Midterms week is coming and I've been so stressed with everything lately. Sobrang tambak na kami ng gawain and talagang naka pako na lang ako sa desk ko buong araw. Pati ang plano naming mag chill ng mga pinsan ko, naging drawing lahat. In the mean time. Kasi alam kong hindi papayag ang mga pinsan kong hindi matuloy iyon. And Lukas. I haven't seen him since we went to the lake at naglaro ng never have I ever na yumanig ng buong pagkatao ko.
Ilang araw na iyong mga sagot lang ni Lukas ang lumulutang sa utak ko. His answers that afternoon raised too many questions in my head.
Ito na yata talaga yung sinasabi ni ate Yuli na if I read too much above the lines, delikado.
Kasi pakiramdam ko delikado na ako. Sa prelims at kay Lukas. Laking pasasalamat ko lang din na he's busy with his internship at hindi na kami nakakapag kita. It helps me to sort the haywire on my head.
Naka upo kami ngayon nina Penny, Giselle at Aki sa library at kakatapos lang namin gumawa ng group project namin for a subject. Si Penny nag c-cellphone, si Aki naglalaro ng mobile games sa phone nya at si Gi naman naka harap pa rin sa laptop nya. Inilabas ko iyong libro na di ko pa natatapos basahin saka itinuloy. Nag aantay na lang kaming mag time para pumasok na ulit sa next class namin.
"Make sure to review your exam's coverage. If you do, mani lang sa inyo yung exam dahil doon nyo lang din makikita yung sagot. Understand?" si Sir Castañeda.
"Yes sir!" sabay sabay na sagot namin.
"Good luck sa exams nyo. Nawa'y pumasa kayong lahat. You can all go."
Lumabas kami sa room dahil huling subject na. Bitbit ang laptop bag ko sa kamay at ang backpack ko, lumabas ako
kasabay si Penny.
"Ano sis? Baka pwede na tayong pumunta ng bayan para i try yung bagong bukas na shop?"
"But we still have to review pa para sa exams."
"Sis, hindi naman natin tatakbuhan yung gawain. Pause lang saglit. Kakain lang tayo saglit tapos uuwi na. Saka nakaraan ka pa mukhang lutang."
"Sige na nga."
Sumakay kami ni Penny sa tricycle na papunta sa bayan. Itinigil kami ni kuya sa isang 3 storey building. Sa fist floor noon ay printing shop at veterinary clinic. Ang gitna naman ay parang office at sa pinaka taas na building nito ay ang snack bar.
Upon enterning, makikita kaagad iyong counter at kung saan mag o- order at ang menu. The whole vibe of the snack bar is really aesthetically pleasing. Para iyong sa mga nakikita kong korean cafe and snack bar sa pinterest. It's mainly white and the wooden furnitures accents the whole place. May mga naka paligid rin na iilang mga green plants that makes the whole place vibrant.
"May I take your order po mga maam?" sabi nung si ate na nasa counter.
I looked at the menu at mayroon silang burgers, fries, different flavors of chicken wings, hotdogs, and pizza. Available din ang shake and smoothies. Penny paid for our food. Libre nya daw sa akin dahil lagi ko raw syang gina- guide sa school works lalo na pag na bu- busy sya sa part time nya at nakakalimutan yung mga gagawin at kung paano.
She didn't have to. I'm totally fine with helping her without anything pero hinayaan ko na lang sya dahil ayoko rin naman na she'd feel indebted to me.
Ayaw ko rin kasi nung ganoong feeling.
Penny ordered hotdogs while I got cheese burger at isang pepperoni pizza to share. We settled into a table sa may dulong bahagi, katabi ng glass windows kaya' t kita ang mga dumaraan na mga sasakyan sa baba.
"Ang tahimik mo," sabi ni Penny.
"I've always been this quiet, Pen."
She sighed. "Oo. Pero para kang wala dito sa earth lagi nung nakaraan pa."
Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag fidget nya sa hawak nyang tissue paper. Para bang bumu-buwelo sya about something.
"May gusto ka bang itanong?"
Bumakas sa mukha nya ang gulat sa sinabi kong iyon. This is not so Penny. Usually, she'll just blurt it out pero parang ngayon she's being careful about something.
"It's okay. You can ask me anything," I ensured her.
"Ano kasi... nag aalala lang talaga ako sayo kasi parang lagi kang on the edge nung nakaraan. May... nangyari ba nung lakad nyo ni Lukas? Kasi pag pasok mo kinabukasan, ganyan ka na."
My heart melted. Hindi ko alam na ganyan pala ang concern nya sa akin. Madalas kasi she's teasing me na naka zombie mode daw ako or sometimes she'd call me Miranda Priestly in reference to the movie The Devil Wears Prada lalo na noong inuumpisahan pa lang namin iyong project.
I sighed. "Sorry, sobrang dami ko lang talagang iniisip."
"Like what?" She shifted her body and para bang bumalik na iyong aura ng tunay na Penny. "Dali na sis, para naman gumaan yung pakiramdam mo kahit paano. Anong nangyari? Wag mong sabihing wala kasi malakas iyong sagap ng radar ko na meron."
"Walang nangyari. We just talked nun. Ako lang talga yung may problema. "
"Like ano nga?"
"Lukas confuses me," pag amin ko.
Natigilan si Penny sa sinabi ko, like processing what I have just said.
"Sis-"
"Ang dumb no?"
"Paano? How does he confuse you? At hindi iyon dumb."
"His actions, his words... everything. Alam ko naman na he's really like that and I have been constantly warning myself not to give meanings. I don't know."
I can't believe I'm actually ranting to Penny about this things.
"You like Lukas?" tanong nya. Yung ekspresyon nya ay para bang shocked but not surprised.
"No. I just- he's a friend. Magkaibigan kami so I should not be confused but I am and this frustrates me so much."
"Kung hindi then why does his words and actions bother you?"
And man, that hit home.
"I-" I don't know how to answer that.
"Why don't you ask him? Para habang maaga, alam mo kung paano mo i ha- handle 'to."
"And spoil our friendship and create an awkward atmosphere? No, thanks."
"Hindi naman sa ganoon. I'm sure he wouldn't take it againts you. Sabi mo nga he's being misunderstood a lot. Parang ngayon lang. Kaya mag tanong ka."
"No. I can't... Natatakot ako sa mga mangyayari."
"Bakit ka naman matatakot?"
"I don't know. I feel like everything's going to get worse if I talk to him about these things," sabi ko.
"Sis, no. Who hurt you?" tanong nya nang naka kunot na ang noo.
And I couldn't answer her question.
***
I PUT ON my gold two piece necklace that compliments my white cowl neck top tucked in a high waisted denim jeans at white rin na sneakers saka nag spray ng one of my favorite scents, Baccarat Rouge 540, on my neck and wrists.
I also opted to put a little make up to complete the look. Iyong mga basics lang naman. Eyebrows, mascara and nude lipstick.
Somebody knocked on my door. Pag bukas ay iniluwa si Ate Yuli na naka navy blue dress na. "Tara na."
Dinampot ko iyong chained sling bag ko saka lumabas na kasama ang mga pinsan ko.
"Tito, Tita, mauna na po kami," paalam ni Ate Yuli kay Mama
"Sige na't lumakad na kayo. Mag iingat kayo."
I waved goodbye on my parents saka lumakad na kami ni Ate papunta sa mga pinsan kong naka sakay na sa Vios. Ate Yuli entered the shotgun seat at ako naman ay katabi si Kia sa likod habang si kuya ang nagmamaneho.
It's already 6:36 in the evening at papunta kami sa bahay nila Ate Amelie for her 23rd birthday dinner party celebration and also for surviving the hell week and passing all our exams. Hindi pa nga sana ako sasama dahil sobrang drained ako nitong nagdaang week at ayoko muna sanag maka kita ng anino ng tao this weekend but Ate Amelie personally asked me to come and it would be rude not to go. Magtatampo iyon sa akin.
"Hi, miss. Ganda mo naman, para kang anak ng mafia boss, " sabi ni Kia nang tumabi ako sa kanya.
I laughed at her remark. "Oo, tapos ipapadala ako sa states kasi puro ako party. Para magtino raw ako," dagdag ko ko naman.
Pag dating namin sa bahay nila, sa labas pa lang ay buhay na buhay na ang ambiance ng buong bahay. Rinig na rinig na ang dagundong ng sound system. Bukas na ang gate kaya't pumasok kami. Sa labas pa lang, binabati na si Ate Yuli at Kuya Jule. Hindi naman sobrang dami ng tao, karamihan ay mga taga SPU lang din palagay ko.
Nang makaraying kami sa likod ng bahay nila, may malawak na space doon kung saan naka tayo ang mga lamesa't upuan para sa mga guests. Ate Amelie's party gives me a mini night club vibe. There are neon lights here and there, may dance floor sa gitna, may area to get drinks except that this have buffet for guests.
Iginaya kami ni Ate Yuli sa isang bakanteng table and then we settled there. Nakita ko rin na nasa kabilang table pa sina Kuya Sio at Dex na ngayon ko na lang ulit nakita. Sa kaliwa ko ay bakanteng upuan at sa kanan naman ay si Kia.Tumayo naman si Ate Yuli para hanapin kung nasaan si Ate Amelie.
"Ate! Happy Birthday!" Tumayo si Kia saka sinalubong si Ate Ame who is looking gorgeous in her red dress.
Tumayo rin ako para batiin sya. "Happy Birthday, Ate."
Inabot ko iyong paper bag kay ate na regalo naming mag pi- pinsan sa kanya.
"Thank you Haya!"
"Ame pwede na bang uminom?" singit ni kuya.
Tingnan mo 'to si kuya. Wala pa nga, inuman agad yung habol.
"Maawa ka naman sa atay mo, Jule! Puro ka inom!"
"Hi, guys!" Napalingon kaming lahat kay ate Roan na kadarating lang.
Awtomatikong napa lingon ako kay kuya Jule na naka tingin na kay ate Roan. He's just looking at her na para bang si ate na lang yung nakikita nya.
Kuya Jule whipped.
"Dito ka na kay Jule, Roan," mapang asar na sabi ni Ate Ame.
Ate Roan's cheeks blushed.
"Oo nga. Dito ka sa akin kasi sayo lang ako."
Napa nganga ako kay kuya. Ang weird maranasan o makita first hand ang pag harot at kalandian ni kuya! Seriously!
"Sige takutin mo si Roan nang basted-in ka talaga. Napaka harot mo Julius!" si Ate Yuli.
I doubt na natakot si Ate Roan eh kulang na lang buong katawan nya mamula sa sobrang pula na ng mukha nya. Pero sa totoo lang, bagay sila ni kuya. Sooner or later naman magiging sila rin palagay ko.
Mukha namang effective iyong pagapapa pogi ni kuya.
Naka upo na si Ate Roan sa tabi ni kuya Julius na naka patong na ang kamay sa sandalan ng upuan ni ate. Si Ate Yuli naman, abala na rin sa pag asikaso sa mga bisita ng bestfriend nya.
"Hello, peeps!" si kuya Jonas naman na kararating lang din. Naka navy blue na polo sya at slacks na itim.
Umupo si kuya Jonas sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Wait lang parang kulang pa tayo," si ate Roan.
Kulang? Mukha namang wala ng kulang? Binilang ko lahat kami. Narito na kaming apat with ate Roan and kuya Jonas.
"Si Lukas wala pa," sabi ni kuya Jule.
My body tensioned nang mabanggit ang pangalan ni Lukas. Right. They are also friends with him and it's really impossible for him not to come. I roamed my eyes around and I don't see any hint of him o kung nakarating na ba sya.
"Haya, samahan mo akong mag CR," si Kia. Tumayo kami saka lumapit kay Ate Yuli para mag tanong kung nasaan ba iyong CR. Itinuro nya naman kami na sa loob ng bahay, sa may likod banda.
Dahil hindi naman talaga ako mag C- CR hinintay ko na lang si Kia sa labas.
"Haya, help," si Ate Yuli. May bitbit syang mga paper bags.
"Ano yun, ate?" Lumapit ako sa kanya.
"Paki lagay naman itong mga regalo sa taas sa kwarto ni Ame." Iniabot nya sa akin yung mga bitbit nya."Mayroon pa doon sa sala. Paki akyat na lang din please."
"Sure, ate, pero paano ko malalaman kung saan dun yung kwarto ni ate Ame?"
"Pag akyat mo, may pintuan sa kanan. Iyon yun," sabi nya saka tinuro pa kung saan banda. "Paki na lang ha? Thanks beb!" sabi nya then she went off.
Bitbit iyong mga paper bags, umakyat ako sa second floor ng bahay nila Ate Amelie and when I reached the floor, nagulat ako dahil dalawang magkatabi na pinto ang nasa kanan.
Alin ang kay ate Amelie rito?
I stood at the first door, iyong bungad, contemplating kung bubuksan ko ba o hindi nang biglang bumukas ang pinto ng unang pintuan. Nagka gulatan kami nung lalaking bumukas ng pinto.
He's tall and lean. Naka suot sya ng white long sleeves at itim na slacks. Bleached din ang kanyang buhok na naka curtain haircut.
I don't think I've seen him before.
"May kailangan ka ba?" he asked.
"Ah, dito ba yung kwarto ni Ate Ame? Ipinapa pasok kasi ni Ate Yuli yung mga gifts."
Tumango sya saka tuluyang lumabas sa unang kwarto at isinarado ito.
Itinuro nya yung katabing pintuan. "Dito yung kwarto nya," sabi nya.
"Sige, salamat."
Nilagpasan ko sya saka dumiretso sa pintuan ng kwarto ni ate Amelie. Ilalapag ko pa lang sana yung paper bags para mabuksan yung pinto pero the guy from earlier came at sya ang nag bukas ng pinto for me.
"Salamat," sabi ko sa kanya.
"Sure," he said while looking at me then he went downdstairs.
Nang mailagay ko lahat ng lahat ng regalo kay ate Ame sa kwarto nya, bumaba na rin ako at lumakad pabalik sa lamesa namin ng mga pinsan ko.
Tanaw ko na sila pero tila bang na lock ang paningin ko sa lalaking naka black long sleeves na bukas ang tatlong butones sa itaas at naka upo across to where my seat is. Lukas Orion is laughing to whatever they are talking about.
Ito ang unang beses na makikita ko ulit sya mula nung nag lawa kami.
"Saan ka galing?" si Kia nang mapansin ako na naka lapit na sa lamesa namin. "Pag labas ko wala ka na."
"May ipina suyo lang si ate Yuli, " sagot ko.
Nabaling muli ang tingin ko kay Lukas na matiim na naka tingin na rin sa akin. I pressed my lips saka nagbigay ng maikling ngiti sa kanya to acknowledge his presence saka ini- straight ko ang nalulukot ko ng damit saka umupo.
Maya maya pa, opisyal na na nagsimula ang party. Ate Ame's parents gave and opening remark and then she gave a birthday speech and then the real party started.
Tinusok ko ang lumpia na nasa plato ko saka kinagatan. I'm still eating my food samantalang si Ate Yuli ay nasa dance floor na. The dance floor reminds me of the baylihan sa set up nito at buti na lang hindi dj disco remix ang tugtog.
Nang matapos ako kumain, kami na lang ni Kia ang natira sa table namin pero umalis din sya nang maka kita ng kakilala.
"Beer?" Lukas placed a beer in front of me.
Lumingon ako sa kanya at agad naman syang umupo sa pwesto na inuupuan ni kuya Jonas na busy na rin sa pakikipag usap sa mga kasama.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko ngayon na andito na si Lukas sa harap ko. Rather than mag dagundong dibdib ko, I feel calm today. Para bang wala lang.
Kinuha ko naman iyon. He raised his bottle for a cheers. "Cheers!"
Our bottle clinked.
"Thanks." I gulped down the beer.
"You looks so good. Long time no see Hayabear. Kumusta ka naman?"
Hayabear... I kind of miss him calling me that.
"Thank you. You also look dashing," sabi ko. " Ayos naman ako. Ikaw? How's OJT?"
"It's tiring pero fun. Ang dami kong natututunan kahit papapano," aniya. He smiled and then drank.
"Alam mo ba, napa daan ulit ako roon sa may cliff and I thought of you na sayang, picture perfect yung sunset pero wala ka roon?" kwento nya.
I don't know how do I process that information but I felt a tinge of happiness nang sabihin nyang naisip nya ako sa lugar na iyon.
I happily smiled at him. "Sayang nga. Na miss ko na tumambay roon."
"Do you want to-"
"Lukas!"
Naputol ang sasabihin sana ni Lukas nang may lumapit sa amin na pamilyar na babae.
"Irah," tawag ni Lukas.
Irah, the girl that I've seen with him before, looks so beautiful in her white puffed sleeve dress. She's definitely prettier up close.
"Lukas! I've been looking for you!" Hinawakan nya sa braso si Lukas saka hinila ito patayo. "Tara, hinahanap ka nila Mallory!"
My smile dropped. Oh.
"Teka, si Haya-" banggit ni Lukas but his words were cut off by Irah's high pitched voice.
The girl looked at me and plastered a smile on her lips. "Hi, dear, kunin ko lang si Lukas if you don't mind? Hinahanap kasi sya ng ibang friends namin," walang ka abog abog na sabi nito sa akin.
It feels like she's just letting me know, hindi yung hinihingi nya talaga iyong consent ko.
Tumingin ako kay Lukas and he looks like he's eyeing be on how would I react.
"Okay lang naman. I don't mind," sabi ko.
Lukas looked at me. I gave him a nod.
Dala ang bote nya ng beer, he stood up saka umalis kasama si Irah.
I grabbed my beer and gulped it down.
It tastes bitter especially today.
Maya maya pa'y umupo si Ate Yuli sa tabi ko bitbit ang kanyang plato na may pagkain.
"Ngayon ka pa lang ka- kain, ate?"
"Oo, beh. Sobrang daming inaasikaso kanina. Ikaw? Kumain ka na?" Tumusok sya ng isang lumpiang shanghai saka kinain.
"Tapos na ate," sabi ko. Inikot ikot ko ang beer na nasa kamay ko.
"Nakita ko iyon," sabi ni Ate.
I looked at her and smiled. "Ang ganda pala ni Irah sa malapitan 'no?"
Ate scoffed. "Maganda lang mukha niyan pero hindi maganda ugali nyan."
Hindi na ako nagulat. Base pa pang sa interaction namin na iyon, I already feel something off about her.
"Hindi ko alam kay Lukas bakit ba sinasamahan pa rin nya yun."
"Lukas looks okay with her. I mean, they seem to click?"
Pagkatapos nyang ngumuya ay uminom sya ng tubig. "Ikaw ba, do want to show your ugly side sa taong gusto mo?"
"No."
"Ganun iyon beh, " aniya. "Kung gusto mo yung tao, gugustuhin mong ipakita lang yung side na maganda sa'yo for them to like you back."
"Umaasa pa rin sya na Lukas would like her?" tanong ko.
I remember ate saying na walang ka abog abog na binasted nitong si Lukas si Irah.
"Yes. That's why she's being territorial. Tingnan mo nga, she desperately pulled him out nang magkausap kayo. Do you wanna know why?"
Hindi ako sumagot.
"Simple lang. It's like animals getting agressive when they see a threat."
Na gets ko kaagad kung anong ibig nyang sabihin.
Irah saw me as a threat that's why she was kind of being territorial and think it's absurd. Why would she see me as one?
Ate finished her meal saka muling tumayo at nagpaalam na babalik sa pag aasikaso.
Mag na isa lang ulit ako sa table namin. Luminga ako para hanapin kung nasaan naka upo sina Lukas pero ang na hagip lang ng mata ko ay si Kia na nakikipag tawanan sa mga ka- kilala nya. Nagkatinginan kami kaya't hinila nya ako kung nasaan sila at ipina kilala sa mga ka kilala nya.
After an exchange of hi and hellos, I excused myself. Sabi ko may kukunin lang ako. Dumiretso ako sa station kung saan puwedeng kumuha ng drinks.
I saw the same guy na naka gulatan ko sa pintuan kanina. Mukhang kumukuha din sya ng beer. Lumapit ako sa tabi nya at inabot iyong isang bote. I was waiting for him to finish so I can use the bottle opener.
The guy faced me and handed me the beer na naka bukas na then he swiftly snatched the bottle on my hands at binuksan iyon saka inimuman.
"You can have that," sabi nya.
"Salamat..."
Magka harap kami at parehas na may hawak na mga beer sa mga kamay habang parehas na pinagmamasdan ng mga nagsasaya na mga kaibigan at kakilala.
"Ngayon lang kita nakita rito. Bago ka lang?" pag o- open nya ng topic.
"Ah, oo. Kakalipat lang namin," sagot ko.
Nalihis ang tingin ko sa likod ng lalaking kausap ko nang mahagip ng paningin ko si Lukas na naka upo katabi ni Irah na kulang na lang ay isiksik ang katawan nito sa kanya.
His eyes narrowed while directly looking at me.
"SPU?" tanong ng kaharap ko. Pinutol ko ang tingin ko kay Lukas at muling tumingin sa kausap ko.
I nodded. "Second year."
"I see," sabi nya saka lumingon sya sa gilid. "Excuse me."
"Go lang." Umalis na iyong kasama ko.
Bumalik na rin ako sa lamesa namin. Naabutan ko na roon si Kia, Ate Roan at Kuya Jule na naka upo na. Si Kia mukhang nagpapa hupa na samantalang si kuya naman, inaalalayan si ate Roan na naka inom na.
"Maya maya uwi na rin tayo. Wag na kayong mag dagdag ng inumin," sabi ni kuya.
Kalahati na lang naman at ubos na ang inumin ko.
Pinapanood ko yung mga nagsasayaw sa gitna and I realized na hindi pala ako nag sayaw. Ayos lang naman. Mas gusto kong mag chill lang sa upuan kaysa mag kalat sa gitna and embarrass myself.
Nakita kong parating si Lukas sa lamesa namin at may bitbit na mga bote ng tubig saka inilapag nya iyon sa harap namin.
"Anong oras kayo uuwi Jules?" tanong nya kay kuya.
"Maya maya pa pre. Ipina pahinga ko muna 'tong mga to. Ikaw? Napako ka na doon kila Irah ah."
"Samahan ko daw sila eh."
Sus. Para namang hindi makaka function iyon kung wala sya.
"Ay yun lang."
I gulped down the remaining drink on my bottle saka ibinaba ito ng wala ng laman.
"Hinay hinay sa pag inom." Inabot nya yung isang bote, binuksan, saka ipinatong sa harap ko. "Balik muna ako dun pre ah," paalam nya.
Kuya nodded at saka bumalik doon sa table nila Irah.
Alas onse ng gabi ng humupa ang party. Iyong mga kamag anak ni ate Ame, nagsi uwian na. Ang mga natira na lang ay yung mga ka edaran namin na it's either lasing na o nagpapahinga na lang tulad namin.
Si Ate Roan, tuluyan ng bumagsak. Si Kia, nakaka dilat pa naman. Si ate Yuli, naka inom pero kaya naman. Si kuya Jonas, hindi naman mukhang lasing.
"Ano? Tara na uwi na tayo," pag aaya ni kuya Jonas.
"Tara na. Bagsak na 'tong mga ito oh."
Tinawag ni ate Yuli si ate Ame para magpaalam na uuwi na. Tumayo na rin ako at inalalayan si Kia na pa pikit pikit na rin papunta sa labas.
Ihinatid kami ni Ate Ame sa labas. Isinakay na namin ni kuya sina Ate Roan at si Kia sa likod ng Vios. Si ate ay diretso na ring pumasok sa shotgun seat.
"Haya, sabay ka na lang sa akin," si Kuya Jonas.
"Hmmm..." Napalingon kaming lagat sa may gate.
Ang mga braso ni Lukas ay naka suporta sa bewang ni Irah na zigzag na maglakad at halos hindi na rin maka dilat.
"Oh. Tumba na rin yan ah," si Kuya Jule. "Saan kayo? Pauwi na?"
"Oo. Ihahatid ko na rin si Irah sa kanila," sagot ni Lukas saka sumilip sa loob ng sasakyan at dumiretso sa akin ang tingin nya.
"Di na kasya sa Vios? Doon ka na lang sa akin, Haya. Dala ko naman yung Montero."
Napa tingin ako kay Irah na kapit na kapit na kay Lukas. "Hindi na, Lukas. Kay Kuya Jonas na lang ako sasabay. Hatid mo na lang si Irah sa kanila."
Naalala ko yung usapan namin ni Penny. Mukhang hindi ko na kailangang magtanong dahil nasa harap ko na ang sagot.