"Tomorrow, we are going to volunteer sa St. Pio's Home for Angels. Make sure you are wearing the shirt that we're gonna provide you. You don't need to bring food. Just make sure na you students are in your best condition bukas because handling kids will be tough and will be very tasking." ani Miss Kristen.
Ten students per course of different level ang napili to volunteer via draw raw. Hindi pinakita sa amin kung paano nag bunutan at result na lang ang sinabi. Of all people in our class, isa ako at si Penny sa sampung napili. Kaming sampu'y nahati sa dalawa. They gave us choice kung saan naming gustong mag volunteer. Sa Home for Angels na bagong tahanan ng mga rescued, abandoned, and orphan na mga sanggol at bata o sa Home for Elderly na sumusuporta at nag aalaga sa mga elder people na wala ng mauuwian na pamilya.
Of course, I chose Home for Angels. I believe na my love for babies and children will be somewhat advantageous for our task saka mas gusto ko na nag e- enjoy ako all while helping them.
It's just so beautiful kasi they're all alone but they found a new home with others that are dealing the same thing with them. Napaka sarap sa pakiramdam na makita na there are people who really cares for them.
Nasa Assembly Room kami ngayon kung saan kami tinipon para i- discuss and i- brief kami sa mga dapat naming gawin. Napansin ko lang rin na 3rd years like us yung mga pinaka older rito. Halos wala akong makitang fourth year and fifth year na volunteer. Sabagay, sobrang busy na ng mga iyon.
"First, when we get there magkakaroon tayo ng program. We will host a party for the kids. Para tayong nagpa birthday party but walang celebrants. We will make them play games. During that game, you'll be assisting the kids. They like to goof around kaya kailangan ng patnubay ninyo to make sure na walang masasaktan sa kanila. After, Miss Beverly Villa of BSTM will be singing a song for them and the SPU Dance Troup will be performing a dance for them."
Nang mabanggit ang SPUDT agad akong napalingon sa katabi kong si Penny na inaantok na't nabuhay ang kaluluwa nang mabanggit ang dance troup. Isa lang ang ibig sabihin nun, Akihiro will be there too.
Lalayag na naman ang lovelife ng kaibigan ko.
Inirapan nya ako nang mahagip ng mata nya ang pilyong pag ngiti ko sa kanya.
"Humarap ka nga roon! Ako na naman aasarin mo eh," mataray na sabi nya.
Okay. Kunyari hindi ko nakita ang pag pula ng pisngi nya.
The organizers gave us the rest of the thigs that we need to know for tomorrow's event. Yung pag volunteer raw namin will be counted as attendance so Penny and I won't have to worry about having one absent sa Taxation.
After ng dismiss namin, dumiretso kami ni Pen sa may student's lounge dahil roon daw nila ipamimigay yung tshirt. Pagdating namin, may pumila kami pero hindi naman ganon ka haba. May ifi- fillup pa kasing parang form para yun ang ibibigay sa mga professors as an excuse slip.
Pagtapos ay naghiwalay na rin kami ni Pen ng way pauwi. Paguwi sa bahay, nilabhan ko kaagad yung tshirt dahil naamoy ko ang amoy ng pintura na ginamit sa pag print. Sinukat ko rin kanina at buti na lang sakto naman sa akin.
Dinampot ko ang phone ko saka nag tipa ng text para kay Lukas.
Helena Ysabel:
Hi! Busy?
Hindi pa sya nag re- reply agad kaya ibinaba ko muna ang phone ko para mag half bath.
The cold water rushed through my skin. Napaka refreshing nun sa pakiramdam lalo na ngayon sa panahon na mainit pa rin kahit July na. Pakiramdam ko'y nawala ang init ng katawan ko. Kung pwede nga lang na mag stay sa shower ay gagawin ko.
Pag tapos ng paliligo ko, saka ko lang naalala na nag text pala ako kay Lukas nang makita ko ang phone ko na naka patong sa kama ko. Halos isang oras na mula ng pumasok ako sa shower and by now, baka nakapag reply na si Lukas.
Nag bihis muna ako bago ko hinarap ang phone ko para tingnan kung may reply si Lukas at tama nga ako. He replied almost 30 mins. ago.
Lukas Orion:
Hindi naman masyado Hayabear. Why?
And I replied,
Helena Ysabel:
Wala lang. Don't forget your dinner ha?
Gusto ko pa sanang tanungin kung kumusta yung araw nya pero baka next time na lang muna. Hindi naman masyado means may ginagawa sya pero hindi naman ganun karami but still, ayaw ko namang mawala sya sa focus nya. I'm sure he'll allme pag may free time na sya.
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang tumunog ang phone ko because of a call.
Lukas Orion calling...
I pressed the green one to answer his call.
"Hi!" my voice went up nang batiin ko sya.
Hindi naman halatang excited akong maka usap sya 'no?
"Hi Hayabear! Anong ginagawa mo?" tanong nya.
Lukas voice sounds like he had enough rest. Hindi iyon tunog pagod o antok. Buti naman at he's still finding time kahit na marami syang ginagawa.
"Wala naman. Kakatapos ko lang mag shower. Ikaw? Wala kang ginagawa? Baka nakaka istorbo ako?"
"I'm the one who called you, Hayabear. I won't call kung may ginagawa ako at the moment. Actually, nag break lang kami for 15 mins."
"Nasa uni ka pa rin ba?" tanong ko. Supposedly, tapos na ang klase nya kaninang tanghali pero mag ala- sais na ng gabi't nasa uni pa rin sya.
"Yeah. We're kind of preparing for something," aniya sa kabilang linya.
"Oh. Goodluck kung ano man 'yan. Good luck sa inyo. I'll pray that you'll get a good grade for that"
Lukas' soft chuckle ringed in my ears. "Well... thanks I guess. Ah. Ikaw? How's your day?"
"Hmm... wala namang masyadong nangyari ngayong araw. The usual class lang rin naman. Ah!" halos sigaw ko nang may maalala.
"Why? Anong nangyari?" tanong nya.
"Napili ako to volunteer bukas sa St. Pio's Home for Angels. Kasama ko Penny and probably si Aki din. Sayang hindi yata kayong higher years included sa mga mag vo- volunteer. You'd love to be around children. Hayaan mo, iku- kwento ko na lang sa'yo yung mga mangyayari."
Sayang talaga. He'd be happy to be surrounded with cute children.
Lukas giggled sa kabilang linya. "Ang cute mo talaga Hayabear! Pero bago 'yan, may surprise ako sa 'yo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Surprise? Out of the blue?"
"Yeah. Makukuha mo bukas," aniya. Lalong namilog ang mata ko.
"Nasa Home for Angels nga ako bukas?" unsure na sabi ko.
Paano ko naman makukuha yung surprise nya eh wala ako sa school o sa bahay?
"Basta, makikita mo bukas."
***
Maaga akong nagising. Hindi pa tuluyan na sumisikat ang araw pero bumangon na ako. I also did a few minutes of stretching para ma condition ang mga buto buto ko para mamaya.
I'm looking forward for two things today. Lukas' surprise and being volunteer to Home for Angels.
"Oh? Ang aga mo namang bumangon?" tanong ni Mama na nag b- brew ng coffee.
"Mag vo- voulunteer po ako sa parang orphanage, Ma." Mama looks surprised pero naka ngiti na rin ang mga labi nya.
"That's good 'Nak! Kasama mo ulit si Lukas this time?" aniya.
Amoy na amoy ko na agad ang aroma ng coffee na inaakit ako na inumin sya.
"Hindi po, Ma. Hindi kasama yung mga higher levels. Hanggang third year lang."
Dahan dahang tumango si Mama saka kumuha ng tasa't sinalinan ako ng kape.
A good coffee on the morning makes my day extra better.
Ang call time namin ay nine ng umaga. Hindi pa muna kami didiretso ng HoA kasi magkikita kita pa ang lahat sa SPU bago kami sama samang tutulak papunta roon para daw mas organized at hindi kami kalat kalat. Isa pa, hindi rin naman namin alam papunta roon.
I still have enough time to condition myself. Excited akong makita ang mga bata. I would love to meet and play with them mamaya. Only child ako ng parents ko pero instinctively, alam ko kung paano mag handle ng bata.
"Haya!" tawag ni Penny na ikinaway kaway pa ang kamay nya sa malayo habang isinisigaw ang pangalan ko.
Gaya ko, naka suot rin sya ng tshirt na required, jeans at rubber shoes. I expected na I'd run and do things from here to there mamaya kaya I opted to wear something comfy and will last me the whole day without feeling hassle.
Nagdala rin ako ng maliit na backpack kung saan ko nilagay ang tumbler at extra shirt ko in case pagpawisan ako.
Lumapit ako kung nasaan si Penny. Ito ang pangalawang beses na nauna sya sa akin at hindi sya late ha.
"Kanina ka pa?" tanong ko.
"Hindi. Halos kararating ko lang din dito," aniya saka inangat ang dalawang kamay nya para takpan amg mukha nyang tinatamaan ng sinag ng araw.
"Wala pa ba?" tanong ko.
Nasa student's lounge kami at halos marami na rin yung estudyanteng narito.
"Wala pa, girl. Narinig ko kanina aalis raw pag kumpleto na eh hindi pa yata kumpleto."
We sat in one of the seats saka hinintay lang na mag announce ang coordinator na aalis na.
I wonder if nasa klase na si Lukas? Probably. Alas otso ang pasok nya today eh.
I'll just text him mamaya kung break na nila or mamayang lunch time. Sana magkaroon kami ng time i facetime ang isa't isa para makita nya. Or I'll just send him pictures.
"Bakit hindi mo dinala camera mo?" ani Penny nang makita na iyong backpack lang ang dala ko.
Kahapon pa nya kasi sinu- suggest habang naglalakad kami pa sakayan na dalhin ko camera ko. Tingin nya marami akong ma ca- capture na beautiful moments roon.
"Hindi ko na dinala. Baka sa dami ng gagawin natin eh makaligtaan ko pa, " ani ko. Saka I'm sure may mag do- document nitong event na 'to.
"Sabagay. Hindi natin masasabi pero pag nawala yung camera mo, iiyak ka talaga ng malala."
Tama rin naman. Bukod sa hindi rin naman biro yung presyo ng isang camera, regalo kasi sa akin yun ng parents ko on my18th birthday.
Almost 9:30 nang kuhanin ng coordinator na si Kuya Renz and atensyon namin para i anunsyo na kumpleto na kami't ready to go na.
Sa jeep kami sumakay para pumunta sa HoA. Ang mga may sariling sasakyan ay puwede namang gamitin ang sasakyan nila papunta but in our case, sa jeep kami. Hindi naman siksikan pero hindi rin sobrang luwag. Kumbaga pag sa mga jeeo sa Manila, naka upo kaming pang sampung piso na naa- ayon sa bayad namin.
Hindi ko alam exactly kung saan ito papuntang way na dinadaanan naming one way lang dahil puro puno nasa paligid pero hindi naman liblib.
Barrio Masinop.
Iyon ang naka lagay sa may arko. Maya maya pa'y bumungad na sa amin ang isang malawak na steel gate. Ang lawak nun at ang taas. Kung may tatakas man rito malamang ay hindi sila makaka akyat ng hindi nalalaman ng mga bantay.
Pumasok ang jeep sa loob saka tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay na magkakarugtong na kung titingnan sa labas ay mukha talagang bahay ng isang pamilya.
Napaka home-y na agad ng pakiramdam ko sa lugar na 'to.
"Ang ganda ng fountain oh," bulong ni Penny.
Sa tapat ng main entranceay ang garden na punong puno ng mga halaman at bulaklak. Sa gitna nito ay ang isang outdoor fountain na gawa sa marble. What's impressive is that may pigura ng anghel sa gitna nito.
"Students!" tawag ni Kuya Renz. "Sa likod nito ay naroon kung saan gaganapin ang event natin for tonight. What I want you to do now is to arrange all the chairs and tables para sa mga bata. Understand?"
"Yes!" sagot naming lahat.
Excited na ako!
Pumasok kami roon sa main etrance. We crossed the hallway saka tumagos kami sa papunta sa isang malawak na backyard. Sinalubong kami ng organizers.
Hindi ko alam kung namamalik mata ba ako o tama na nakikita ko si Lukas na naka tayo among them habang pilyong naka ngiti sa direksyon ko't may hawak na clipboard.
Binati nila kami't humalo sa amin para bumati. Mga prof rin namin ang ilan sa kanila. Hindi naman kasi sila iba sa amin lalo na ang lalaking nasa harap ko ngayon.
"Hi, Hayabear!" magiliw na bati nya.
Then everything dawned on me.
"Ito yung surprise ko?" laglag panga kong halos sigaw sa kanya.
So, surprise talaga nya na nandito sya? Kaya pala hinahalakhakan lang ako kahapon!
"Yes! Nadali mo!" pilyong turan nya.