THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 47 Luna’s Point Of View Nagising ako kinabukasan na nakahiga na sa aking kama. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari kagabi, Panaka-naka akong nakatingin sa orasan ng cell phone ko. kanina nang matapos akong maligo at magpalit ay alas-sais pa lang, ngayo’y dalawa’t kalahating oras na ang nakalilipas at hindi pa rin nakakauwi si Sir Khalil. Gusto ko siyang tawagan ngunit hindi ko naman alam ang numero niya dahil sina Jen lang at ang mga kasambahay ang mayroon sa contact list ko. Tumingin ako sa langit. Malalim na ang gabi at tahimik na rin ang paligid. Nakakaramdam na rin ako ng lamig at antok. Pero tinitiis ko. Iniisip ko na lang na baka pauwi na rin ito at na-traffic lang sa daan. Tiningnan ko ang mga pagkain. Kanina ay mainit-init pa ito l

