“Anong ginagawa ng mag-inang ‘yan dito, Andrade!? Hindi ka na ba na awa sa akin? Nasira na ang kasal natin, napahiya pa ako sa harap ng maraming tao! Kaya wala na akong mukha pang maihaharap sa publiko!” Nanggagalaiti na sigaw ni Stella habang nakasunod ito sa likod ni Andrade.
Walang tigil sa pagpapakawala ng buntong hininga si Andrade. Sinisikap niya na habaan pa ang kanyang pasenya. Kanina pa siya naririndi dahil sa lakas ng bunganga ni Stella.
“Look, Stella, anak ko si Chiyo, kaya hindi mo sila pwedeng paalisin dito.” Nagtitimpi na sagot ni Andrade na ngayon ay kasalukuyan itong naghuhubad ng kanyang polo. Nakatayo ito sa gilid ng kanyang kama.
“So it means, niloloko mo lang ako, ganun? Pinalabas mo lang na baôg ka, para hindi magkaanak sa akin!?” Galit na singhal ni Stella kay Andrade habang ang mga luha nito ay nagsisimula ng pumatak.
Tuluyan ng napikon si Andrade kaya mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Stella.
“Ilang beses ko bang ipapaliwanag sayo na hindi kita niloko!? Okay? Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako magkaanak sayo.” Kulang na lang ay alugin niya ang dalaga para matauhan ito. Dahil ang tingin ngayon ni Andrade dito ay parang bata na kay hirap umunawa.
“Parang gusto mo yatang palabasin na ako ngayon ang baôg. ganun ba? Na ako ‘yung nanloko!? Ang s-sama mo, Andrade! Buong buhay ko minahal kita! Sa kabila ng nalaman ko sayo ay narun pa rin ang pagtanggap! Hindi kita iniwan bagkus inunawa pa kita. Tapos ito ang isusukli mo sa lahat ng mga sakripisyo ko s-sayo!?”
Basag na ang boses ni Stella at halos hindi na rin niya magawang dugtungan pa ang mga sasabihin dahil sa labis na pag-iyak.
Nilukob ng awa ang puso ni Andrade kaya kinabig niya ito at mahigpit na niyakap.
Habang yakap niya si Stella ay biglang natigilan si Andrade. Pinakiramdaman niya ang sarili, hanggang sa napagtanto niya na tanging awa na lang pala ang nararamdmaamn niya sa kanyang kasintahan.
Parang gusto pa nga niya na lumayo dito dahil pakiramdam niya, tutol ang kanyang dibdib sa presensya nito.
“Don’t worry, magpapacheck-up ulit ako, but this time ay sa doctor na ng pamilya ko.” Malumanay na wika ni Andrade.
Biglang natigilan si Stella at napalunok ito ng wala sa oras. May pag-aatubili na kumalas ito mula sa kanyang mga braso.
“N-No, I mean, hindi na kailangan, nauunawaan ko naman ang nararamdaman mo. And besides, hindi ba’t ayaw mo ng magpasecond opinion? Dahil masakit para sayo ang marinig na sa panagalawang pagkakataon ay mabigo kang muli.” Nag-aalala niyang pahayag.
Subalit, hindi lingid sa kaalaman ni Stella na kanina pa pinag-aaralan ni Andrade ang bawat ekspresyon ng kanyang mukha. Dahil nagsisimula ng bumangon ang pagdududa sa puso ng binata.
“Are you sure, Babe? Gusto ko ring malaman kung anak ko talaga si Chiyo.” Seryosong tanong ni Andrade.
“Higit na importante sa akin ang nararamdaman mo. Nauunawaan ko na kung bakit mo kinupkop ang mag-ina, dahil ito ang paraan para malinis ang pagkatao mo.” Ani ni Stella na ngayon ay nakangiti na. Masuyo niyang niyakap si Andrade bago isinandig ang ulo sa malapad nitong dibdib.
Ang hindi alam ng dalawa ay kanina pa nakatayo si Maurine sa may pintuan. Malinaw niyang narinig ang mga pinag-usapan ng dalawa.
Pakiramdam ni Maurine ay parang babagsak na yata ang kanyang dibdib dahil sa sobrang bigat nito. Hanggang sa kusang pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata.
Marahas niya itong pinahid gamit ang likod ng kanyang kamay saka nagmamadali na tumalikod.
“And do you think ay hahayaan ko kayo na gamitin ang anak ko!? Hm, no f**king way! Go on Quiller, I’ll show you who I really am.
Hindi ako papayag na aapakan ng babaeng ‘yun ang karapatan ng anak ko. Dahil pagdating kay Chiyo, kung kinakailangan na baliktarin ko ang mundo ay gagawin ko.” Ito ang tumatakbo sa utak ni Maurine habang naglalakad pabalik sa silid nilang mag-ina.
“Mom! Anong gagawin ko!? Nasa Mansion na ang mag-ina?” Bumubulong na saad ni Stella, kasalukuyang kausap niya ang kanyang ina sa kabilang linya. Nandito siya ngayon sa veranda habang naliligo si Andrade sa loob ng banyo.
“I told you! Bumalik kaagad sa Mansion, pero anong ginawa mo!? Mas inuna mo pa ang walang kwentang lalaki na ‘yun!” Nanggigigil na sagot ng kanyang ina. Marahil kung nasa harapan lang siya nito baka nabatukan na siya nito.
“This is not the right time para mag-away, Mom.”
“Then do something. Force him to marry you as soon as possible!”
Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Stella bago ito sumagot sa tinuran ng ina.
“Bakit hindi na lang tayo sumuko, Mom, I’m tired of this.” Walang ganang tanong ni Stella kaya mas lalong sumabog sa galit ang ina.
“Gusto mo bang maghirap ang pamilya natin? Ha? Dugo at pawis ang puhunan namin na ama mo para lang maging matagumpay ang ating mga negosyo. Pagkatapos ganun mo na lang kung itapon ang lahat!?” Anya na sinundan ng malakas na hagulgol.
Walang nagawa si Stella kundi ang tumahimik at tanggapin ang lahat ng sinasabi ng kanyang ina.
Tuluyan ng nawala sa kabilang linya si Mildred, kaya isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Stella.
“Paano ko ngayon mapipilit na pakasalan ako ni Andrade kung ang mga tingin nito sa babaeng impakta ay kulang na lang ay sambahin niya ito!?” Mariin na naglapat ang kanyang mga bagâng dahil iniisip niya na isang malaking sagabal ang mataray na si Maurine.