"Girl kumain ka naman. Wag mo namang pabayaan yung sarili mo." Inusog ni Penny yung pork steak meal na in- order nya sa akin pero wala talaga akong gana na kainin iyon. It reminds me of Lukas. "Oo nga, Haya. Life happens. Ayos lang 'yan. Magiging ayos din lahat," sabi ni Aki. Sinubukan kong damputin yung kutsara pero ibinaba ko rin nang mapag tanto ko na wala talaga sa loob ko ang kumain ngayon. Napaka hirap pag puso na yung halos ayaw mag function. Pati utak at katawan damay na. Wala na akong ibang gustong gawin kundi umiyak at mag mukmok. Wala na rin akong ibang maisip kundi si Lukas at kung paano sya nawala sa akin. Napaka rami kong what if and what could've beens pero wala na. Nangyari na ang mga nagyari and I couldn't revise everything. "Sige na, kumain ka na kahit kaunti lang. M

