Inabot ko ang isang pirasong puto cheese na luto ni Tita Emma saka kinagatan. Parang natutunaw lang sa bibig ko yung puto sa sobrang fluffy at creamy. Yung cheese pa! Yung cheese na hindi tinipid at halos ma cover na nun ang buong ibabaw ng puto. Nakaka busog na ang isang piraso dahil malalaki pero nakaka tatlo na ako.
Tuwing may luto talagang ganito si Tita, para kaming mga sisiw na nagtitipon rito sa kanila para kumain. Gustong gusto rin naman kasi nya kapag nauubos namin yung hinahanda nya sa amin. Kumpara nga sa timbang ko noong nasa dorm ako, mahahalata na sa katawan ko na nagka laman ako simula ng puro fresh homecooked meals ang kainin ko sa araw araw at hindi processed.
"May gagawin ba kayo sa sabado? Tara inom," ani Kuya Jule.
"Bakit? Nag away kayo ni Roan 'no?" ani Ate Yuli. "Hindi mo raw sya binigyan ng flowers nung monthsary nyo last week? Nag kwento sa akin. Nagtatampo."
Kuya scrunched his nose. "Paano ko bibilhan ng bulaklak yun eh allergic sya roon? Alangan naman bigyan ko sya tapos isugod ko rin sya sa hospital pagtapos?"
"Ay? Oo nga 'no?" sabi ni Ate na para bang ngayon lang nya na realize. "Anong ginawa mo?"
"Binilhan ko ng bulaklak na plastic."
Napuno ng halakhak ang dining table sa sinabing iyon ni Kuya. Thaw was so funny and at the same time, sweet!
"Funny ka ha!" ani Kia.
"Bakit tayo iinom? Wala ba kayong mga school works? tanong ko. Hindi naman sa pagkaka grade conscious pero baka may mga deadline sila dahil exam week na next week.
"Ito naman. Kung may isang bagay na gugustuhin kong malunod, sa alak lang hindi sa schoolworks," sabi ni Kuya Jule.
Honestly? Same.
"Yes! So, ano? Anong plano?" ani Kia.
"Sa Al Fine tayo? Ano?" ani Kuya.
"Al Fine? Saan yun? Ano yun?" tanong ko. I've never heard of that place before.
"Yung live music bar sa Pilar. Katabing barangay ng bayan lang. Dinadayo sila sa nga live band na mag pe- perform."
Na excite ako bigla nang malaman na live band ang pupuntahan namin! It's been a long time since I last went to a music bar. First year college pa lang ako nun sa Manila kasama sina Cami. I can't believe it!
I clapped my hand in excitement. "Tara!"
"Oh, tingnan mo 'to. Kaka tanong lang tungkol sa school works pero nung binanggit na music bar, tuwang tuwa sya," ani Kia.
"Sama natin yung iba para the more the merrier tayo," ani Ate at tumango kaming lahat.
Sana free ng gabing 'yan si Lukas.
I tied my hair in a low bun at hinayaan ang mga loose strands and put on my nude lipstick. Lumayo ako sa salamin para makita ang kabuuan ng suot ko. It is a white long sleeved ribbed bodysuit with scoop neckline tucked in a black jeans na pinartner-an ko ng black quilted fabric double flap shoulder bag at clear black mule heels.
Bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nun ang ulo ni Kia.
"Tama na masyadong pagpapaganda, baka mag mukhang trapo naman kami sa tabi mo. Have mercy on us naman," aniya.
Ngumisi ako saka isimukbit ang bag ko sa balikat ko't lumabas na kasama sya.
I hummed on my seat as we travel to Pilar. Katabi ko sa sasakyan si Ate Amelie na kaka daan lang namin sa kanya sa bahay nila. Kumpleto na kaming lahat. Buti na lang at college na si Miko kaya nakakasama na namin sya sa ganito.
Niyaya ko rin si Penny na sumama sa amin kaso kailangan raw sya ni Donna sa restaurant ngayong gabi dahil may mga employees from a company na nagpareserve sa kanila.
"Guys, hindi na natin kailangan pumila para sa ticket," ani Ate Amelie. She raised her hands saka iwinagayway ang parang pamaypay na mga ticket.
Nanlaki ang mga mata ni Ate Yuli't napa palakpak pa sa tuwa. "Huy! Ang dami nito! Saan galing 'to?"
"Sa kapatid ko. Tinanong nya ako kung saan raw ako papunta. Edi sabi ko sa Al Fine. Ayan, sya nagbigay sa akin," aniya.
Kapatid ni Ate Amelie? Ah! Yung sa 2nd floor ng bahay nila. Anong pangalan nun? Khalil?
"Huy sabihin mo kay Khalil salamat kamo. Buti na lang may ticket na tayo. Hindi na tayo mahihirapan na pumila. Sabado pa naman ngayon." Inabot ni Ate Amelie kay Ate Yuli yung mga ticket. Tingin ko sapat na iyon para sa amin. Baka sobra pa nga.
"Wala ba syang gig ngayon?" tanong ni Ate Roan na sumilip sa amin na nasa likuran dahil sya ang nasa shot gun seat.
Pag si Kuya Jule talaga ang driver, automatic na sa front seat si Ate Roan. It is her rightful throne. Kaya kahit may times na huli namin sunusundo si Ate, hinding hindi kami umuupo sa harap dahil paniguradong itutulak lang din kami ni Kuya palabas.
"Mukhang wala naman. Pag alis ko ng bahay naka pang tulog nga lang eh," sagot ni Ate saka sumandal sa upuan nya.
"Sayang hindi natin mapapanood si Khalil," sabi ni Ate Yuli na may hint ng panghihinayang.
Oo nga pala drummer yung kapatid ni Ate. Nag perform nga pala sila nung SPU Fair. I wondered kung bakit hindi ko sya nakikita sa campus at least once after the fair. Baka taga ibang school at nag perform lang talaga nung fair.
Pagdating sa Al Fine, sa labas pa lang may pila na para maka pasok. Halos kasunod rin namin na dumating si Kuya Jonas. May personnel sa labas na nagbebenta ng ticket at kumukuha ng ticket.
"Oh ticket nyo," ani Ate na isa isa kaming binibigyan.
Binasa ko ang naka sulat sa ticket. It serves as parang reservation sa table all night at may kasamang tatlong bote ng beer. Puwede na rin.
Pumila kaming lahat. Habang hinihintay ang turn namin, nag tipa ako ng text para kay Lukas.
Helena Ysabel:
Hey. Anong oras ka makaka punta?
Shortly after that text that I sent him, he replied.
Lukas Orion:
Hindi ko pa sure, Hayabear eh. Pero promise pupuntahan kita.
Helena Ysabel:
Okay. Pero kung pagod ka na, okay lang naman kung hindi. Magpahinga ka na lang, marami pa namang next time. Okay?
Lukas Orion:
Basta,pupunta ako kahit anong mangyari. See you!
Si Lukas lang ang wala pa rito. He has something to do with his acads and it's fine. Natutuwa ako na inuuna nya yung mas mahahalagang priorities nya. Of course, it's okay to have fun but after na pag tapos na.
"Maam ticket po," ani Kuya na staff ng bar.
"Ito po." Inabot ko sa kanya yung ticket ko saka inilagay ulit sa bag ko yung phone ko.
"Kamay po, maam." I stick out my arms saka tinatakan naman nya iyon. Kia's waiting for me sa pagpasok kaya sinabayan ko na rin sya.
Malawak ang kabuuan ng Al Fine. Sa harap ay ang mini stage kung nasaan ang mga music instruments. Sa gitna ang mga round tables at chairs na kasya ang small group while sa gilid ang mga mahahabang table na kasya ng isang batallion tulad namin. Puro mga spotlight at mga stage lightings ang nagbibigay ng ilaw at kulay sa buong bar.
Yung first band na nag pe- perform, they're just singing acoustic songs to set the mood. Tinanong ni Kia kung ilang banda ang magpe- perform tonight at tatlo raw sabi ng waiter pero hindi pinangalanan kung anong banda.
Dahil isang malaking grupo kami, a staff guided us sa table na kasya ang sampu.
Pagka upo pa lang, hindi na nagpa awat ang mga kasama ko na u-morder ng pulutan ang inumin.
"Anong gusto nyong pulutan? Pumili na kayo. Haya, ikaw?" ani Ate Roan. Inabot nya sa akin yung menu pero hindi ko na inabot iyon dahil isa lang naman ang favorite kong pulutan ever since.
"May sisig po? Pork sisig?" tanong ko sa waiter.
"Meron na, Haya. Inorder na ni Ame . Ano pa?" Ibinaba na sya sa lamesa yung menu nang makitang hindi ko na kukunin iyon.
"Calamares po?"
"Mayroon po maam," aniya.
Tumango ako. "Yun na, kuya. Salamat."
Maya- maya pa, nagdatingan na yung mga drinks na inorder nila. Iba pa yung tig ta- tatlong bote na kasama sa ticket. Seriously? Gusto ba talaga nilang lunurin ang mga atay namin? Makaka uuwi pa kaya kami nito mamaya? Isa pa. Yung mga pulutan. Pulutan pa ba 'to o ulam na? Umorder lang kami ng kanin makaka kain na kaming lahat. Baka nga may tira pa para sa pulutan.
Pinag bu- buksan na ng mga guys ang mga bote sa bucket. Kumuha ako ng baso saka nag salin ng beer bago lagyan ng ice cubes kahit malamig naman na ito. I like my beer really cold. That way, it wouldn't taste bitter on my mouth.
"Haya, ang bilis mong uminom ah? Hinay hinay lang. Halos kakarating lang natin," ani Kuya Jonas while poinnting at the two empty bottles of beer. "Okay ka pa?"
Tumango ako kay Kuya saka nag thumbs up. I swirled the glass in my hands. The sound of the ice crashing againts each other while bumping into the glass is so satisfying. It makes me wanna drink more. Idagdag pa ang acoustic performance ng banda sa harap.
I missed this vibe.
"Alam nyo ba 'yan si Julius? Napaka competetive din nyan! Isang beses nasa date kami. Nag dare kami na kung sinong male- late sa aming dalawa, sasayaw sa gitna ng mall. Usapan namin maaga. Aba naman, nag text sa akin alas nuebe ng umaga. Kakagising ko lang. Nandoon na daw sya sa mall. Nag send pa ng picture na sarado pa yung entrance! Nakaka loka!" kuwento ni Ate Roan.
Naggkakatuwaan na ang lahat at nagkaka kwentuhan na ng mga kahiya hiyang nangyari sa buhay nila. I bet hindi nila gagawin 'yan kung walang alak na kasama.
Tawa kami ng tawa sa kinwento ni Ate. Si Ate Yuli pinaghahampas pa si Kuya Jule sa balikat.
"Alam mo Ate kung bakit ayaw nyan nag maaga yan si Kuya kahit na tamad yan bumangon ng maaga?" ani Kia na ready na ilaglag ang kuya nya na mukhang kahit hindi namin tanungin ay sasabihin pa rin nya.
"Bakit?" tanong ni Ate Roan. Natatawa na kaming magpi-pinsan kasi alam na agad namin kung bakit.
"Kasi parehas kaliwa paa nyan ni Kuya! Alam nyang mapapahiya sya pag natalo sya. Mag mu- mukha s'yang clown roon."
Nakangiti kong binaba ako ang baso ko sa lamesa at binuksan ang bag ko na nasa lap ko para bunutin ang cellphone ko. Baka kasi nag text na sya na on the way na sya. Gusto ko sana syang salubungin. But when I opened my phone, wala. Ang lockscreen ko na kuha nung nasa tower kami at ang oras na 10:17 PM lang ang bumungad sa akin. Muli kong inabot ang baso ko saka tinungga ang natirang alak.
It tastes bitter.
Tumayo ako sa upuan ko saka tinapik si Kia sa balikat. Agad naman syang nag angat ng tingin. "Oh?"
"CR." Iyon lang sinabi ko pero na gets kaagad ni Kia saka tumango.
Bago ako maka hakbang, hinawakan nya ang wrist ko.
"Si Lukas nasaan na?" tanong nya.
"Wala pa pero susunod raw sya," sagot ko.
I checked my phone once again before I go. 11: 23 P.M. and no texts from Lukas.
May mga sign naman around kaya hindi mahirap na hanapin yung comfort room. Diretso pa naman ang lakad ko't hindi pa nanlalabo ang mga paningin ko. I opened one of the cubicles and then peed. I feel lighter now na nailabas ko na ang mga fluid.
Maghihilamos sana ako kaso naalala kong naka make up nga pala ako. Light lang naman but still, ayaw ko naman na kumalat ang mascara ko sa mukha ko kaya kamay ko na lang ang hinugasan ko.
Medyo namumula na rin ako dahil sa alcohol but manageable pa. I think I can handle more drinks.
Sa gilid sa labas ng CR may isang pinto na medyo naka bukas. Umabot sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin na nanggagagling sa maliit na bukas. Pwede naman sigurong lumabas dito?
Magpapahangin lang ako sandali tapos babalik na. Medyo na su- suffocate na rin ako sa loob sa dami ng tao. Hindi dahil sa ventilation but because of there's just a lot going on inside.
I pushed the black eavy door at sumalubong sa akin ang mas malamig na simoy ng hangin. Binalik ko sya sa kung paano sya kanina para hindi naman obvious na may lumabas.
Nang umikot na ang katawan ko para humarap sa open area, natigil ako nang may pares na mata ang naka tingin sa akin.
Gulat akong nanlaki ng mata ng makilala ko ang bleached hair na iyon.
It's Khalil. Ate Amelie's brother.