THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 51 Luna’s Point Of View Lakad-takbo ang ginagawa ko mahabol lang si Jerome ngunit ang bilis yata ng biyas ng lalaking ‘yon at hindi ko na siya mahagilap. Kung bakit kasi nawala sa aking isipan ang naging usapan naming dalawa. Habang naglalakad ako’y palinga-linga rin ako sa paligid ngunit ni anino man lang nito ay ‘di ko makita. Dating tagpuan. Tama! Posible na nandoon si Jerome. Kaya mabilis akong naglakad. May kalayuan ang abandonadong gusali na ‘yon dito kaya pumara na lamang ako ng tricycle at sinabihan itong bilisan ang pagpapatakbo. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa lugar. Agad akong bumaba nang makabayad ako sa driver. Halos takbuhin ko ang masukal na daan hanggang sa makarating ako sa rooftop kung saan naabutan ko siyang nakatayo

