“I miss you so much mommy.” Naglalambing na wika ng aking anak habang nakayakap sa leeg ko ang munti nitong mga braso.
“Aren’t you happy, Sweetie, whole day kayong mag kasama ni Daddy?” Nakangiti kong tanong habang sinisilip ang cute nitong mukha na nakasandig sa balikat ko.
“I’m happy mommy, but you’re not in there.”
“Don’t worry, I’ll call you on video call, okay?” Malambing kong wika bago siya ipinasa mula sa mga bisig ng kanyang ama.
“Mukhang masama ang loob natin ngayon, ah?
Minsan ka lang maging Yaya, pero ang mukha mo parang pasan mo na ang mundo.” Pang-aasar ko kay Quiller dahil hindi na maipinta ang mukha nito.
“Tandaan mo, huwag kang magkakamali na gumawa ng hindi maganda dahil kundi mananagot ka sa akin.”
Imbes na matakot ay umangat ang kaliwang kilay ko bago pinagsalikop ang mga braso sa ibabaw ng dibdib ko. Lihim akong natawa ng lumipat ang tingin nito sa malusog kong dibdib.
“Wala sa kontrata natin ang pakialaman ang buhay ng isa’t-isa.” Paalala ko sa kanya, bago inilapit ang mukha ko sa aking anak upang halikan ito. Napakaakward ng atmosphere sa pagitan naming dalawa ni Quiller.
“Behave sa office na daddy, hm?”
“I will, mommy. But Mommy, you kissed me but you didn’t kiss daddy.” Inosenteng saad ng aking anak, umurong bigla ang dila ko at wala sa sarili na tumingin ako sa mukha ni Quiller. Habang ito ay nakangisi na tila may balak na mang-asar.
Okay, kinikilig ako, at the same time ay excited ako! Honestly, minsan ko na rin na itanong sa aking sarili kung ano ba ang lasa ng mga labi ni Mr. Blue eyes.
“Of course! I kiss your daddy too, right daddy?” Ani ko sa pinalambing na tinig pero sa huli ay may pagka sarkastiko ang tono nito.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito, bagkus ay mabilis ko siyang hinagkan sa kanyang mga labi.
Ang plano ko, dapat dampi lang pero natukso ako na higit pa run ang halik na gusto ko.
Isang mabilis subalit mariing halik ang ginawa ko. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ng kagatin ko ang ibabang labi nito.
Napansin ko na natigilan siya at saglit na tumitig ito sa mga labi ko. Parang gusto kong matawa sa naging reaksyon ni Quiller lalo na ng salatin ng kanyang dila ang parte ng labi nito na kinagat ko.
“Click!” Biglang natauhan si Quiller ng pumitik ang mga daliri ko sa tapat ng kanyang mukha.
“I think daddy loves my kiss, Sweetie.” Nang-aasar kong saad, parang gusto kong bumunghalit ng tawa nang masaksihan ko kung paano mamula ang mukha nito. Akalain mo ‘yun? sa kabila ng edad nito para pa rin siyang teenager na napahiya sa kanyang crush.
“You’re so lucky dahil may bata, kung wala kanina ka pa nakatikim sa akin.” Matigas nitong bulong ng hindi nawawala ang mga ngiti sa labi nito.
“Anong pinagyayabang mo? Ito?” “S**t!” Ani ko sabay dakma ng kanyang p*********i, tiim bagâng na napamura ito. Napansin ko na biglang nanigas ang kanyang katawan.
“Don’t me, Mr. Dahil hindi ko uurungan ‘yan.” Dugtong ko pa sabay kindat. Mabilis na hinalikan ko sa noo si Chiyo sabay bira ng lakad palayo.
“Maurine!” Matigas na tawag niya sa akin subalit hindi ko na ito pinansin at diretso na ako sa loob ng Mansion. Kaagad akong nagkubli sa isang malaking haligi bago sinilip ang mag-ama. Napangiti ako ng sumakay si Quiller sa kotse na hindi maipinta ang mukha.
Nang tukuyang makaalis ang mag-ama ay mabilis kung kinuha ang aking bag at tumawag ng taxi. Hindi na ako nagbihis pa dahil gahol na ako sa oras. Nagtataka na nakamasid lang sa akin ang mga tauhan ni Quiller pero hindi ko na sila pinansin pa.
Nakapambahay at tsinelas lang na lumabas ako sa gate ng Mansion. Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang taxi, nagmamadali ako na sumakay dito at nagpahatid sa aming Villa.
Nagtaka ang mga security guard na nakaduty sa gate ng makita nila ako na sakay ng isang taxi. Mabilis na binuksan nila ang gate.
Nang humimpil ang taxi sa tapat ng entrance ng Villa ay kaagad akong nag abot ng five hundred pesos sa driver.
Kung hindi lang ako buntis baka kanina pa ako tumakbo.
Mabilis akong naligo bago nagbihis ng damit na gagamitin ko sa pagpasok sa opisina.
Ito kasi ang unang araw ko sa trabaho bilang presidente ng Ceramics Corp.
Sa totoo lang, kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na personal kong pamamahalaan ang kumpanya ng aming pamilya. Sa pagkakataong ito, ako lang talaga mag-isa, dahil kasalukuyan pang nasa hospital si ate Miles. Marahil pagkatapos kong magtrabaho ay doon na ako sa hospital di-diretso, para dalawin ito.
Suot ko ang pencil skirt habang nakatuck-in naman ang aking maluwang na long sleeve white polo shirt na may malambot na tela.
Tahimik na pumasok ako sa entrance ng lobby.
Nang makita ako ng mga empleyado ay mabilis na nagkuyo ang mga ito ng kanilang ulo. Isang tipid naman ang naging tugon ko sa mga empleyado na bumati sa akin.
“Good morning, Ma’am Maurine, pinabibigay sayo ni Ma’am Miles ang mga importanteng files na ito. Nakapaloob dito ang kontrata ng mga kliyente nang kumpanya.
Nandito rin ang mga schedule ng appointment niyo ngayong araw. Pinapasabi din po ni Ma’am Miles na kung sakaling may problema ay tawagan lang daw s’ya.
Mahigpit din pong bilin ni Ma’am Miles”-
“What!?” Naiinis kong tanong kaya naputol sa pagsasalita ang secretary ng aking kapatid na ngayon ay secretary ko na.
Por dios for santo! Hindi man lang ako nito hinintay na makaupo muna at tinadtad agad ako ng mga gagawin ko.
I’m not stupid para hindi maunawaan ang lahat sa paligid ko. I know how to read, mataas ang IQ ko pagdating sa reading and comprehension.
Gusto kong sabihin dito na just put it there and leave.
Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago muling hinarap ang aking sekretarya.
“What?” Muli kong tanong, but this time ay sa malumanay na pananalita. Nagtaka ako kung bakit nanahimik ito. Kanina ang ingay-ingay nito na halos walang preno sa pagsasalita, ngayon naman ay mukha itong nagdadalawang isip kung sasabihin pa ba sa akin ang nais nitong sabihin.
“B-ba... bawal ang tanga.” Bigla, nang haba ang nguso ko at halos hindi na maipinta ang pagmumukha ko. Isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa sekretarya kaya bigla itong nagpanic.
“Naku, Ma’am, hindi po sa akin galing ‘yun kundi sa kapatid mo. Mahigpit nga niyang bilin na huwag ko raw kalimutan na sabihin sayo ang bawal”-
“Aba’t talagang uulitin mo pa!? Nananadya ka? Panira ka ng araw eh, no? Lumayas ka nga sa harap ko at baka hindi kita matant’ya at makalimutan kong tao ka!” Napipikon kong saad.
Walang nagawa ang sekretarya ko kundi ang lumabas ng opisina.
Panira talaga ng moment, Imagine ang ganda-ganda ko tapos iyon pa ang sasabihin sa akin!?
“Huh!” Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago itinuon ang atensyon sa mga papeles na nakalatag sa ibabaw ng table ko.”
Samantala...
Mula sa Steel Quiller Corp. labis na nagulat ang lahat ng empleyado. Nang magkahawak kamay na pumasok ang mag-ama sa entrance ng lobby. Habang sa likuran nila ay ang kanyang mga tauhan.
Maraming katanungan ang makikita mula sa mga mata ng lahat. May ilan sa kanila ang labis na nakukyutan kay Chiyo. Narun ang pagnanais ng lahat na kunan ng larawan ang mag-ama subalit hindi nila ito magawa. Mahigpit kasi ang patakaran ng management ang pagbabawal ng pagkuha ng litrato sa may-ari ng kumpanya ng walang pahintulot.
“My god! So, hindi pala totoo ang balita na baog si Sir? Look! Ang cute ng anak ni Sir.” Daw tenga ng kuneho na gumalaw ang tenga ni Andrade. Napuno ng kasiyahan ang puso niya dahil sa kanyang narinig. Wala sa loob na tumigl siya sa paghakbang kaya maging ang kanyang mga bodyguards ay huminto rin sa paglalakad.
Yumukod siya, at binuhat ang cute na si Chiyo. Ilang segundo na tinitigan niya ang mukha ng bata at parang may kung anong damdamin ang humaplos sa kanyang puso.
“They are right, you’re my child.” Anya ng nagmamalaking tinig mula sa kanyang isipan.
Isang masuyong halik ang iginawad niya sa matambok at namumula nitong pisngi. Nagpatuloy siya sa paghakbang habang nasa bisig ang anak.
“Daddy, is this your workplace?” Namamanghang tanong ng batang si Chiyo habang panay ang tingin nito sa kanyang paligid.
“Yes, Sweetheart, this is our company.” Malambing na sagot niya dito habang pasakay sila ng elevator. Walang pakialam si Andrade kahit pa magusot ang kanyang suit.
Pagdating sa loob ng kanyang opisina ay saka pa lang niya ibinaba ang kanyang anak. Lumapit ang dalawang katulong sa bata upang asikasuhin ito. Habang si Andrade ay humakbang patungo sa kanyang office table.
“Daddy, can I sit on your lap?” Naglalambing na tanong ni Chiyo habang yakap nito ang kanyang dede sa kanang braso nito. Napangiti si Andrade at masuyong binuhat ang bata. Kahit hindi sanay ay sinubukan niyang gayahin ang ginagawa ng ina nito.
Isinandal niya ang likod sa sandalan saka inayos ng higa ang anak sa kanyang kandungan habang nakaunan ang ulo nito sa kaliwang braso niya. Subalit ang hindi niya inaasahan ay ng pumasok ang maliit nitong kamay sa loob ng kanyang suit. Natawa siya ng kapain at paglaruan nito ang maliit niyang u***g.
Sino nga bang mag-aakala na ang isang tanyag na CEO na si Andrade Quiller Hilton kayang magpakayaya para sa kanyang anak. (Hot daddy)
Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang videocall ang natanggap niya mula kay Maurine.
“Si Chiyo?” Nakangiti nitong tanong habang walang tigil ang pagnguya nito ng mangga. Nanlaki ang mga mata ni Maurine ng makita ang ayos ng mag-ama. Bumunghalit ito ng tawa kaya hindi na maipinta ang mukha ni Andrade.
“Pangit, natuluyan ka na? Sino ‘yang kausap mo?” Anya ng boses lalaki kaya lumalim ang gatla sa noo ni Andrade. Nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni Andrade ng biglang sumilip ang isang lalaki at mabilis na napako ang tingin ni Andrade sa kamay nito na nakapatong sa balikat ng dalaga. Mabilis itong tinulak ni Maurine palayo sa kanya.
“Could you please, go away! Isa!” Galit na turan ni Maurine habang ang lalaki sa kabilang linya at humalakhak ng tawa.
“Umuwi ka sa bahay ngayon din babae! Nagawa mong iwanan sa akin ang anak mo para lang makipaglandian sa ibang lalaki!?” Nang-iinsulto na wika ni Andrade, subalit narun pa rin ang kontrol niya sa kanyang galit.
“What are you talking about? Nagtatrabaho ako para sa aming mag-ina! Kaya wala kang karapatan na manduhan ako o sitahin ang mga ginagawa ko! And excuse me! Ako? nakikipag landian? Why don’t you try to shut your f*****g mouth kung wala kang ibang alam na sasabihin!?” Mataray na sabi nito bago siya pinatayan ng tawag. Nagpupuyos ang kalooban ni Andrade.
Kung nagkataon lang na wala si Chiyo sa kanyang kandungan baka naihagis na niya ang cellphone na hawak.
“I think your mother needs to teach a lesson para matutong matakot sa akin.” Seryosong sabi ni Andrade habang nakatitig sa mukha ng natutulog niyang anak na si Chiyo.
Hindi lingid sa kaalaman ni Andrade na kinakain na ng matinding selos ang kanyang puso kaya labis na nagpupuyos ang kanyang kalooban.