Pagkatapos ng mga laro, pinapila na namin ang mga bata para maka kain na sila. Para sa pagkain ni Luke, si Lukas ang pina pila ko. Naka styrofoam naman na yung para sa mga bata na pagkain kaya kukunin na lang, hindi na magsasandok pa. Priority na maka kain agad ang mga bata at saka na raw kaming mga elders. Unlike us, hindi kayang i control ng mga bata ang gutom nila't mag ta- tantrums talaga sila. Isa pa, para sa kanila itong araw na to.
Nang bumalik si Lukas, may dala syang paper plate at ang laman ay macaroni spaghetti at hotdog on sticks. Siguro'y nag sandok na lang si Lukas dahil hindi rin naman mauubos ni Luke yung isang buong styrofoam ng pagkain, Inilipat nya ang monoblock chair sa harapan namin ni Luke para mapakain yung bata habang hawak ko sya.
"Mimi! Mimi!" sabi ni Luke. Lumingon ako kay sa paligid kung sinong Mimi ang tinatawag nya.
"Bakit? Sino si Mimi?" tanong ni Lukas. Nagyon ko lang syang narinig na mag baby talk and it's honesty so cute!
Na gets ko na kung anong tinutukoy nya nang ituro nya yung plato na hawak ni Lukas.
"Nagugutom na si Luke. Mimi means pagkain," sabi ko sa kanya.
"Lukie boy, harap ka kay Kuya para mag mimi na ikaw." Agad naman syang umupo para bigyan ng isang pirasong macaroni. Syempre hindi naman mangunguya ni Lukas kung isang kutsara iyon.
Sa mga lamesa na sinet up namin kanina, roon naka patong ang pagkain ng mga bata. Inaalalayan sila ng mga volunteer na kumain. To maintain the mood and the vibe, they are playing children's song on the speakers. It's cute to see them holding spoon and fork while dancing to baby shark in their seats by rocking their body.
"Luke say 'ah'," ani ni Lukas. Ibinuka ni Luke ang bibig nya. "Here comes the airplane, say 'ah'." Pina ikot ikot ni Lukas ang spoon bago i deretso sa bibig ni Luke.
"Ay. Ano 'to? Family kayo?" kumento ni Penny na lumapit sa amin at may bitbit rin na monoblock chair saka tumabi sa akin.
"Family ka d'yan." Hinugot ko yung inipit kong tissue sa back pocket ko saka inabot sa kanya. "Oh. Punasan mo yung pawis mo."
"Ang sakit na ng katawan ko ha. Kailangan kong kumain ng marami mamaya," aniya habang nag p- pout.
"Sige. Sasabihin kong ipag tabi ka ng mga 5 servings," ani Lukas kay Penny.
"Go. Sa 'yo ko ipapakain yung apat na sevings. Maglalakad ka kapag di mo naubos," pag patol naman ni Penny kay Lukas.
I just watched them bicker at each other nang may ngiti sa labi.
"Nag chat si Gi kanina. Nag quiz raw sila," I informed her.
Mula sa pagkaka dekwatro, napa ayos sya ng upo't mukhang nataranta. "Ha? Paano daw 'yan eh nandito tayo? Hindi na nga mataas yung nakuha ko last quiz tapos na miss ko pa 'to. Ano na lang grades ko nyan talaga."
"May excuse slip tayo diba? I take na lang daw natin bukas after class."
Penny looked really relieved nang sabihin ko iyon.
We stayed on our seat kahit na tapos na ang kainan. Busog na si Luke na halos maubos rin nya yung pagkain na kinuha ni Lukas para sa kanya. Hawak ko lang si Luke at si Lukas ang kumikilos para asikasuhin kami.
"Haya, iwan ko muna ulit kayo ni Luke," aniya.
"Go lang. Gawin mo muna yung mga gagawin mo. Okay lang kami rito ni Luke," sagot ko sa kanya. Tumayo sya sa upuan nya.
"Alam nyo, para kayong magulang ni Luke. Chill ka lang kasi Lukas. Hindi naman 'to mawawala rito."
Akala ko magbabangayan ulit sila pero niilukutan lang ng mukha ni Lukas si Penny saka tumakbo papunta sa gawi kung nasaan yung mga kasama nya.
Luke moved in my lap na para bang nag t- try na bumaba kaya hinayaan ko sya't tumayo rin ako para sundan kung saan sya pupunta.
"Luke, saan ka pupunta baby boy?" tawag ko sa kanya but he just giggled at me. Nag lakad lakad sya sa't sinundan ko sya.
He's at the age na he has to wastle his energy para mamaya mahimbing ang magiging tulog nya.Nang maka kita sya ng isang blue na lobo, dinampot nya yun.
"Luke what is that? It's a baloon. Say, baloon."
"Baba," aniya in a tiny voice.
"Yes baby, baloon."
Hay, ang cute!
Hinayaan ko lang sya. He's really a happy kid. Binabati sya ng mga ate't kuya nya at he's smiling at them.
Na sense ko na pagod na sya nang bumagal na ang lakad nya't binitawan na nya yung lobo na hawak nya. Nung inikot na nya ang katawan nya papunta sa direksyon ko, sinalubong ko na agad sya ng yakap saka binuhat.
"Sleep ka na? Antok na ikaw?" Hinawahan ko yung ulo nya para isandal sa balikat ko. "Sige na, sleep na ikaw."
Naglakad ako pabalik sa upuan namin at nandun pa rin si Penny na ngayon ay pinapanood ang performance nung tourism student. I forgot her name.
"Pen," tawag ko sa kanya saka tumalikod para ipakita si Luke. "Tulog na?"
"Hindi pa pero pa- pikit pikit na." Ibimalik din nya agad ang atensyon nya sa nag pe- perform.
Yung tourism student ba talaga binibigyan ng atensyon nito o inaantay nyang lumabas si Aki na magpeperform pero kanina pa namin hindi nakikita.
"Maglalakad lakad muna ako para maka tulog 'to," sabi ko kay Pen.
Habang naglalakad, natutuwa ako sa nakikita ko na naka halo si Lukas roon sa mga bata. I can see na kilala na nila sya't kumportable na sila sa kanya.
Palakad lakad lang ako papunta't parito habang pinapakiramdaman ko si Luke kung tulog na ba. Nalaman kong tulog na nang he's letting out little snores. Mahimbing na ang tulog nya.
"Ay naku! Tulog na si Luke," ani Sister Ada't napa palakpak pa nang makitang buhat ko na yung bata.
"Sister," bati ko.
"Ako na ang bubuhat rito kay Luke, hija. Akin na't dadalhin kona sya sa taas, " aniya.
"Ayos lang po bang ako na yung mag bukat sa kanya? Baka po mapagod kayo eh."
Mukha rin kasing may edad na si sister. Probably older than my parents. Kung bubuhatin nya pa si Luke sa 2nd floor o kung saang floor natutulog si Luke, mahihirapan sya.
"Talaga? Halika't sasamahan kita sa pahingahan nya."
Sister Ada led the way. Pagpasok sa may hallway, kumaliwa kami para maka akyat sa west wing.
"Sa second foor lang naman ang kwarto nila. Lahat ng mga 1 to 3 years old ay magkakasama roon," inporma ni Sister.
Ah. So, naka categorized by age yung rooming. Sabagay, mas madali iyon dahil halos iisa lang naman amg kailangan ng mga toddlers.
Hindi lang toddlers ang pinaka bata dahil may ilan akong sanggol talaga na krnga ng mga madre kanina.
"Sister, kailan po nag umpisa itong Home for Angels?" tanong ko.
Nakarating na kami sa taas at binuksan ni Sister ang isang pinto kung saan bumungad ang mga crib sa buong kwarto. May mga pangalan ang mga crib ng kung sinong humihiga roon.
"Matagal tagal na rin, hija.15 years ago. Marami ng batang nabigyan ng tahanan ang lugar na ito. Iniwan, pinabayaan, o wala na talaga silang mga magulang o pamilyang mauuwian at nag iisa. Pero sa lugar na 'to nagiging isang buong pamilya kami. Hindi man katulad ng sa mga konbensyunal na pamilya pero iisang dahilan lang rin naman kung bakit ganito kami ka lapit sa isa't isa. Dahil sa pagmamahal."
Dahan dahan kong inilapag si Luke sa pang walong crib. Luke Evan Diaz. Iyon ang whole name ni Baby Luke. 2 years old.
"Hanga po ako sa inyo Sister sa pagmamahal nyo sa mga bata. Binibigyan nyo po sila ng bagong pag asa na may magbibigay sa kanila ng pagmamahal at pag a- aruga na kailangan at deserve nila."
"Oo naman hija. Mahaba pa ang buhay nitong mga batang ito. Hindi dapat roon iyon matatapos sa pag iwan sa kanila," ngiting sabi ni sister.
Hinawakan ko yung papel na naka sulat ang pangalan ni Luke.
"Paano po na punta rito si Luke?" tanong ko.
Saglit na napa isip si Sister na para bang nire- recall nya yung memorya nya.
"Ang naaalala ko, may isang babae na halos nasa edad mo ngayon ang pumunta rito dala ang isang sanggol. Itong si Luke. Naki usap sya kay Sister Grace na kunin itong bata. Halos lumuhod sya nun. Hindi nya raw kang buhayin kaya iiwan lang raw nya ang bata rito para mag hanap ng trabaho pero hindi na bumalik," aniya.
"Hindi po ba mas okay po na dinala nya rito si Luke kesa pabayaan yung bata sa kalsada o iwan kahit saan? Hindi tama pero hindi ko rin po masasabing masama syang ina."
Dahan dahang tumango si Sister. "Marahil para sa kanya noon, iyon ang pinaka tamang gawin. Ang importante ngayo'y narito si Lukas sa amin. Kami ang pamilya nya ngayong narito sya sa amin," ani Sister.
"Ikaw pala ang nobya ni Lukas," aniya. Hindi iyon tanong kundi isang statement.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Sister ada kaya't ngumiti na lang ako sa kanya.
"Ma- swerte ka hija. Napaka bait na bata ni Lukas," sabi nya sa akin saka lumabas sa pintuan na kalahati lang ang bukas.
Hindi pa ako umalis. Pinagmasdan ko pa ng sandali si Lukas at marahang tinapik tapik ang binti nya para mahimbing syang maka tulog.
Kids in this shelter like Luke is so lucky to have these people in their lives. Pinagkaitan man sila ng pamilyang kadugo pero natagpuan sila ng mga taong hindi man iisa ng dugo ang dumadaloy sa kanila, pagmamahal naman ang dumadaloy sa bawat isa sa kanila.
Nang masigurado kong mahimbing na ang tulog nya't lumabas na ako para mag tawag ng magbabantay kay Luke. Bukod kasi sa mga sister, may mga social workers rin na katuwang nila sa pag aalaga ng mga bata. Hindi naman kasi kakayanin ng mga madre lalo't ang karamihan sa kanila'y may mga edad na ang mag alaga ng kulang- kulang isang daang bata.
Sa gilid na pader ng pinto, nakita ko na naroon si Lukas na naka sandal at naka pasok sa bulsa nya ang mga kamay nya.
"Lukas," tawag ko saka umayos sya ng tayo. "Kanina ka pa dito?"
"Medyo? Sinundan ko kayo ni Sister."
Kung sinundan nya kami ni Sister, malamang ay narinig nya ang pinag usapan namin ni Sister. Bukod sa ingay sa labas, wala ng maririnig pang ibang ingay kaya sobrang tahimik sa hallway na iyon. Bukod pa, nag e- echo ang mga boses namin.
"Bakit hindi ka pumasok?" tanong ko.
Umiling sya. "Wala lang. Tara na sa baba, patapos na yung program."
Mukhang pagod na rin si Lukas. Medyo hindi na sya umiimik at mukhang mababa na yung energy nya dahil hindi na sya nag liligalig.
"Teka lang. Mag tatawag muna ako ng magbabantay kay Luke," ani ko.
Sakto naman na pagkasabi ko nun, may isang ale na naglalakad sa hallway. Naka tshirt sya ng logo ng ng HoA. Hindi naman sya sobrang tanda. Siguro'y mga ka edaran lang ni Mama.
Sinalubong ko sya. She stopped in front of me but her eyes are fixated on Lukas. Nagniningning iyon na para bang fascinated syang makita si Lukas. Napa ngiti ako. Naks naman! May na budol na naman sa ka pogian nya si Lukas. Nag angat ako ng tingin kay Lukas and saw how his eyebrows are crossing. Hindi dahil sa na a- awkward sya or what but it's like he's trying to remember something because his lips are also potruding.
"Uhm excuse me po," tawag ko kay manang na hindi inaalisan ng tingin si Lukas.
Pa syang nag snap back sa reality saka binigyan ako ng pansin. "A- ah. Ano yun?"
"Hello po! Ah, okay lang po ba kung maiwan ko na sa inyo si Baby Luke? Kakatulog lang po nya. Kailangan na rin po kasi namin na bumaba."
"Oo! Oo naman hija. Ako na ang bahala kay Luke," aniya't sinusulyapan si Lukas.
"Salamat po!"
Hinawakan ko sa braso si Lukas saka hinila na paalis roon. Naka sulyap pa rin sya roon kay manang at ganun din si manang sa kanya.
Then I noticed na when I looked at her, her eyes reminds me of Lukas' eyes. Parehas sila ng hugis at ng kulay.