THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 48 Third-person’s Point Of View “Wow! Mukhang pormadong-pormado ka yata ngayon, Romeo!” komento ng kapitbahay ni Jerome nang makalabas siya ng kanilang bahay. Napatingin ang iilang mga kapitbahay niya sa kaniya. Sino ba naman ang hindi mapapalingon. Nakasuot ito ng magarang kasuotan. Isang bagong-bagong pantaloon at asul na polo na nakabukas ang tatlong butones nito sa itaas. Mayroon din siyang suot na kwintas at maayos ang pagkakasuklay niya sa bagong gupit niyang buhok. Biniyayaan din siya ng magandang mukha at batak din ang katawan dahil sa dami ng kaniyang trabaho. Tall, dark, and handsome kung siya’y ilarawan ng mga kakilala. “Saan ang lakad? May date ka ba? Hulaan ko, si Buwan ‘to?” saad naman ng isa at umakbay pa sa kaniya. Tumawa lang si Jer

