Chapter 13

4055 Words
Malamig na ang simoy ng hangin and classes are often cancelled since pumasok ang Ber months dahil sa sunod sunod na bagyo at baha. Honestly, this is my type of weather. I love staying in bed while rolling in blanket tapos manonood lang ako ng movie all day. Masaya sana kung ganoon nga. Kaso in reality, hindi man lang ako maka higa dahil napako na ako sa desk ko to do every activities that I have to pass. Ber na ber months na rin dahil kita na sa bahay nila Tita Rosa ang mga Christmas decors ma pa loob man o labas ng bahay at tuwing linggo rin ay nagpapa tugtog na si Tito Simon ng Star ng pasko sa malaki nyang speakers at umaabot na hanggang rito ang tunog sa bahay. Ber months also means Foundation Week ng St. Pio University. A week with no pending activities, graded recitations and deadlines. Yun nga lang, required to attend kasi may attendance. Madaming naka line up na activities for the week. Mayroong theater play, dance competition, art exihibit kung saan kasali si Kia, intramurals, game booth at SPU Fair to end the week long celebration. "Kia, what the..." Kia's painting is the largest among others. It's an abstract portrait painting and she used a good mix of mostly warm and cool colors that nicely builds the feel of the painting. "Surprise!" Kia laughed at my reaction. Maging sina Ate Yuli ay naka nganga sa painting na nasa harap namin. "Ang ganda!" si Ate Ame. Ang mga studyante na nasa paligid namin na tumitingin rin ng artwork ay napapa lingon na rin. Hindi dahil naka nganga kaming lahat, kundi dahil ako iyong nasa painting ni Kia. It is a portrait of me that she painted based on the picture of me during Freshmen Ball that I gave her last summer. I didn't know that it will be displayed here. Talaga namang pinatulan ko iyong dahilan nya na bored sya. Akala ko talaga parang pang display lang sa kwarto iyong painting na gagawin nya. I really didn't expect to see my face on the walls of the art room of St. Pio University. Sobrang gandang ganda ako sa painting. It's like a more magical version of me. "So? Puwede na ba?" Kia nudged at me. Pinalo ko sya sa braso. "Anong puwede na? Kia, this is too beautiful! Puwede ko bang i uwi to?" She laughed."I'll ask Maam Morales kung hanggang kailan idi- display ito dito." "Hindi ko naman ine- expect na exihibit worthy pala yung mukha ko." "Why? Ang dami nga ang nagagandahan sayo, oh." She motioned me to look around and there are few people na naka tingin sa direksyon ko. Just because they're staring does not mean that I'm pretty. Sa gitna ng quadrangle, naghahalo iyong mga game and food booth from different courses. Sa amin, we built a hotdog on sticks booth. It was Mica's idea. It's very easy to prepare, mura at mabenta pa. We're all taking turns sa pag babantay ng booth and it happens na today is not my turn kaya't sumama ako sa mga pinsan ko. Penny, on the other hand, is in the booth. Isa sya sa mga nagbabantay ngayon. Habang nag iikot, nakasalubong namin yung love birds. Sina Ate Roan at Kuya Jule. Ang ending, nagsama sama din kaming lahat. "Tara sa booth ng Educ.," pag aya ni Ate Amelie. "Nagbebenta raw sila ng milktea." Naglalakad kami papunta roon nang makatanggap ako ng text message mula kay Lukas. Lukas Orion: Nasaan kayo Hayabear? I told him na papunta kami ng booth ng educ and he replied na papunta na raw sya. Ever since that night of ate Amelie's birthday, I told myself to maintain a safe distance with Lukas but after that night, para bang lalo nyang tinatawid yung distansyang binibigay ko. "Beb ayan na si Lukas oh," si Ate Yuli. Lumingon ako sa mga likod ko at nakita si Lukas na papalapit na sa amin. Habang naglalakad, inaayos nya iyong kulot nyang buhok ng kaliwang kamay nya. His lips curled up nang makita nya nyang nakatingin ako sa kanya. "Oh, akala ko ba hectic sa inyo?" si kuya nang makarating si Lukas. "Hindi na masyado ngayon," aniya. He stopped beside me and winked. "Hiramin ko muna si Haya." Nagtaas ako ng kilay habang lumingon sa kanya."Sinong nagsabi sayong papayag ako?" "Hindi ako nagtatanong. Ipinapa- alam ko lang," aniya. "At saan mo na naman dadalhin yung pinsan ko?" tanong ni Ate Yuli. "Basta. Ako na mag hahatid ka Haya pa uwi." "Iuwi mo ng buo yan ha." "Yes, maam. Noted." I caught a glimpse of Ate Yuli looking at me. Nang mas nagiging malapit kami ni Lukas becase we are constantly texting each other, I was honestly afraid of how they would see it. Lalo na kay Ate Yuli dahil sa palala nya noong nasa bench kami but to my surprise, she is okay with everything. They are okay with it. Minsan pa nga'y apat na sila nina Ate Roan, Ate Amelie ang nang aasar tuwing lalapit na si Lukas. Hindi lang naman sa akin naging mas malapit si Lukas. He's also gotten closer to my cousins. One thing that I noticed about Lukas is that he knows a lot of people but he has little to no friends. But now, mayroon na siyang kami. Hinawakan ni Lukas yung mga braso ko sa likod saka iginaya ako palayo sa mga pinsan ko. Nang medyo maka layo kami, binitawan nya na ako and then he walked beside me. "Saan na naman tayo?" tanong ko. "Secret nga." Sinusundan ko lang kung saan nya trip pumunta pero napansin ko na kaagad na palabas na kami ng gate. "Huy, bakit pa labas na tayo?" "Nakapag attendance ka naman na diba?" Tumango ako. "Good. Kasi may pupuntahan tayo sa labas." Kaya naman pala naka white shirt, leather jacket at naka boots na sya. Lumapit kami sa motor nya at tulad ng dati, sya ang nag suot ng helmet sa akin. Buti na lang talaga at naka brown na blouse, itim na jeans at boots ako. Sumakay kami sa motor and then he drove to our destination. It is a lighthouse. Lukas took me to a 33.5 meters high white lighthouse na open ang cylindrical round top nito na may railing sa gilid and is located at the end of a cliff above the ocean. To reach the lighthouse, you have to go up by walking up sa sementadong hagdan. Para akong nag cardio exercise pag dating namin ni Lukas sa taas. At aakyat pa ulit hagdan to reach the top. Para rin akong liliparin sa sobrang lakas ng hangin sa taas. Kung hindi lang ako hinawakan sa braso ni Lukas ay baka lumipad na rin ako. Sa taas, kita mo sa harap ang kumpas ng mga alon sa dagat. Sa likod naman ay makikita ang mga berdeng berde na mga bundok. This is a first, too. This is the first time that I'm in a high place at hindi ang mga matataas na office at condominiun buildings, cars stuck in a traffic at a highway at city lights ang nakikita ko. Instead of cigarette smokes and polluted air ang nalalanghap ko, I can smell nature. Para bang naghahalo ang amoy ng lupa't halaman galing sa bundok at ang alat ng dagat. I went to the railings of the lighthouse saka dinama ang hangin. Kanina pa tama ng tama ang buhok ko sa mukha ko pero ayos lang dahil feeling main character na naman ako sa moment kong iyon. Feeling ko tuloy ako si Rose ng Titanic na naka tayo sa edge ng barko. Nilingon ko si Lukas and he's just looking at me, smiling. Being here is so freeing. Kung sa cliff ay eye pleasing, sa lawa ay healing, dito naman ay freeing. "Haya, come here," tawag ni Lukas. Pumunta sya sa likod ko and then tied my hair. "Saan galing yung tali?" tanong ko habang kinakapa ang buhok ko. Tumabi si Lukas sa akin at ipinatong ang mga kamay nya sa railings. "It's with me. Tali mo 'to eh. Nilagay ko sa wrist ko just in case kailanganin mo, " he said. Pwede bang mag melt dito? Because I am honestly so touched with the gesture. I didn't know na pati iyon ay mapapansin nya. "Thank you, Lukas. Bakit mo pala ako dinala rito?" "Wala lang. I just love going to places with you. I love seeing your amused face tuwing dinadala kita sa mga ganito." "It's because all of these are new to me. I got to be here and experience all this for the first time. Everything here is fascinationg for me. Manila is different from here, you know." He nodded then looked at me. "Right. Hindi araw- araw na makaka kita ka ng ganito roon. Kailangan mo pang dayuhin." I nodded. "Sa sobrang bilis ng buhay roon, minsan gugustuhin mo ring lumayo," sabi ko. "Do you miss it?" tanong ni Lukas. "Do I miss what?" "Being there?" "I do. But I'm here now. Gaya ng sabi mo sa akin noon, it's not so bad here." "Yeah. I'm glad you're here, " aniya. Minsan, I wonder if it's okay to have fun here like this. After we went to the Lighthouse, dumaan muna kami sa paborito nyang waffle house para mag meryenda. He ordered Belgian Waffle with vanilla ice cream drizzled with chocolate syrup and with oreos on top for me samantalang sa kanya ay Belgian Waffle rin with nutella spread, whipped cream at banana on top saka dalawang iced americanos. Lukas loves waffle above anything that he could eat it everyday. "Did you enjoy?" "I did. Thank you, Lukas." Napansin ko na may whipped cream sya may braso so I got a tissue saka pinunasan iyon. "Ayan ang kalat naman kumain ng baby damulag na yan," pang asar ko. He giggled. "Baby mo." Nag init ang pisngi ko. I can not believe I'm blushing because of a corny comeback! "Ew, no!" "No ka diyan. Baka mamaya crush mo na nga ako?" Natigilan ako sa sinabi nya. Pakiramdam ko I am being caught red handed. "N- no!" "Dali na, aamin lang eh." He smirked. "Lukas, sinasabi ko sayo tumigil ka sa kaka asar sa 'kin dahil pakiramdam ko mailuluwa ko iyong waffle na kinain ko." He laughed. "Sige, ako na lang aamin." Parang may static sound na dumaan sa tainga ko't nabablangko na naman ako dahil kay Lukas. Hindi rin naka tulong na kape ang iniinom ko dahil grabe na naman iyong palpitations ko na para bang tatalon ang puso ko. "H- ha?" "Crush kita," sabi nya na parang wala lang. "Naalala mo nung tinalian kita sa may cliff? Doon ko sinabi sa sarili ko na crush na talaga kita." My god why is he so cool about this? "Kung joke 'to may time ka pa para bawiin." Ibinaba nya iyong baso ng kape na iniinom nya. Hindi sya makapaniwala na hindi ko pinaniwalaan iyong sinabi nya. "Mukha bang joke 'yun?" madramang sabi nya. "Seryoso ako!" Oh Gosh. I just can't with Lukas Orion today! "How can I take that seriously eh hindi ka nga mukhang seryoso?" His curled up lips slowly straightenened at ang mga mata nya'y naging mas matalas na rin. Isinakop pa nya ang mga daliri nya saka seryosong tumingin sa akin. Ano na naman 'tong pakulo nya? "Crush kita," diretso at walang halong biro na sabi nya. I bursted out laughing sa pagseseryoso nya. "Pfft! Ano ba! Ang seryoso mo!" His face went back to being bright and jokingky scoffed at me see. "Ewan ko na lang talaga sa 'yo Helena Ysabel." Hinatid ako sa bahay ni Lukas. The whole time na nasa waffle shop kami, ngisi lang sya ng ngisi, inaasar yung expression ko. He is the one who confessed pero bakit ako iyong nahihiya? Bakit ako iyong inaasar nya? Sabi nya seryosong confession raw iyon na crush nya ako pero kanina pa sya tawa ng tawa! How am I supposed to take that information? Nang nasa labas na kami, bumaba ako sa motor nya saka tinanggal sa ulo ko ang helmet. "Sa 'yo na yan," sabi nya. "Seriously, Lukas, kung inaasar mo na naman ako hindi na talaga ako magpapakita sa 'yo ever." He released a small laugh. "Hindi nga! Hindi na nga kita inaasar. Sa 'yo na talaga yan." "Bakit? Anong gagawin ko rito?" "Itabi mo sa pagtulog." I swayed the helmet in front of him pero hinawakan nya iyon at ibinaba. "Biro lang naman!" "Ano nga kasi?" "Sa 'yo na yan dahil from now on, itinatalaga na kita bilang road trip buddy ko. Ibig sabihin, ikaw ang official backride ko sa motor dahil na sayo ang helmet," aniya. This... is seriously making me feel different things. Lukas giving me his other helmet is like a symbolism of him giving me a position into his life. "I- I don't know what to say. I'm just so thankful." "Of course, crush." And there, pumasok ako sa bahay nang bitbit ang helmet ni Lukas, nakangiti, at namumula ang pisngi. lukas0rion tagged you in a post. Agad kong kinlick iyong notifications na iyon. Pictures of the lighthouse, view of the ocean, view of the mountains, the waffles that we ate, and a picture of me na naka talikod, naka harap sa dagat at naka hawak sa railings habang nililipad ang buhok. He captioned it, 'Alive.' Nung una nagtaka pa ako sa napaka random nyang caption but then I realized that my nickname, Haya, means life or alive in hebrew. He's really something else... May mga nag comment na mga username na hindi ako familiar asking kung sino raw ako, kung ano ako ni Lukas, at kung ano kami ni Lukas. Maya maya pa'y umulan ng follow request ang account ko sa i********:, mostly from girls. Here comes the girls na nagkaka gusto sa kanya, I guess. Hindi ko na lang pinansin and then I exited the app. Kaka labas ko lang ng CR from showering nang maabutan ko si Kia na naka upo na sa kama ko't hawak ang phone nya na ibinaba nya rin nang makita ako. "Ang ganda naman ni ate mo girl, oh. Naka display ang mukha sa art exihibit tapos may i********: debut pa sa account ni Lukas" sabi ni Kia. "Anong feeling na i flex ni potential jowa?" Pinanliitan ko sya ng mata. "Potential jowa ka diyan." "Eh ano kayo? Harot harot lang ganon?" Umirap sya saka kinuha nya iyong chips sa lamesa saka sumandal sa headboard ng kama ko. "Friends?" Kia heaved a sigh. "Girl, walang friends na nagbibigayan ng helmet kasi travel buddies na sila." "Edi meron na. Kami. Saka ano..." Umusog sya papalapit sa akin. "Ano yan? Anong chika yan?" Kia's eyes are full of anticipation to whatever I'm gonna say. "Umamin sya about something." Kia's breathing hitched. Mga ilang segundo ring nanlaki ang mga mata nya't naka titig lang sa akin. Natauhan ata sya dahil inalog alog nya na ako. "Oh my gosh? Oh my gosh!" Dali daling binitawan ni Kia iyong hawak nyang chips saka inalog alog ako. "Teka lang! Teka! Teka!" Kinalas ko ang pagkakahawk nya sa akin at sya naman ang hinawakan ko para ikalma. "I don't mean it to be that type of confession." Bumagsak ang mga balikat nya tumalas rin ang tingin ng mga mata nya sa akin. "Niloloko mo ba ako?" "Hindi! I mean he confessed me something but it's not like that." "Eh ano nga?" naiinip nyang sabi. "Crush nya daw ako." Unlike kanina na overly excited sya, mas mukha syang kumakalma na ngayon. "That's... cute." "Cute?" Kanina ang daming sinasabi tapos ngayon cute lang? "Yeah. Ano kayo? High school?" Kung pwede lang talagang mang dukot ng eyeballs, kanina ko pa ginawa dahil itong si Kia kanina pa irap ng irap sakin. "Sya yung nag confess? Bakit parang kasalanan ko?" I said impersonating the voice of Bobby Salazar's character. "Anyway, hayaan mo na. Dyan rin naman nag uumpisa yan. Good luck na lang sa'yo pag nagpang abot na kayo ng mga may gusto sa kanya. Wag kang magpapatalo ha? Tandaan mo, mas may edge ka. Ikaw ang crush." *** I dipped the hotdog on the batter at dali daling inilubog ito sa kumukulong mantika. Kami nina Aki, Mica, Pearl, Klair at Jazper ang naka toka for the day na magbabantay sa hotdog on sticks or corndog na booth namin. Thankfully, malaki laki na rin ang profit namin from this dahil hindi naman sa pagmamayabang pero pinipilahan iyong food namin. "Yung mga walang ginagawa, mag tusok na kayo ng hotdogs sa stick tapos ilagay nyo sa container para diretso batter na lang kayo mamaya," Penny instructed. Penny's here too. Maliban sa hindi nya ako kasama, tinatamad rin daw sya mag ikot ikot kaya dito na lang sya sa booth. "Oo na! Oo na! Mag ikot ka na doon Penelope! Ang ingay ingay na nga dito dadagdag ka pa!" sabi ni Aki kay Penny. Yari na talaga si Aki kay Penny nyan. Calling Penny her real name Penelope is so offensive for her that it sounds like, according to her, you are cursing her and bestowing bad luck upon her. She just abhores her name. All because hindi raw bagay sa personality nya yung Penelope. Penelope's cute tho. Tumayo si Penny tapos lumakad pa lapit kay Aki saka pinalo sya ng barbecue sticks na hawak nya. "Eh kung ikaw yung tusukin at i prito ko sa kumulong mantika, Akihiro?" Tumunog na ang timer kaya't ini ahon ko na ang mga naka lubog na corndogs to saka inilagay sa strainer to remove the excess oils. "Corndog nga." I looked at the customer and smiled who happened to be Irah. Babatiin ko pa sana sya at sasabihing we met at Ate Amelie's party kaso her arms are crossed at naka taas rin ang kilay nya sa akin. For some reason, she looks so mean to me and I know that she's been eying me dahil hindi nya naman itinago ang pag titig nya sa akin. Her eyes are shooting daggers already. I maintained my composure and nicely greeted her. "Hi, ilang corndogs for you?" "Isa lang. Mag isa lang ako rito diba?" She rolled her eyes on me. Na shock ako sa pag a- attitude nya bigla. Isang tao lang sya pero malay ko ba kung pang dinosaur yung appetite nya? O di kaya ay may pagbibigyan sya? Nakuha nun ang atensyon ng mga kasama ko that they stopped what they're all doing. Si Penny na inaaway si Aki ay naging alerto na rin. "Sorry." Kumuha ako sa lagayan ng luto na corndogs saka iginulong sa asukal saka ini abot sa kanya. "Here. Fifteen pesos ang isa." "Bakit mo nilagyan ng asukal? Sinabi ko bang lagyan mo?" asik nya. Tiningnan nya lang iyong corndogs na inabot ko sa kanya. "Hoy miss-" singit ni Penny pero I stopped her. "It's in our recipe na may sugar coating iyong corndogs pero puwede namang hindi lagyan kung request ng customer. Basta sasabihin," matiim kong sabi. Kailangan ko ng pasensya. Hindi ko kailangan ng gulo ngayon. Irah shifted her position at ngayon naka pamewang na sya. Naka taas na ang mga kilay nya ng todo. "So you are telling me na ako pa ang dapat mag adjust sa inyo?" she said, almost shouting. Nagtinginan iyong mga nasa paligid ng booth namin sa halos pag sisigaw nya. May iilan pang lumapit para maki usyoso. Haya, kumalma ka. It's okay. You can handle this. "No. That's not what I meant-" then she cut me off again. "Tss. Lukas is not even a match for you," my ears caught her saying. So this is about Lukas Orion. Kaya nya ako sinusugod rito ay dahil kay Lukas. Ah. I get it now. She's acting this way because I'm close with Lukas. Mga ilang babae na kaya ang inaway nito? Huwag papatol, Haya. It's not worth it. "Here. Fifteen pesos." Inabot ko iyong corndog na walang asukal sa kanya pero hindi nya inabot. "Never mind! I am so disappointed in this stall. Oh my gosh!" "Edi umalis ka! Bruha na 'to!" Penny stepped on the scene. "Nagbebenta kami ng maayos rito tapos mag a-attitude ka riyan? Alis! Kala mo malaking bagay fifteen pesos mo? Bigyan pa kita ng bente lumayas ka lang dito!" Lalong nalukot at mukhang nang gigil ang mukha ni Irah sa sinabi ni Penny. Seriously, what's up with Irah? Gets ko naman na gusto nya si Lukas but does she really have to go this far? She's starting to look desperate. "See? See that people! Gosh they are so rude!" I panicked nang makitang pinalilibutan na kami ng mga tao. They're whispering to themselves and some are taking videos and pictures of what's happening. "No. You are the rude one here. Kung itong pag sugod mo eh dahil kay Lukas, you can go. Walang kami ni Lukas if that's what you're worried about." "Then layuan mo si Lukas! Bakit ba ikaw ang sinasamahan nya?" sigaw nya. Lahat kami ay nagulat sa pag burst out ni Irah. Jealousy is really a poison. "You ask Lukas that yourself. Isa pa, you can't tell me what I should or should not do. You have no control over my life. Ni hindi nga kita kilala." I spat back. Nagulat ako nang biglang lumipad ang kamay ni Irah at dumapo iyon sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang pangangatal ng pisngi ko sa ginawa nya. The next thing I know, hinahawakan na rin ni Irah ang pisngi nya. "Ang kapal ng mukha mong sugurin rito at sampalin yung pinsan ko?" Inangat ko ang tingin ko at nakita ko na lang si Ate Yuli agressively pointing at Irah. Nagpupuyos sa galit ang mukha nya and it's like mabibigwasan nya anytime si Irah. "Ate..." Umalis ako sa loob ng tent saka dinaluhan si Ate Yuli na hawak niAte Roan at Ate Amelie. "Anong karapatan mong sampalin ako?" sigaw ni Irah. She is standing there na para bang wala syang ginawang masama at sya pa ang na agrabyado. "Anong karapatan mo rin na pag buhatan ng kamay si Haya? Ha? Ano, sige! Magpapaka delusyonal ka tapos susugod ka rito? Hibang kang witch ka!" Inalog ko ang kamay ni Ate Yuli para kunin yung atensyon nya dahil talagang papatulan nya si Irah. Kinakabahan ako na baka kung saan pa umabot iyong nangyayari dahil ang dami na talagang naka palibot sa amin. "Ate... tara na muna. Hayaan mo na sya." I pulled Ate's arms away from the scene. Naka tambay kaming anim sa likod ng building ng mga Arki kung saan may mga stone bench na puwedeng upuan. Si Penny at Kia dumating rin na nagpupuyos sa galit. Nabalitaan daw ni Kia nya dahil usap usapan daw sa buong Uni iyong nangyari kanina. Nahihiya ako sa nangyari kanina sa totoo lang. I know it's not my fault but I am involved and I am being anxious about everything. Kaka lipat ko lang rito pero may issue na agad ako. "Naku! Makita ko lang talaga yang mukha ng Irah na yan papantayin ko talaga yung sampal ni Ate sa kanya!" si Kia. Inilapit ko ang baso ng watermelon shake sa pisngi ko na dala ni Penny para humupa ang pamumula. Wala raw kasing yelo sa canteen and the coldest thing na mabibili sa canteen ay ito. "Buti nga nahawakan namin ni Amelie eh. Kung hindi baka si Yuli mismo nag pantay ng sampal doon," kuwento ni Ate Roan. "Kala nya papatulan sya ni Lukas sa ginawa nya? Asa sya!" si Penny. "Diba sabi ko sayona wag kang papatalo if they would come to you?" hinarap ako ni Kia. "Sis, you have the upper hand!" "Ay, hindi nagpatalo yan, Kia. Binugahan nya ng pang classy na comeback yung bruha tapos ayun, hindi na ata kaya ng capacity ng brain nun kaya nanampal na lang." "Haya, okay ka na ba? Okay ka lang?" tanong ni Ate Roan. Hinagod nya iyong likod ko. "Okay lang, ate. Salamat sa inyo. Kung wala kayo doon baka di ko alam kung anong gagawin ko," I told them. "Ano ka ba, sampal pa lang yun beh. Kayang kaya kong makipag bardagulan para sa'yo, sa inyo." Ate Yuli reached for my hand saka marahang pinisil iyon. I warmly smiled at them. Buti na lang, they're by my side.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD