Kabanata 39

1273 Words
“Pabagsak na inihiga ko ang aking katawan sa malambot na kama. Pakiramdam ko ay nangangalay ang buong katawan ko, gayung wala naman akong ibang ginawa kundi ang umupo lang buong maghapon. Pasalamat na lang ako at wala pa ang mag-ama meron pa akong pagkakataon na makapagpahinga. Ipinikit ko ang aking mga mata para sandaling umidlip muna. Medyo mahaba kasi ang ibinyahe ko. Mula sa kumpanya ay nag-byahe ako pabalik ng Villa. Isinuot ko ulit ang damit pambahay na suot ko ng umalis ako sa mansion ni Quiller. At mula sa Villa ay nagpahatid naman ako sa taxi pauwi dito sa Mansion ni Quiller. Nagdesisyon muna ako na ilihim sa lahat ang tungkol sa pagkatao ko. Gusto ko kasi na sa oras na iharap ko kay ate Miles si Quiller ay tanggap na talaga nito na anak niya si Chiyo. Ayokong magkaharap sila ng may pag-aalinlangan pa rin sa side ni Quiller. Ang isa pa sa labis kong pinagdarasal ay sana dumating din ang panahon na makilala ko rin ang ama ng batang dinadala ko. Hindi pa man ito naisisilang ay batid ko na tulad ni Chiyo ay hahanapin nito ang kanyang ama.” Sa lalim ng iniisip ni Maurine ay hindi na niya namalayan pa ang oras. Dala ng matinding pagod, ang plano niyang pag-idlip ay nauwi sa mahimbing na pagtulog. Nine thirty ng gabi. Dumating sa Mansion si Andrade karga ang tulog na si Chiyo. Umakyat siya ng hagdan habang nakasunod sa kanyang likuran ang mga tauhan. Na late sila ng uwi dahil namilǐ pa sila ni Chiyo ng mga laruan sa toy kingdom. Dala ng kasiyahan ay hindi na niya alintana ang matinding pagod. Ito kasi ang unang pagkakataon na naging masaya siya kasama ang kanyang anak. Habang kipkip sa isang braso ang anak ay pinihit niya ang doorknob saka binuksan ang pinto. Subalit, napatda siya sa magandang tanawin na nakalatag sa ibabaw ng kama. Dahil ang magaling na si Maurine ay mahimbing na natutulog. Nakasuot lang ito ng ternong itim na panty at bra. Nakadipâ ang mga braso nito habang nakabukaka ang bilugan nitong mga hita. Napalunok ng wala sa oras si Andrade habang malagkit na nakatitig sa pagitan ng mga hita ni Maurine. Nagtaka ang mga tauhan nito kung bakit hindi na gumagalaw ang kanilang boss mula sa kinatatayuan nito. “Sir?” Na nanant’ya na tawag ng katulong mula sa kanyang likuran. Bigla, natauhan si Andrade at nabalik sa huwisyo ang kanyang utak. “Ehem, dalhin ninyo ang lahat ng ‘yan sa silid ko. Then take a rest.” Seryoso niyang utos sa tatlong tauhan. Nang makaalis na ang mga ito ay saka pa lang nilakihan ni Andrade ang pagkaka-bukas ng pinto. Kaagad din niyang isinara ang pinto saka maingat na inihiga sa kama ang munting si Chiyo. Inasikaso niya ito, pinunasan ang buong katawan gamit ang towel at maligamgam na tubig. Halatang pagod na pagod si Chiyo dahil ni hindi man lang ito nagising kahit na binihisan at sinuotan na niya ito ng diaper. Kanina habang nasa opisina sila ay wala na siyang ginawa kundi ang manood ng mga video kung paano maglagay ng diaper. Pati kung paano mag-alaga ng bata, kaya naman kahit papaano ay marunong na siya sa pag-aalaga ng bata. Dinampot niya ang dalawang malaking unan, saka ito inilagay sa gilid ng kama upang hindi mahulog si Chiyo. Ngayon lang niya napagtanto na isang kama lang pala natutulog ang mag-ina. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit walang ibang bukang-bibig ang kanyang anak kundi ang Mommy nito. Isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan habang nakamasid sa natutulog na si Maurine. “Mukhang pagod ka? Pinagod ka ba ng lalaki mo?” Anya ng galit na tinig sa isip ni Andrade. Nagdilim ang ekspresyon ng kanyang mukha. Blangko ang mukha na isa-isa niyang tinanggal ang butones ng kanyang polo. Pagkatapos mahubad ang lahat ng saplot sa kanyang katawan ay hubo’t-hubad na pumasok siya sa loob ng banyo. Mabilis na naligo at tahimik na lumabas ng banyo habang tinutuyô nang towel ang basa nitong buhok. Nakahubad na sumampa siya sa kama, maingat ang bawat kilos niya upang hindi magising ang kanilang anak. Habang nakapwesto sa ibabaw ni Maurine ay mataman niyang pinagmasdan ang magandang katawan nito. Tila nawala siya sa kanyang katinuan. Mapusok na hinalikan ang mga labi ni Maurine kaya naman umungol ito. Para siyang nalasing ng marinig ang mga halinghing ng dalaga. Gumapang ang kanyang mga labi pababa sa leeg nito kaya mas lalong lumakas ang mga ungol na lumalabas mula sa bibig ni Maurine. Marahil, inakala nito na panaginip lang ang lahat dahil umangat ang kanyang mga kamay at masuyong hinaplos ang buhok ni Andrade. “F**k, ang sarap sa pakiramdam ng mga haplos mo. Ewan ko ba pero tila kilala ng katawan ko ang mga haplos ng babaeng ito. Bigla ang pagsulpot ng mga alaala mula sa aking diwa. Ang eksena mula sa nakaraan, iyong gabi na may naligaw na babae sa loob ng ginagamit kong silid sa hotel na pagmamay-ari ng kaibigan ko. Nang gabing ‘yun, bigla na lang nawala si Stella at hindi ito nagpakita sa akin. Nagkaroon kasi kami ng pagtatalo. Halos limang oras ang lumipas bago ito bumalik, madilim na ang buong silid ng mga panahon na ‘yun dahil balak ko na matulog na sana. Subalit biglang bumukas ang pinto ng unit. Una pa lang batid ko na hindi si Stella ang babaeng kaulayaw ko sa kama. Pero, ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang tumigil. Hanggang sa natuklasan ko na birhen pa ang dalaga. Base na rin sa hubog ng katawan nito ay bata pa ang babae. Ngayon, nasisigurado ko na ikaw ang babaeng naka one night stand ko mula sa hotel.” Ito ang lumabas mula sa bibig ko. Habang nakatitig sa magandang mukha ng babaeng ito. Isang ngiti ang lumitaw sa mga labi ko dahil sa kaalamang, anak ko talaga si Chiyo. Natigilan ako ng biglang kabigin ni Maurine ang batok ko at mapusok na gumanti ng halik. “Ano ba, pati ba naman sa panaginip ko choosy ka pa rin!?” Naiinis na sabi ni Maurine kaya natawa ako dahil inakala pala nito na panaginip lang ang lahat. Pumwesto ako sa pagitan ng mga hita ni Maurine upang pasukin ang nakasarado nitong lagusan. Nang biglang... “Mommy!” Nagulat ako ng umiiyak na sumigaw si Chiyo kaya bigla ang pagmulat ng mga mata ni Maurine. Nagtama ang aming mga mata at saglit kaming nagkatitigan sa isa’t-isa. Ilang sandali pa ay bumaba ang tingin nito sa aking p*********i na tanging ang ulo lang ang nakalapat sa b****a ng kanyang hiyas. “Mommy!” Umiiyak na si Chiyo at sa pagkakataong ito sa para na siyang bulkan na nag-aalburuto. Nagulat ako na biglang damputin ni Maurine ang isang unan at saka buong lakas na kinabig ako nito paalis sa kanyang ibabaw. Sa kamalasan pa ay napamali ako ng tukod ng aking kamay, dumulas ito, kaya ang ending nahulog ako sa sahig. Pakiramdam ko ay para akong ulilang paot na na pinagkaitan ng tadhana. “S**t!” Nabubwisit kong mura. Narun na eh, konti na lang at mai-papasak ko na! Bwisit na buhay ‘to! Oh!” “Sweetie.” ani ni Maurine at kaagad na niyakap nito ang anak para tumigil sa pag-iyak. Mabilis namang dumapa si Chiyo sa ibabaw ng kanyang mommy at nagsimulang dumede. “Sweetheart, big girl ka na, kay daddy naman ‘yan!” Nagrereklmo na wika ng isang tinig mula sa isip ni Andrade habang nakahubad ito at nakaupo sa sahig. Hindi pa siya makatayo dahil baka makita ni Chiyo ang hubad niyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD