Kabanata 37

1111 Words
Pagkatapos kong linisin ang silid naming mag-ina ay lumipat naman kami ni Chiyo sa kwarto ng kanyang daddy. Ito ang unang pagkakataon na papasok ako sa silid ni Quiller. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala ng matuklasan ko na kapatid pala ni kuya Xavien si Mr. Blue eyes ko. How small world talaga, kapatiran pa ang nangyari sa amin, at ibayong takot ang hatid nito para sa kin. Naniniwala kasi ako tungkol sa mga pamahiin na malas daw kung ang mga asawa naming magkapatid ay magkapatid din. Ayon kasi sa matatandang bulaan(sinungaling) ay isa daw sa relasyon ng magkapatid ang hindi magtatagumpay. Nalungkot akong bigla, marahil ay ito ang dahilan kung bakit sumalisǐ ng landas ang kapalaran namin ni Quiller. Baka, talagang hindi kami para sa isa’t-isa. Kaya if ever na mahulog man ang loob niya sa akin ay siguradong hindi pa rin kami ang magkakatuluyan kung tadhana na ang tutol sa aming relasyon. Tsk, it’s really hurt, na kami yung pinagtagpo pero hindi itinadhana. Ang kaninang masigla na kilos ko ay biglang nanamlay. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko ng makita ko sa Chiyo na tumatakbo patungo sa silid ng kanyang ama. Pinalis ko ang lungkot na aking nararamdaman, dahil naisip ko na hindi kawalan sa akin ang pagkakaroon ng isang asawa. Higit na mahalaga sa akin ay ang aking mga anak. “Chiyo, Be careful!” Ani ko sa malakas na tinig. “Mommy, why are you so mabagal?” Natawa ako ng magsalita ang anak ko. Halatang may pinagmanahan. Nawala na ito sa paningin ko kaya mas binilisan ko pa ang paghakbang. Natatakot kasi ako na baka mamaya ay madisgrasya ito. Pagpasok sa loob ng silid ay nadatnan ko na nakahiga ang aking munting si Chiyo sa kama ng kanyang ama. “Just stay there, Sweetie, mommy will clean up your daddy’s room.” “Okay mommy.” Masaya namang sagot ng aking anak. Natawa pa ako ng makita ko na dinampot nito ang kumot at pilit na tinupi kahit na nahihirapan ito. Sinimulan kong punasan ang ibabaw ng mga kabinet. Sunod ay isinalansan ko ng maayos ang mga gamit na nasa ibabaw nito. Subalit, sandaling natigil ang kamay ko na may hawak na basahan ng matapat ako sa isang picture frame. Bigla, tila sinakal ang puso ko ng makita ko ang magandang kuha ni Quiller at ng kasintahan nito mula sa isang photo shoot. Isa itong wedding photo shoot dahil nakasuot ng white dress ang babae habang hawak nito ang isang pumpon ng mga bulaklak. Sa likuran naman ng babae ay nakatayo ang gwapong si Quiller habang nakayakap sa maliit na bewang ng fiance nito. Makikita sa mukha ng babae ang labis na kasiyahan, habang si Quiller ay seryoso lang ang mukha na nakatingin ang bughaw nitong mga mata sa camera. Mas lalong naging matamlay ang araw ko ng makita ko ang mga gamit ng babae sa silid ni Quiller. Mula sa sabon, mga cosmetic na pampaganda nito at hanggang sa mga damit. Walang duda, dito na nakatira ang girlfriend ni Quiller. “Hoy! Maurine, tumigil ka nga ng pag-e-emote mo dyan! Sinira mo na nga ang kasal nila ikaw pa itong may ganang masaktan!” Pang bubuska ko sa aking sarili kaya ang sanay luha na papatak ay naudlot, biglang umatras. Yes! Wala akong karapatan na masaktan, at kung sino man ang dapat na masaktan ay ang babaeng ito. Kita ko kasi kung paano siyang nag walkout sa kasal nila noong araw na ‘yun. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ko, at kailangan ko pang sirain ang kasal nila. Gayung pwede ko namang kausapin na lang si Quiller tungkol sa obligasyon nito sa kanyang anak. “Dahil umaasa ka na meron pa ring kayo? Dahil akala mo ay pwede pa ring matupad ang napagkasunduan ninyo noon!” Pang-aalaska ng tinig mula sa utak ko. “Sumusobra ka na talaga self! Nakita mo ng nasasaktan na ‘yung puso ko wala ka pa ring tigil sa katitira sa akin!” Himutok ko sa sarili ko. Parang gusto kong batukan ang aking sarili dahil nagmukha akong baliw na nakikipagtalo sa mismong sarili ko. Mabilis kong tinapos ang mga ginagawa ko dahil hindi ko na kaya pang makita ang mga larawan sa loob ng silid na ito. “Let’s go, Sweetie.” Ani ko pero wala akong narinig na tugon mula sa aking anak. Napangiti ako ng makita ko ito na natutulog sa ibabaw ng kama. Ang kaninang kumot na tinutupi nito ay nakabalot sa kanyang katawan. Pinatay ko muna ang aircon sa loob ng silid bago ko binuhat ang aking anak. Hindi ko na inalis ang nakabalot na kumot dito, dahil batid ko na nagustuhan nito ang amoy ng kanyang ama na dumikit sa kumot. “Quiller, gusto ko na isama mo muna si Chiyo sa trabaho mo, dahil may mahalaga akong lakad bukas.” Ani ko bago tumayo, saka ko binuhat ang aking si Chiyo. Kararating lang nito at sabay kaming nagdinner. “Where are you going?” Seryoso nitong tanong, bago ibinaba ang mga hawak nitong kubyertos sa pinggan. Masama ang tingin nito sa akin. “Wow! ha? Di pa man ako nakakaalis pero namiss mo na kaagad ako?” Pambubuska ko dito. Naningkit ang kanyang mga mata, at hindi nakaligtas sa akin ang pagtiǐm ng mga bagâng nito. “Hindi ako nakikipag lokohan sayo, Maurine? Saan ka pupunta?” “It's a personal matter. Remember, you’re not my boyfriend nor... my husband. Tuldok, walang kuwit, period!” Ani ko bago mataray na tinalikuran ito. Ramdam ko na nanggagalaiti ito mula sa kanyang kinauupuan. But I don't care; I have the right to say whatever I want to him, because he doesn’t have any right over me.” Naiwan na nagpupuyos ang kalooban ni Andrade dahil tila nasapol siya nito. Ano nga bang karapatan ang pinanghahawakan niya sa babaeng ito? maliban na lang sa ama siya ng anak nito ay wala na. Walang nagawa si Andrade kundi ihatid ng tingin ang papalayong mag-ina. Isa sa labis niyang hinahangaan kay Maurine ay hands on ito sa pag-aalaga sa kanyang anak. Never na ipinagkatiwala nito si Chiyo sa mga katulong dito sa Mansion. “Huh, what Andrade? Give up? Tanggapin mo na kasi sa sarili mo na may puwang na d’yan sa puso mo ang single Mom na ‘yun.” Nang-aasar na wika ng isang tinig mula sa kanyang utak. Napikon si Andrade kaya nagdadabog na tumayo ito kahit hindi pa siya tapos kumain. Naguguluhan naman ang mga katulong sa kakaibang inaasal ng kanilang amo kaya nagtataka na nagkatinginan ang mga ito sa isa’t-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD