Chapter 36

1166 Words
"As I mentioned, the company's revenue has grown by fifty percent in just three months. If we continue with this strategy, our earnings are likely to triple. This will not only benefit the company but also our customers, as we plan to introduce freebies that will help them save even more." “Kanina pa nagpapaliwanag ang kinatawan ng marketing department sa unahan. Subalit, kahit anong gawin ko ay hindi talaga pumapasok sa utak ko ang mga pinagsasabi nito. Alumpihit na ako sa aking kinauupuan at pakiramdam ko ay init na init na ako. Kahit malakas naman ang aircon dito sa loob ng conference room ay tagaktak pa rin ang pawis sa katawan ko. Sinong hindi mag-iinit ang pakiramdam kung ang laging lumilitaw sa utak ko ay ang malasutlang hiyas ng babaeng ‘yun. Muli, napalunok ako ng wala sa oras at halos maubos ko na rin ang tubig sa baso ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagdaloy ng pawis sa aking noo kaya mabilis kong dinukot ang panyo na nilagay ni Chiyo sa bulsa ng suit ko. Idinampi-dampi ko ito sa aking noo. Natigilan ako ng napansin ko ang manaka-nakang pagsulyap ng mga empleyado ko sa aking direksyon. Nakaramdam ako ng inis. Kahit hindi nila alam kung ano ang tumatakbo sa utak ko ay pakiramdam koy pinagtatawanan na ako ng mga ito. Halata naman kasi sa mga mukha nila na nagpipigil ng tawa ang mga ito habang ako ay patuloy na tinutuyo ang pawis sa aking mukha. “What!?” Singhal ko sa kanila ng nagtangka na naman ang mga ito na lingunin ako. Mabilis na ibinaling ng lahat ang atensyon sa screen ng projector. Maya-maya ay natigilan ako ng aksidenteng nabitawan ko ang panyo. Dahil hindi ito tuluyang nahulog sa sahig, sapagkat sumabit sa daliri ko ang tela. Nagtataka na tiningnan ko ang tela na nasa kamay ko. At ganun na lang ang panggigilalas ko ng tumambad sa aking paningin kung ano ang hawak ko. Hindi ito panyo, isa itong light brown na panty na halos kakulay ng balat. Sa harap ng panty ay tila isang manipis na kulambo na may mga design pa ng bulaklak. Habang ang bandang likuran nito ay malambot na tela. Halatang branded ang undies na ito. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dulot ng matinding kahihiyan ng makita ko na nakatingin pala sa akin ang lahat ng empleyado ko. Mabilis na nag-init ang mukha ko, kasabay ng pangangapal nito. Kaagad na ibinaba ko ang aking kamay at isinilid sa bulsa ang panty ni Maurine. “Dismiss!” Ani ko sa makapangyarihang tinig upang pagtakpan ang kinakaharap na kahihiyan. Mabilis na nag alisan ang aking mga tauhan kaya naiwan akong mag-isa dito sa loob ng conference room. Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa kawalan. Wala sa sarili na muli kong inilabas ang maliit na panty at pinakatitigan itong mabuti. Hanggang sa lumitaw ang isang ngiti sa labi ko kaya nagmukha tuloy akong siraulo na tumawa na mag-isa. Masyado akong naging kampante sa kainosentihan ng makulit kong anak. “Chiyo.” Sambit ko sa pangalan nito, kahit hindi ko kasama ang mag-ina ay napapatawa pa rin nila ako. Dalawang araw pa lang simula ng dumating ang mag-ina sa buhay ko. Subalit kay laki na ng binago nila sa buhay ko. Nagagawa ko ng ngumiti. Saka ko lang napagtanto na ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali kaninang umaga ay dahil ayokong umalis ng hindi nakikita ang mag-ina. Aminado ako sa aking sarili na mukhang mabilis yatang nahulog ang loob ko kay Maurine. Bigla akong natawa sa sarili ko. Sa dinami-dami ng babaeng pwede kong magustuhan ay sa isang single Mom pa. Huh, bahala na, kung ano man ang kahantungan ng lahat.” Seven thirty ng gabi, dumating si Andrade sa mansion. Kung noon ay darating siyang malungkot habang ang mga paa ay kay bigat ihakbang? Ngayon, wari moy nakalutang sa alapaap ang kanyang mga paa ng bumaba ng sasakyan. Ang puso niya ay puno ng pananabik na muling masilayan ang mukha ng kanyang anak na si Chiyo. “Si Chiyo lang ba? O ‘yung Ina?” Kastigo ng munting tinig mula sa utak ni Andrade. Natatawa na umiling-iling si Andade habang pumapanhik sa hagdan. Hindi kasi niya nadatnan sa salas ang mag-ina, kaya dumiretso na kaagad siya sa ikalawang palapag ng bahay. Imbes na sa sariling silid ay mismong sa kwarto ng mag-ina dumiretso si Andrade. “Daddy!” Malakas na tawag ni Chiyo ng makita siya nito sa pintuan, tumatalon-talon pa iyo sa ibabaw ng kama. Mabilis na lumapit si Andrade dahil natatakot siya na baka mahulog ang makulit na si Chiyo. May kung anong damdamin ang humaplos sa kanyang puso ng makita niya na terno ang suot na pantulog ng mag-ina. Ang cute tingnan ng mag-ina sa suot nilang pantulog na may design ng mga princesses character. Lumalim ang gatla sa noo ni Andrade dahil sa ayos ni Maurine. Nakapwesto kasi ito sa headboard ng kama. Nakahiga naman siya, subalit ang dalawang paa nito ay nakataas sa pader habang nakatakip ng dalawang hiniwang pipino ang mga mata nito. “Ano na naman ang pakulo ng babaeng ito?” Anya sa isip ni Andrade habang kinukuha ang anak. Mahigpit niya itong niyakap at saka malambing na hinagkan sa pisngi. Nang muling lingunin ni Andrade si Maurine ay para siyang na bato-balani. Napako ang kanyang mga mata sa mala rosas na labi ni Maurine. Natutukso siyang hagkan ito. Isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan upang pakalmahin ang sarili. Nakaramdam siya ng inis ng hindi man lang siya pinapansin ni Maurine. “Isasama ko si Chiyo sa aking silid.” Paalam ni Andrade. Mabilis na nag-init ang ulo nito ng hindi man lang sumagot si Maurine. Bagkus ay inangat lang nito ang isang kamay saka sumenyas na umalis na sila bago inayos ang pipino sa mga mata nito. Napakawala ng marahas na buntong hininga si Andrade, naiinis siya sa pambabalewala nito sa kanya. Hindi na nakapagpigil si Andrade, dinukot niya ang panty mula sa loob ng kanyang bulsa saka marahas na ibinato sa pagmumukha ni Maurine. “‘Yung panty mo pakalat-kalat!” Naiinis na wika ni Andrade sabay talikod habang karga si Chiyo. Napabalikwas ng bangon si Maurine at mabilis na dinampot ang kanyang undies. “Sinasabi ko na nga ba at matindi ang pagnanasa mo sa akin! Kunwari ka pa, pervert! Sa susunod kong interesado ka sa panty ko, ‘yung ginamit ko na ang kunin mo para mas lalo kang mabuang sa amoy ko!” Nang-aasar na sigaw ni Maurine. BLAG!” Ito ang naging sagot ni Andrade ng pabagsak niyang isinara ang pinto. Ilang sandali pa, lumitaw ang tila ngiting tagumpay sa mga labi ni Maurine. Dahil nararamdaman niya na may epekto na siya sa sistema ng binata. Kalaunan ang mga ngiti nito ay bigla ring naglaho. Naisip kasi niya ang magiging reaksyon ni Andrade sa oras na malaman nito na buntis siya at hindi niya alam kung sino ang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD