Busy ang lahat sa pag a- ayos ng stage para sa first BSBA General Assembly. We, ourehole block, were tasked to prepare for this event kaya tatlong araw na kaming puro ito ang inaatupag, trying to make sure na lahat ay maayos.
This General Assembly's purpose is to welcome freshmens. Para ring orientation but more specific into our course. Ito rin ang event kung saan official na i iintroduce ang mga running for candidacy sa student council at hudyat na election period is kicking in.
"Gi, paki abot naman itong photocopy kay Sir Bautista sa department," sabi ni Penny kay Giselle.
Abala ako sa pag gawa ng powerpoint presentation para bukas. I'm making sure na hindi naman mukhang pang group reporting iyong ppt pero hindi rin sobrang fancy na para bang pang defense na.
"Pst! Haya! May nagpapa abot." Lumapit sa akin si Cris saka nag abot ng isang plastic bag tatlong styro na may lamang pagkain.
Galing siguro sa mga pinsan ko.
Inabot ko iyon. "Thanks."
Kinuha ko iyong isang meal saka binigay kay Penny. Nag text kasi si Kia na magkakasama daw sila nila Ate Yuli nag lu- lunch, sumabay na daw ako kaso lang nag pass ako dahil baka late na kaming makapag lunch dahil di pa kami tapos. I told them na kasama ko naman si Penny mag late lunch kaya ayos lang.
I texted Kia, thanking her for the food. Nag reply siya ng,
Kia:
Ha? Anong food? Akala ko ba mamaya pa kayo kakain?"
Takang taka ako nang mabasa ko iyong reply ni ate. Kinabahan ako bigla. Mamaya hindi pala para sa akin itong pagkain tapos nagkamali lang ng abot si Cris.
Pipigilan ko na sana si Penny sa pag subo nung pork steak meal na may kasamang fresh lumpia sa isang styro nang may pumasok ulit na text sa phone ko.
Unknown Number:
Enjoy your lunch!
Sino to?? I roamed my eyes around the room pero lahat sila'y abala sa kanya kanyang ginagawa.
"Huy kumain ka muna mare! Mamaya ka na mg phone dyan!" si Penny na halos mauubos na iyong pagkain nya.
Unknown Number:
This is Lukas by the way.
Rinig ko na naman iyong dagundong ng dibdib ko nang mabasa ko ang pangalan ni Lukas.
Unknown Number:
Nasa labas ako ng room nyo.
I dropped everything saka dali daling tumayo. Puno ang bibig at nagtatakang tumingin si Penny sa akin.
"Saan ka?"
"Wait lang, Pen."
Lumabas ako ng classroom.
Nakatayo si Lukas ilang dipa mula sa pintuan ng classroom namin at may bitbit syang watermelon shake sa kaliwang kamay nya habang ang isa naman ay naka suksok sa bulsa nya. Tuwing may dumadaang kakilala ay ngumingiti sya at tumatango to show acknowledgement.
Hanggang dito talaga sa building namin ang dami nyang kakilala.
His face lit nang makita nya akong nasa labas na. "Hi Hayabear!" Umayos sya ng tayo.
"Lukas!" tawag ko sa kanya saka lumapit. Inabot nya sa akin yung dala nyang shake. "Thank you sa food saka rito."
"Anytime," sagot nya.
"Paano mo nalaman?"
"Kasabay ko mga pinsan mo mag lunch kanina saka hiningi ko rin kay Kia yung number mo," aniya.
"Ganun ba? Magkano pa lahat 'to? Babayaran kita, nakakahiya naman sayo." Inilabas ko sa bulsa ko ang wallet para kumuha ng pera.
"Babayaran mo 'ko? Sure ka?"
"Oo nga."
Nag isip sya. "Sige, pero hindi pera sisingilin ko."
Napa tigil ako sa pag kuha ng pera saka nagtatakang nag angat ng tingin. Para akong nag loading. Tiningnan ko sya ng diretso, mukha namang hindi sya nagbibiro.
"Ha? Eh ano?"
"Samahan mo 'ko mamaya, may pupuntahan tayo," sabi nya.
"Saan tayo pupunta?" Isinarado ko ang wallet ko saka ibinulsa.
"Basta. Mamaya after class mo, hihintayin kita sa may gate.
"Wala kang class? Or gagawin for the day?"
"Class, wala na. I'm working on something pero that can wait. Kailangan ko lang ng pahinga saglit."
Nang marinig ko iyon, naisip ko na agad na baka mag roadtrip ulit kami gaya ng last time. Going on a road trip is his stress release.
Being a fourth year Arki student must be so tough. Di tulad noong bakasyon pa, hindi naman sa mukhang haggard pero it's really visible na he's stressed at mukha pa ngang kulang sa tulog as weeks goes by. And then I remember na he's aiming to maintain his spot on the Dean's List.
All I can do is be a good friend at samahan sya pag kailangan nya.
Inisip ko muna kung may gagawin ako mamaya pero wala naman na. Saka hindi naman siguro kami magtatagal kaya pumayag na rin ako.
"Okay."
"Haya! Anong-" Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Penny. She widely smiled nang makita nya kami ni Lukas na magkaharap. "Oof. Okay. Hi, Lukas!"
"Hi, Pen!" Lukas looked at me again. "Sige na. Mamaya ha?"
"Sige. I'll text you pag pababa na ako." Lukas nods at me saka naglakad na pa layo.
Wala na si Penny sa pintuan kaya't dumiretso ako sa upuan namin.
"Ang ganda mo naman. Dinayo ka talaga rito!" Tinusok tusok ni Penny iyong tagiliran ko pero hindi naman ako nakikiliti. "Anong sabi ni Lukas?"
Iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya na may lakad kami ni Lukas mamaya dahil panigurado, aasarin na naman nya ako hanggang mamaya.
"Wala. Hinatid lang iyong pagkain," sabi ko.
Buti na lang hindi na sya nang usisa pa at bumalik na sa ginagawa nya. Binuksan ko na rin iyong pagkain na binigay ni Lukas. This pork steak meal and fresh lumpia reminds me of the meal we had sa may plaza na parehas kami ng in- order. It's amusing how he still remembers that.
Pagakatapos kong kumain, bumalik ako sa pag gawa ng presentation. Kaunti na lang naman at matatapos na ako. After this, kailangan pa naming ayusin yung stage at linisin yung assembly hall.
Lumipas ang mga oras, abala ako sa mga ginagawa pero talagang may mga moments na sumisiksik sa utak ko yung lakad namin ni Lukas mamaya.
"Paki check kung okay na 'to Den." Iniabot ko kay Den iyong USB na may laman nung slides.
I'm at the control booth to check everything. Iyon na lang and I'm done for the day.
Pinanood ko ang pag lilipat lipat ng slides sa wall ng stage na ginagamitan ng projector.
"Ayos na, Haya. Good na 'to," sabi nya.
"Alright. Thanks Den." Bitbit ang bag ko, lumabas na akong assembly hall. Nag aabang na si Penny sa labas habang nag c- cellphone na panay ngiti naman sa pinapanood nya.
"Tana na, Penny. "
"Hindi pa rin ba sila tapos sa loob?" Tumayo sya sa kinauupuan nya saka sinalubong ako.
"Final checking na lang. Okay lang na mauna na sabi ni Gi."
Dahil nasa fourth floor ng Building C iyong hall, bumaba na kami ni Penny. Kinuha ko naman iyong phone ko para mag text kay Lukas na pababa na ako. Hindi sya nag reply kaagad kaya tinago ko na lang ulit yung phone ko.
"Sasabay ka ba sa mga pinsan mo ngayon?" tanong nya saka lumingon sa akin.
"Hindi. Bakit?"
"Daan tayo sa bayan! May bagong bukas na snack bar. Pumunta sila Leah kahapon, masarap daw yung food. Try natin," sabi nya.
Narinig ko nga rin yun na pinag uusapan nila sa likod kanina.
"Uhm, okay lang ba kung bukas na lang Pen? Sorry, may lakad kasi ako ngayon eh," apologetic na sabi ko.
"Aw. Sayang naman. Sige, bukas ha?" Tumango ako. "Saan pala lakad mo?"
"Hindi ko alam kung saan exactly. Hindi naman nabanggit ni Lukas."
Nanlaki ang mga mata nya and her mouth formed an O. Bakas rin sa mukha nya ang pagkabigla pero agad rin iyong napalitan ng pag curve ng mga mata't labi nya.
"Kasama mo si Lukas? May date ulit kayo?" kinikilig na sabi nya.
"Hindi yun date. Bayad sa food kanina iyong pag sama ko sa kanya mamaya."
She looked so done with me sabay hinampas nya ako.
Tingnan mo 'to. Kanina lang gulat saka kinikilig tapos ngayon naman parang mananabunot na.
"Ano ka ba? Palusot lang 'yun ni Lukas para pumayag ka! He's not actually asking you pay, kaloka na to! " madramang sabi nya.
Natahimik ako. Gusto ko sanang itanggi pero napaisip din ako. Paano kung ganoon nga iyon? Knowing Lukas, he wouldn't actually let me pay for something na kusa nyang ibinigay.
Pero, bakit?
I was too drown in my own thoughts na para bang nay snap na nagbalik sa akin sa reality.
Hindi.
I shouldn't read too much above the lines.
Nang makarating sa may gate, nagpaalam na ako kay Penny na dito ko na lang hihintayin si Lukas kaya't nauna na sya.
Gumilid ako sa waiting area na nasa gilid ng gate saka doon naupo.
My phone vibrated and nag reply na si Lukas.
Unknown Number:
Okay! Pababa na rin ako.
From being an un registered number, I changed his contact name on my phone.
Lukas Orion.
Hindi naman ako matagal na naghintay dahil maya maya'y bumusina na rin si Lukas sa harap ko na naka sakay sa motor nya.
Lumapit agad ako sa kanya saka binigyan sya ng isang ngiti.
"Tara na?"
"Sasabihin mo na ba sa akin kung saan tayo pupunta?"
"Hindi. You'll see."
Kinuha nya ang isa pa nyang helmet saka isinoot sa akin kahit kaya ko naman saka umangkas at nag drive na sya palayo.
"Relaxing diba?" Naka tingin sya sa akin, halatang binabantayan yung ekspresyon ko.
"Sobra."
I moved my feet na naka sawsaw sa tubig at tinampisaw ito.
Nakaupo kami ngayon ni Lukas lapag sa isang bamboo hut na naka tayo sa mababaw na parte ng lawa. Mula sa bato batong pampang, may tulay na gawa rin sa mga pinagdikit dikit na kawayan na daraanan bago maka rating sa kung saan kami naka upo ngayon.
Parehas na naka sawsaw ang mga paa namin sa maligamgam na tubig ng lawa. Naka taas ang laylayan ng pants nya para hindi mabasa. Kalmado lang ang lawa at sa paligid nito ay napapalibutan ng malalaking mga puno.
Rinig na rinig rin ang pag huni ng mga ibon at ang pag kumpas ng mga hangin.
I never knew I needed a breather kung hindi pa ako dinala ni Lukas dito.
Akala ko kanina na I was the one doing him a favor sa pag sama dito pero ako pala talaga ang dapat na magpasalamat dahil parang ako pa yata ang talagang na relax ngayong araw.
Inabot nya ang bag nya saka inilabas ang dalawang karton ng Chukie doon. Nilagyan nya ng straw iyong isa saka inabiot sa akin.
"Mas okay sana kung beer 'to para chill kaso mag d-drive ako kaya Chuckie na lang pang pa taas ng sugar level, " natatawang aniya.
"No, it's okay, favorite ko kaya 'tong Chuckie."
"Buti naman." He flapped his feet sa tubig and I did the same. "Do you wanna play something?"
"Laro? Sa gitna ng lawa?" kunot noo kong tanong.
Ano naman kaya ang lalaruin namin dito?
"Oo. Let's play never have I ever. Ganito lang, we'll ask questions to each other and then we'll answer if 'I have' or ' I have never'."
Na excite ako bigla. I've watched youtubers play this game and it looked fun.
"Game!"
"For every 'I have' answers, you have to drink Chuckie na dapat ay beer. Ang may pinaka maraming 'I have never' ay magkakaroon ng wish coupon na i g- grant ng matatalo. Ano? Game?"
"Any questions? Any topic?"
"Yes. Anything that we're curious about each other."
Then this game is perfect to get to know someone na kasama mong maglaro.
"Game ako!" I faced him and he did the same. " You ask first."
"Easy level muna tayo. Never have I ever cheated a test?"
Ito si Lukas parang sinasadya naman na given na yung sagot. "We all have."
"True." We clicked our Chuckie and sipped. "Fire your question away, miss maam."
"Never have I ever skipped school because of embarrasment?"
"I have not."
"I... have."
"You have? Anong nangyari?"
"I cut my own bangs. Hindi ko alam anong espirito yung sumanib sa kamay ko nung elementary ako. Ginupit ko yung sa may hati ng buhok ko sa may forehead ng manipis tapos nagulat ako kasi tumikwas paitaas!" kuwento ko.
Tawa ng tawa si Lukas sa kuwento ko. "Akala ko maganda pero pag pasok ko ng school inasar ako ng mga kaklase ko na anak ni satanas kasi may sungay daw ako." Yung kaninang tawa nya ay naging halagpak. Tawa sya ng tawa na naka hawak na sya sa tyan nya.
"Hiyang hiya ako pumasok noon. Tinanong ko pa si Mama noon kung sya ba si satanas kasi anak nya ako at saka kung bakit wala syang sungay. Kaya ayun, binilhan ako ni Mama ng iba' t ibang ribbon na ipit sa buhok para tabunan yung kahihiyan na ginawa ko."
"Grabe! Ang eventful din naman pala ng childhood mo!"
"Yeah. May mga sabaw moments din talaga. And that's the elementary me."
"Okay, ito. Never have I ever drunk until sunlight came. Ako, I have."
"I have."
"Story time naman dyan," aniya
"Last semester last school year, we drunk our hearts out, kami ng mga kaibigan ko. Anyway, Never have I ever been blackout drunk. I have... not."
"I have," sagot nya.
"You have? Story time. Anong nangyari?"
"Siguro, it was over a year ago? Yeah. Hindi ko alam kung anong nangyari kasi nga black out drunk nga ako. Ikaw? You have not? Maniwala?" he looked at me na para bang hindi talaga sya naniniwala.
"Hindi talaga. Heavy drinker ako pero I never attempted to push my limits."
"Dapat i test natin yan soon. Next! Never have I ever snuck outside the house."
"Wag na tayong magpanggap. I know that we both have." Tumawa si Lukas saka sumipsip din ng Chuckie.
"Ito! Let's spice this up. Never have I ever slipped into someone's DMs."
"I have," mabilis na sabi nya. "Sayo."
Gulat akong napa tingin sa kanya. "Sa akin? Hindi nga?"
"Oo nga. That was the only time." Mula sa bulsa nya, inilabas nya ang phone nya saka may pinindot at pagkatapos noon ay ipinakita nya sa akin iyong inbox nya sa IG. Username ko lang talaga iyong nandoon. "I don't really use IG to communicate kaso I need your permission so I asked Kia if there's any way I could reach out to you and she told me you're more active on IG."
Oh. Kaya pala nahanap nya yung username ko.
That was an honest answer perobakit iba na naman ang kabog ng dibdib ko?
"Okay. Ako, I have never."
"Di ako naniniwala!" sabi ni Lukas.
"Oo nga. I just do photo dump sa IG and that's it."
"Madaya! Okay, spicier. Never I have ever dumped someone?"
I mindlessly took a sip.
"Ikaw naman mag story time. What happened?" Ibinaba nya ang Chuckie saka pinatong sa tabi nya.
Oh, shoot.
"Uh... let's just say na we were not on the same page," I vaugely answered. "Ikaw? I know you have."
I'm pertaining on Irah. Yung girl na nakita kong kasama nya.
Nag taas sya ng kilay. "Anong nalalaman mo?" Nag kibit balikat ako. "Sabihin na lang rin natin na I was not on the same page with that person."
Nauubusan na ako ng mga tanong kaya't I opened my phone to search what should I ask him.
"Next Question. Never have I ever kept to myself a feelings for someone?"
"I have never," sabay naming sagot.
Pero bakit pakiramdam ko mali yung sagot ko?
"Never have I ever liked a friend's relative?" tanong nya.
Napa angat ako ng tingin sa kanya na naka tingin sa akin. Heto na naman iyong kaba na gumagapang sa buong pagkatao ko.
"I have never," sagot ko.
"I have," sagot nya.
Parang natanggal iyong kaluluwa ko sa katawan nang sabihin nyang 'I have'.
He's kidding, right?
"Okay... last question na ha?" Tumango sya.
Tumimgin ako sa langit at unti unti ng nagtatago ang sa ulap ang araw.
"Never have I ever lied while playing this game."
"I have not," sagot niya.
"I have," sagot ko.