Tama ako. Tama ako nang sinabi ko na makalabas lang kami ng kwarto ni Ate Roan, alam na lahat ng tropa kung ano ang chika. I am being bombarded with questions from the tropa at pati kay Penny nakarating na rin at's kind of stressing me out. Panay tunog ng messenger ko sa kaka message nila para maka sagap ng chismis but I don't want to give them the chika. Bahala sila dyan. Lalo na si Kia na pinuntahan pa ako sa kwarto ko para magtanong. Ang dami dami ko ng iniisip. Isa pa at lalong lalo na si Khalil na halos hindi ako kinikibo buong maghapon sa office. Hindi lang ngayon. Ganyan na sya kahapon pa. Magsasalita lang sya kapag may importante syang sasabihin but other than that, wala na. Naka zipper na ang bibig nya. Pinalagpas ko lang kahapon kasi iniisip ko na baka mas magalit sya sa akin n

