Naglalakad ako papunta kina Kuya Jule dahil last week kinrontata kami ni Tita Emma na ayusan sya sa araw na ito at siguraduhing maganda sya dahil aniya, gusto nyang mag mukhang fresh at pinaka maganda sa graduation ng panganay na anak nya. Proud na proud si Tita na magsusuot ng toga't graduate si Kuya Jule. Aniya kasi elementary pa lang si Kuya, napaka wala sa bokabularyo nya ang pag aaral. Hindi naman bulakbol si Kuya, wala lang interest. Basta'y maka pasa lang ayos na. Ngayon, ga- graduate na yung anak nya ng Archi. Kaunting push na lang and Kuya will be after the professional license. "Tita, ano pong gusto nyong ayos?" tanong ni Ate Yuli. Si Ate kasi ang mas maalam at mahilig sa make up sa amin. "Gusto ko yung simple lang, 'nak pero maganda ang kuha ko sa camera," nakangiti at halat

