Napa balikwas ako ng upo nang biglang bumukas ang pinto ko't pumasok si Ate Yuli at si Kia bigla bigla. Pinunasan ko ang basang pisngi ko saka inayos ang gulo gulo kong buhok. Naka tulala lang ako sa ceiling, hindi ko alam na tumutulo na pala ang luha ko. "Bakit?" tanong ko sa kanila. Umupo si Ate Yuli sa kama ko't bigla akong niyakap ng mahigpit at hinagod ang likuran ko. "Bakit hindi ka nagsasabi? Haya naman eh. Nandito naman kami! Bakit ba gusto mong dananan mag isa yung problema mo? Nandito naman kami eh!" Inangat ko ang tingin ko kay Kia na naka kunot na rin ang noo. Kumawala ako sa pagkakayakap ni Ate Yuli saka yumuko't naramdaman ko ang mainit na palad ni Ate sa kamay ko. "Ayaw ko kasi na magalit kayo kay Lukas kung bakit kami nagka ganito eh kasalanan ko naman kung bakit. Kaib

