Kunot noo akong tinitigan ni Khalil na para bang may mali sa kinikilos ko. Nagliligpit lang naman ako ng gamit. Naka tayo lang sya habang naka tukod ang kamay nya sa upuan. "Bakit ba kasi nagmamadali ka? Wala namang humahabol sa atin," aniya. "Bawal ba akong magmadali?" sagot ko sa kanya. Paano ba naman kasi, ngayon ang usapan namin ni Lukas na mag sabay na pumunta kina Ate Roan sa hospital and it's five minutes before our out. Dahil wala akong contact sa kanya, hindi ko alam kung on the way na ba sya o hindi. Nagmamadali man, sinigurado kong maayos at in order ang mga folder ng mga papers saka ipinasok sa drawer ng desk ko at pagkatapos ay ni- lock ko ang drawer para hindi mawala ang mga papel. Hindi naman sa natatakot ang may kumuha o mawala pero para sa peace of mind ko na hindi ma

