Pagdating namin sa Al Fine, di tulad ng nakaraan mas kaunti ang pila ngayon. Weekdays pa lang kasi. Pumila kami para sa ticket and I payed for the three of us. Pag pasok namin, medyo marami rami pang bakanteng table and chairs. Dahil tatlo lang naman kami, we opted for the smaller round table sa gitna. Hinugot ako ng isa pang beer sa bucket saka inabot kay Aki para mabuksan nya saka inabot sa akin. "Wala na bang 2nd chance yun? Yun na yun?" ani Penny. Ikinuwento ko kasi sa kanila ang nangyari kanina. "Wala na, Penny. Nag send na sila ng rejection letter sa akin kanina. If I really want to be their intern, mag aantay pa ako ng isang taon ulit bago sila mag bukas ng application." "Ang harsh naman. Everybody deserves a second chance naman. Anong sabi ni Tita mo?" aniya. Mabigat ang loob

