya rito at ang client na ka-meeting niya ang nagtatakang nakatingin din sa kaniya. Nahihiya siyang ngumiti. “Nothing, sir. Please proceed with your terms and conditions,” sagot niya. Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagpapaliwanag. Habang siya’y hindi

