THE BILLIONAIRE'S DOWNFALL CHAPTER 52 Luna's Point Of View Paglabas ko ng opisina ni Sir Khalil ay nakita ko naman kaagad si Sir Draven. Sumunod ako at saktong sumakay siya ng elevator nang makalapit ako. Tahimik kaming bumaba hanggang sa makarating kami ng lobby kung saan paglabas nami'y nakatingin sa amin ang iilang mga empleyadong nadadaanan namin. Hindi ko makita ng maayos ang kanilang mga mukha dahil hindi ako makatingin sa kanila nang maayos. Naiilang ako. Bakit ba sa tuwing nandito ako'y palagi na lang akong pinagtitinginan? "L-Luna?" Pareho kaming natigilan ni Sir Draven nang may tumawag sa akin. Tumingin ako rito at ang naka-unipormeng si Zinky ang nakatingin sa amin. "Ibang-iba na ang dating mo!" komento niya ng pasadahan niya ako ng tingin. Tumingin na muna ako kay Sir Dr

