"Ito yung surprise ko?" laglag panga kong halos sigaw sa kanya.
So, surprise talaga nya na nandito sya? Kaya pala hinahalakhakan lang ako kahapon!
"Yes! Nadali mo!" pilyong turan nya.
Naka tulala lang ako habang naka takip sa bibig ko ang kamay ko habang sya'y natatawa lang sa akin. Nang maka bawi ako'y hinampas ko ang balikat nya.
"Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dahil akala ko'y walang higher levels ang kasama sa mga nag volunteer but here's Lukas.
Tinuro nya yung tshirt na suot nya na kaparehas sa aming volunteers saka tumalikod para ipakita ang naka imprenta roon.
'Coordinator'
"I miss you, Hayabear."
Napa labi lang ako saka inirapan sya. Syempre, na miss ko rin naman sya.
"Ito yung inaasikaso ko kahapon nung tumawag ako sa 'yo. Pino- polish namin lahat para walang maging aberya ngayong araw," aniya.
Tumaas na naman ang pag hanga ko kay Lukas. Hindi ko alam na actively involved rin sya sa mga ganitong events. Although alam ko naman na mahilig sya sa mga bata pero not to this certain extent.
"I didn't know you're doing this. Kailan pa?" tanong ko.
"Matagal na rin. Three years ago? After yung kay Davina, I had to look for things to do to stop from losing myself. Sakto, they needed a volunteer tulad mo. I started like you. I got so attached to them that I do this every year after that."
Sa gitna ng pag hanga ko sa kanya, bigla tuloy akong kinabahan at nag duda. Kung may cconnection sya internally, does this mean...
I tilted my head and squinted my eyes on him. "Talaga bang napili ako sa bunutan?" nagdududa kong sinabi sa kanya. Naka abang na rin si Penny na nasa gilid ko sa sagot ni Lukas.
Ang pilyong ngiti ni Lukas ay naging halakhak. Doon pa lang ay nakumpirma ko na. Nilapitan ko sya't piinaghahampas paulit ulit. Kaya pala! Imposibleng dalawa talaga kami ni Penny ang napili. That's too much for a coincidence!
"Si Penny lang talaga yung nabunot namin, hindi ka kasama. But syempre, package kayo ni Penny kaya I pulled some strings para pangalan mo yung masama," aniya. Nag angat ng kamay si Penny at Lukas. They hi- fived in front of me.
"Tama ang ginawa mo Lukas. Nice one!" ani Penny.
"Sayang kasi kung iku- kwento ko lang sa 'yo yung mga mangyayari. I know you love to be around children too," dagdag nya sa tono kung paano ko ibinalita sa kanya kahapon.
"Nasaan ba ang head coordinator nito? Magsusumbong ako na rigged yung bunutan nyo," biro ko.
Pero syempre, deep inside, nakakatuwa na in- include nya yung pangalan ko. Kailan ba ako magkakaroon ng chance na makapag volunteer sa mga ganito if it's not this time?
"Kilos kilos na tayo! Mag ayos na ng upuan," rinig naming tatlo na sabi ng isang student na naka tayo di kalayuan sa amin.
Nagtawanan kami saka tumulong na rin sa pag aayos ng mga lamesa't upuan. Pag nahilera na namin iyon, lalagyan pa namin iyon ng red gingham fabric na sapin saka mag pu- pump ng balloons.
Ani Lukas, hindi pa raw ilalabas ang mga bata unless maguumpisa na ang program to avoid na magulo ang preparation saka rin para may element of surprise para sa kanila.
Ang mga sisters ang nag aasikaso sa kanila sa 2nd floor ngayon kung nasaan ang mga kwarto nila.
Napalingon ako sa gawi ni Lukas nang mahina nya akong tapikin sa braso. Tinaas ko ang dalawa kong kilay sa kanya.
"Doon muna ako sa loob. Asikasuhin ko lang yung pag dating ng mga sponsors," aniya.
Tumango ako saka lumakad na sya palayo.
"Oh. Ikaw naman. Nangangawit na yung braso ko kaka pump," ani Penny saka inabot sa akin ang mga natirang lobo at ang pump.
Ikakalat kasi itong mga lobo mamaya para dagdag decoration sa may make up stage sa harap at sa paligid. Totoo talagang mukhang children's party ito minus the celebrant. I bet hindi nila nararanasan ang ganitong party tuwing birthday nila. Children can think na ngayon ang birthday nila at sabay sabay naming ice- celebrate iyon.
Sana may pa ganito every year rito't parang gusto ko na agad bumalik.
"Nakakangawit pala 'to!" sabi ko kay Penny. Pitong lobo pa lang ang napa- pump ko pero parang naubos ko na lahat ng energy ko.
"Ay, ate, ako na po dyan." Lumapit ang isang lalaking halatang freshman nang marinig yung reklamo ko.
"Hala hind-" sabi ko sana pero pinutol nanaman ako ni Penny gamit ang malakas na boses nya para matabunan kung anuman ang sinasabi ko.
"Talaga? Naku! Salamat! Salamat!" aniya saka dinampot yung natitirang lobo saka pump and shoved it at the guy's hands.
Tumango lang yung freshman saka umalis dala dala iyon.
"Ito hihindi pa eh! May energy ka pa ba para mag pump?" aniya saka umiling ako.
"Maghanap na lang tayo ng ibang gagawin, " ani ko.
Tumayo kami ni Penny pero wala ng masyadong gagawin. Tinatapos na lang lahat. Sa dami ba naman namin, mabilis na nagawa ng lahat ng gawain. Pinapasok na lang nila yung mga pagkain na pwedeng magpakain ng isang buong baranggay sa dami ng klase ng putahe.
Medyo natakam tuloy ako sa amoy na bagong luto't umusok pa na mga pagkain.
"Palalabasin na ang mga bata kaya mag ready na tayo ha," ani Kuya Renz.
Tumayo kami sa gilid para salubungin ang mga bata pagkatapos maka pasok ng mga sponsors.
"Mga businessman yan na noon pang sumusuporta sa House of Angels," bulong ni Lukas na tinabihan ulit ako.
Maya maya pa nakarinig na kami ng mga ingay sa hallway. Samu't saring mga tili at mga hiyaw ng mga bata ang nariring namin. Tunog excited ang mga iyon. Ilang segundo lang, nagsitakbuhan na ang mga bata papunta sa amin.
Karamihan sa kanila'y mga bata pero may iilan sa kanila ang mga teens na. Halatang naaalagaan sila ng mabuti kasi they look really vibrant and healthy. Ang saya saya rin nilang tingnan!
"Let's clap our hands for the Angels of this House!" ani Kuya Renz sa mikropono na nag i- emcee.
Nagkatinginan kami ni Lukas sa umangat parehas ang mga labi namin saka pumalakpak at bumaling sa mga bata.
Pakiramdam ko na boost ang serotonin ko with their smiles and little giggles.
Nagulat ako nang may isang bata, mga dalawang taon lang ang edad na baby boy ang kumapit sa binti ko. Nag baba ako ng tingin sa kanya ng naka ngiti at halos matunaw ang puso ko nang makita kong naka angat na ang tingin nya sa akin at kita ang kulang kulang nyang ngipin.
Napaka cute!
"Naku kang bata ka! Halika rito!" sabi ni Sister na parang hinahabol pa yung bata.
Tinanggal ko sa pagkakahawak ng kamay nya sa binti ko saka umupo para eye level lang kami then I pinched his cheecks.
"Hi baby boy!" bati ko sa kanya and he just let out a small giggle. Tumayo ako't hinawakan ang maliit nyang mga kamay na bumalot sa hintu-turo ko.
"Naku pasensya na't biglang kinapitan ka nito," ani Sister na nakangiti sa amin.
"Ayos lang po Sister. Ano pong pangalan niya?" tanong ko.
"Si Luke. 2 years old. Isang taon na sya rito sa amin." Tumango ako't lumingon kay Lukas na mapupunit na ang labi sa kaka ngiti nang malamang katunog ng pangalan nya ang pangalan ni baby boy.
This baby's name is Luke and the baby damulag's name beside me is Lukas.
Hay. They're both really cute.
"Sister Ada!" tawag ng isa pang Sister sa di kalayuan kay Sister Ada na nasa harap namin.
Sister glance at Luke.
"Sige na po, Sister. Ako na po munang bahala kay Luke," ani ko.
Iyon naman talaga ang pinunta namin rito, ang asikasuhin ang mga bata.
"Salamat, hija."
Nang maka layo si Sister binuhat ko si Luke pero medyo mabigat na sya. Napansin ni Lukas kaya he motioned na kukunin nya si Luke sa akin.
"Wala ka na bang aasikasuhin?" I asked him. Baka kasi mamaya kaka sama nya rito sa akin, maiwan nya ang mga gagawin nya dapat pero umiling lang sya.
"Wala naman na. Sila na raw bahala sa iba. Kaninang ala- sais pa ako rito eh."
Tumango ako't hinayaan si Lukas na kargahin si Luke. Compared kay Lily na malaki na, mas mukhang papasang tatay ni Luke si Lukas.
Tuwang tuwa si Luke sa kanya dahil pinag tutusok at nilalamukos ng bata ang mukha ni Lukas. Ang ginawa naman ng isa'y hinuhuli ang kamay ni Luke gamit ang bibig ko.
"Upo muna tayo doon," aya ko sa kanya.
Kumuha ako ng dalawang extra monoblock chair saka inilagay sa may likuran banda para roon kami pumwesto.
"Ikaw naman," ani Lukas saka pinasa sa lap ko si Luke.
Tingnan mo lang 'to.
Hinawakan ko sa kamay si Luke dahil nag u- umpisa na yung program at nag speech na sa harap yung isang sponsor, si Sir Victor, business man sya't he's been supporting the foundation for the last ten years. He supports these kids dahil may anak sila asawa nyang si Ms. Josie kaso nasa heaven na. They promise to give donations and sponsorship in the name of their little angel Calix.
I held little Luke's hands at iyon ang pinalakpak. Unlike kay Lukas kanina na naglilikot sya, behave lang syang naka upo sa lap ko't nag gi- giggle and I love it when he giggles.
Iginala ko ang paningin ko't hinanap si Penny. Naroon sya sa kabilang banda. May hawak ng prizes for the games imbis na mag hawak ng bata. Okay na yun. Wala rin namang pasensya si Penny sa mga bata.
"Okay mga bata mag stand up tayo," anunsyo ni Kuya Renz. "Ang hindi mag stand up walang ice cream mamaya. Maglalaro tayo ha? Sinong may alam ng bring me taas kamay!" all of the kids raised their arms so I raised Luke's too.
In an instant, nagsitayuan ang mga bata't nagpapalakpakan dahil they're having and doing two of their favorite things. Playing and ice cream.
"Okay, bring me... Bring me a rosary!" Alam ng mga bata kung saan sila kukuha ng rosaryo dahil nagtumpukan sila kila sister para maka hiram ng rosaryo. In the end, si Nyle ang nanalo dahil sya ang unang naka bigay. He won a toy car.
"Next, bring me a poging kuya!"
Bigla ba namang kinuha ni Lukas si Luke sa akin at binuhat para dalhin sa harap. Nauna sya dahil hindi pa alam ng mga bata kung sino ang hihilahin, naka takbo na sya sa harap.
Halos hapuin kaming lahat sa kakatawa sa ginawa ni Lukas. Hindi na namin kailangan ng clown dahil kay Lukas pa lang tawang tawa na kaming lahat.
Hindi na nya kailangan ng magtutulak o hihila sa kanya dahil sya na mismoang nag dala sa sarili nya.
"Oh Lukas! Oh!" natataawa ring sabi ni Kuya Renz. "Ang hinihing ko ay poging kuya. Bakit ka nandito?" biro nya.
"Pogi naman ako sabi nila eh," confident na sabi nya.
"Sabi nino? Sinong nagsabi?"
Lukas pointed his finger at my direction at nanlaki ang mata ko. "Si Haya."
Imbis na halakhak, napuno ng 'yiee' ang paligid. Tinakpan ko ang bibig ko dahil ang atensyon ng lahat ay nasa akin na. Ang Lukas naman proud na proud pa ang mukha't hindi man lang nahiya sa mga tao.
Makukurot ko talaga 'to si Lukas mamaya.
"Naks! Iba talaga pag in love, ano? Anyway, nanalo kayo ni baby boy ng toy gun!"
Hawak ang toy gun na napanalunan nila. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon na iyon na kurutin sya.
"Bakit? Pogi naman talaga ako sabi mo ah!"
"Pasalamat ka nanalo ng toy gun si Luke," ani ko.
Natawa na lang din ako sa kakulitan ni Lukas. Hindi pa nya binibigay si Luke sa akin dahil binuksan na nya ang prize nila. Mukhang mas excited pa syang laruin yun kaysa kay Lukas.
Inilabas ko ang phone ko and took some snaps of them.
The game went on. Tuwang tuwa naman ang mga bata at nag enjoy sa mga palaro na ihinanda para sa kanila.
Ang sarap bumalik sa pagkabata.