“Bakit may bata dito? Sino ang batang ‘yan?” Tila allergic sa bata na sabi ng isang boses babae mula sa labas ng silid. Mataas ang boses ng babae na halatang galit.
Mabilis kong inilibot ang aking tingin sa loob ng silid naming mag-ina. Ngayon ko lang napansin na wala pala sa silid ang anak kong si Chiyo. Kasalukuyan kasi akong nalilinis ng kwarto dahil Saturday naman ngayon.
Bukas kasi ay aalis kami ni Chiyo para bisitahin si Ate Miles. Ngayong araw kasi ang labas niya sa hospital. Kailangan muna nitong magpahinga dahil alam ko ang hirap na pinagdaanan nito mula sa panganganak.
Bitbit ang basahan na lumabas ako ng silid. Matinding kabâ ang naramdaman ko ng marinig ko na umiyak si Chiyo. Kulang na lang ay takbuhin ko ang silid ng ama nito dahil narinig ko na doon nagmumula ang iyak ng aking anak.
Naningkit ang mga mata ko ng datnan ko na dinudurô ng isang babae ang mukha ng katulong na may karga kay Chiyo. Habang ang aking anak ay halatang takot na takot.
Galit na lumapit ako sa mga ito at walang pasabi na tinulak sa dibdib ang babae upang magkaroon ng espasyo sa pagitan nila ng anak ko.
Subalit, hindi ko inaasahan na napalakas na pala ang pagkakatulak ko sa kanya, dahil na out of balance ang babae. Mabuti na lang at napahawak siya sa pader dahil kung hindi, sa sahig sana ang bagsak nito.
“How dare you scold my daughter!?” Singhal ko sa kanya habang pinanglilisikan ko ito ng mata. Mahigpit na nakakuyom ang aking mga kamay at isang nakamamatay na tingin ang ibinato ko sa kanya.
Nang nag-angat ng mukha ang babae ay saka ko pa lang siya nakilala. Ito ang fiancee ni Quiller na nagngangalang Stella. Nakadama ako ng konsensya pero nangingibabaw pa rin ang pagiging ina ko. Base sa mabilisang pagsusuri na ginawa ko, mukhang maldita ito at tila nasa pagkatao nito na hindi ito basta nagpapa sindak.
“You!? How dare you hurt me? Ang kapal ng mukha mo na tumuntong sa bahay na ito pagkatapos ng mga kahihiyang ginawa mo sa kasal namin ng fiancee ko!?” Nanggagalaiti na sigaw nito sa akin. Naalarma ako ng biglang lumakas ang iyak ni Chiyo. Ito kasi ang unang pagkakataon na makasaksi ang aking anak ng mga taong nagsisigawan.
“Dalhin mo muna sa kwarto ang anak ko.” Matigas na utos ko sa kasambahay. Nang tuluyang makalabas ng silid ang anak ko ay saka ko pa lang hinarap ang babaeng ito.
“Aminado ako na kasalanan ko kung bakit nasira ang kasal mo, pero karapatan ng anak ko ang pinaglalaban ko dito.” Matigas kong saad habang matapang na nakatitig sa mga mata nitong nanlilisik sa galit.
“Hindi anak ni Andrade ang batang ‘yan! Dahil baog ang nobyo ko! Ngayon mo sabihin sa akin na anak nga niya ang batang ‘yan!” Galit na sigaw niya sa akin na kulang na lang ay sugurin na ako nito. I think mas matanda siya sa akin ng walong taon. But for the sake of my child, hindi ako natatakot sa kanya.
Naramdaman ko ang pagdating ng mga kasambahay, at ramdam ko rin ang takot mula sa presensya ng mga ito.
“Aba’y malay ko kung bakit pagdating sayo ay naging baôg ang boyfriend mo. Malay ko ba kung para lang sa akin ang binhi ni Quiller? O baka naman expired na ‘yang matress mo?” Pang-aasar ko pa dito.
Naningkit ang kanyang mga mata, at dahil sa sinabi ko ay tuluyan na itong sumabog sa galit. Talagang napikon ang Ale.
“How dare you! Halika at kakalbuhin kitang impakta ka!” Nanggagalaiti nitong sigaw, tuluyan ng nawala ang pagka classy ng kilos nito. Galit na sinugod ako ni Stella, subalit hindi naman ako nagpatalo.
“Gawin mo! Hindi ako natatakot sayo!” Ganting sigaw ko kaya nagkagulo na ang mga kasambahay. Bago pa man makalapit ang mga katulong ay nahawakan na nito ang mahaba kong buhok.
Mabilis ko ring hinaklit ang maikli at kulot nitong buhok. Ang sagutan ay nauwi sa sabunutan.
“How dare you para sigawan ang anak ko! Mapapatay talaga kita!” Nanggigigil kong sigaw habang naghihilahan kami ng buhok, sabay sampal sa mukha nito. Dahil sa ginawa ko ay mas lalo itong nagwala sa galit.
“Impakta! Ilusyunada! Gold digger! Akala mo uurungan kita!? Hindi ako titigil hanggat hindi kayo lumalayas dito!”
“Oh, bakit bahay mo ‘to!? Ikaw ang lumayas dahil wala kang pinang hahawakan! In short wala kang karapatan! Ikaw ang ilusyunada!” Ganting sigaw ko, masakit na ang ulo ko pero batid ko na mas masakit ang kanyang ulo dahil ngayon ay hila ko na ang kanyang buhok.”
“What is this? Enough!” Malakulog na sigaw ni Quiller na siyang nag patigil sa pagbabatuhan namin ng mga salita. Subalit, patuloy pa rin kami sa pagsasabunutan. Wala ni isang nagpatinag.
“I said enough, Stella! Maurine!” Malakas nitong sigaw bago siya pumagitna sa aming dalawa. Mahigpit akong niyakap nito saka pilit na hinila palayo kay Stella. Habang ang tatlong katulong ay pilit na hinihila palayo sa akin si Stella.”
“Akala mo uurungan kita! Bitawan mo ako at kakalbuhin ko ang matandang ‘to!”
Nanggagalaiti na sigaw ni Maurine habang nakasabunot ang isang kamay nito sa buhok ni Stella. Pilit na nagkukumawala ito mula sa mahigpit na pagkakayakap ni Andrade.
Dahil sa pwersa na ginamit ni Andrade, napilitan si Maurine na bitawan ang buhok ni Stella.
Ngunit, matigas si Stella, malakas na hinila niya ang buhok ni Maurine kaya nasaktan ito.
“s**t! Stella!” Galit na sigaw ni Andrade na mukhang napikon na. Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ni Maurine upang hindi ito masyadong masaktan.
Nagtagumpay si Andrade na maalis ang kamay ni Stella sa buhok ni Maurine. Subalit hindi matanggap ni Maurine na naisahan siya ni Stella. Gustuhin man niya na gumanti ay tuluyan na siyang nailayo ng binata kay Stella.
“I said let me go! Bitawan mo sabi ako!” Si Maurine na ayaw magpaawat.
“Don’t touch me! Let me go! I will never stop until you leave this house, b***h!” Si Stella na hinampas pa ang kamay ng isang katulong.
“Hoy! Expired! You're the one who leaves this house!”
“What did you call me? Gold digger!?” Namumula na ang mukha ni Stella na wari mo ay sinilihan. Biglang sumakit ang ulo ni Andrade dahil sa dalawang babae na parehong matapang.
Dala ng matinding galit ay tinulak ni Stella ang katulong na may hawak sa kanya. Nasa awra ng babae na parang gusto na nitong patayin si Maurine.
“Stop it, Stella!” Galit na sigaw ni Andrade ng makita nito na mukhang susugurin na naman ni Stella si Maurine. Ang hindi alam ni Andrade ay nilalamon na ng matinding galit ang puso ni Stella dahil tila pinoprotektahan nito si Maurine gayung siya itong nobya.
“Bitawan mo ako! Ingungudngod ko sa sahig ang pagmumukha ng matandang ‘yan! Sisiguraduhin ko na manghihiram ka ng mukha sa aso!” Nangggalaiting sigaw ni Maurine habang ang lahat ng katulong ay nasa side ni Stella, pilit itong pinapakalma. Ngunit, nagdadalawang isip ang mga ito na hawakan ang babae dahil alam nila kung gaano ito kamaldita.
“Enough, Maurine!” Galit na sigaw ni Andrade subalit hindi inaasahan ng lahat, nang biglang lumipad ang matigas na tsinelas ni Maurine. Natigil ang lahat ng makita nila itong tumama sa pagmumukha ni Stella. Parang biglang nahilo si Stella at umatungal ito sa sakit, dahil ang tsinelas ni Maurine ay yari sa kahoy.
Natigilan si Andrade at madilim ang mukha na tumingin sa mukha ni Maurine.
“Told you, let me go.” Ani ni Maurine kay Andrade bago siya lumingon sa direksyon ni Stella. May luha na ang mga mata nito habang ang kanyang gitnang noo ay namumula na.
“Sa susunod na kantiin mo pa ulit ang anak ko ay hindi ako magdadalawang isip na burahin sa sampal ang pagmumukha mong ‘yan! Quits na tayo. Hmp!” Ani ni Maurine bago marahas na tinabig ang mga kamay ni Andrade na nakayakap sa kanya. Walang lingon-likod na tinalikuran niya ang mga ito upang puntahan ang kanyang anak.
Nakakailang hakbang pa lang si Maurine ng bigla siyang natigilan. Wala sa sarili na napahawak siya sa kanyang tiyan, kinabahan siyang bigla. Ngayon lang kasi niya naalala ang kanyang ipinagbubuntis. Nakahinga siya ng maluwag ng wala namang nangyari dito.
“I’m sorry, Sweetie, pati ikaw ay mapapahamak ng dahil sa padalos-dalos na desisyon ni Mommy.” Nakukunsensya niyang saad bago masuyong hinaplos ang kanyang impis na tiyan.