YULIAN Hindi tumagal ng sampung hakbang ang aming paglalakad matapos naming akyatin ang mataas na pader na naghahati sa campus at sa magubat na likurang bahagi nito. Agad rin kasi naming natukoy ang kinaroroonan ng lugar kung nasaan ang kaawa-awang si Evan sa tulong ni Resty na pamilyar sa lugar na ito. Nauuna si Resty habang nasa likuran naman niya si Andres. Ako nama'y nasa likuran nila at sumusunod sa mga ito. When my phone vibrated, I stopped and immediately opened the message Donnie has sent me. Napangiti ako nang kaunti habang nakatigil pa rin. Nagbalik lang ako sa reyalidad matapos basahin ang message na iyon nang tawagin ako ni Andres. "What's the matter?" aktong babalikan pa sana ako nito sa aking kinaroroonan ngunit ako na mismo ang kumilos at humabol sa kanila. "Nothing,"

