“K-kanina ka pa dyan!?” Halos mautal na sa pagsasalita si Maurine. Umangat ang kaliwang kilay ko at pinukol ko siya ng isang nang-uuyam na tingin.
“Are you trying to seduce me?” May halong pang-iinsulto kong tanong dito. Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo siya ng tuwid. Nanliliit ang kanyang mga mata, namumula rin ang buong mukha nito. Nakikita ko sa kanya na parang gusto na ako nitong sampalin.
“Ikaw? Aakitin ko? Wow ha!” Tila napupuno na nitong wika sabay ismid sa akin.
Subalit, sabay pa kaming napatingin sa kanyang katawan, dahil biglang nahulog ang tuwalyang nakabalot sa kanyang katawan.
Namilog ang kanyang mga mata habang ang mukha nito ay wari moy natuyuan ng dugo.
“Oh my gosh!” Naibulalas nito, para itong ipo-ipo sa bilis na dinampot ang tuwalya at mabilis na binalot ang kanyang katawan. Hindi na ako nilingon pa nito at nagmamadali na itong tumakbo papasok sa loob ng banyo.
Walang tigil sa kakatawa si Chiyo dahil sa reaksyon ng kanyang mommy. Habang ako ay nanatiling nakatulala sa pwesto na inalisan ni Maurine.
Nakapaskil pa rin sa akin ang mala coca cola nitong katawan, maging ang tayong-tayo nitong mga d*d* at higit sa lahat ay ang malarosas nitong p********e.
Magkakasunod na paglunok ang ginawa ko at halos habol ko na ang aking hininga na wari mo ay galing sa malayong pagtakbo.
Pakiramdam ko ay para na akong isang nag-aalburutong bulkan na maaaring sumabog anumang oras.
Narun ang pagnanais na sundan ito loob ng banyo at angkinin ng paulit-ulit. Matinding kontrol ang ginawa ko sa aking sarili. Pero ang p*********i ko ay ayaw tumigil sa pagwawala. Parang ito ang nagtutulak sa akin na pasukin si Maurine sa loob ng banyo upang tikman ang malarosas nitong hiyas.
Natauhan akong bigla ng marinig ko ang masayang tawa ni Chiyo kaya maging ako ay natawa rin.
“Your mommy was so naughty.” Umiiling kong sabi bago binuhat ang makulit na batang ito.
“Yeah, my mommy is a super Mom!” Masaya nitong komento na siyang ikinatawa ko.
“Let’s go, Sweetheart, let’s eat breakfast.” Ani ko habang karga ito at kasalukuyang tinatahak ang hagdan pababâ. Habang naglalakad ay ramdam ko ang manaka-nakang pagsulyap ng mga kasambahay kay Chico. Nakalimutan ko pa lang ipakilala sa mga tauhan ko ang aking anak.
Huh, masarap pala sa pakiramdam na may tinatawag kang anak.
I think wala naman sigurong magdududa na anak ko si Chiyo lalo na at pareho naman kami ng mata.
“Ipatawag mo ang lahat ng mga tauhan sa mansion.” Ani ko sa aking assistant habang nakatayo sa gitna ng salas.
Kaagad na tumalima ang aking assistant.
Ilang sandali lang ay nakatayo na sa harap ko ang may nasa kinseng empleyado ko dito sa Mansion. Ang lahat ay nakapako ang tingin sa mukha ni Chiyo, ngunit kapansin-pansin ang magandang ngiti sa labi ng bawat isa sa kanila. Dahil ang aking anak ay tuwang-tuwa sa mga taong nakatayo sa kanyang harapan.
“Daddy, are we going to play hide and seek?” Excited na tanong sa ‘kin ni Chiyo kaya bigla akong natawa. Maging ang mga tauhan ko ay hindi napigilan na tumawa.
“No, Sweetie.” Nakangiti kong sagot bago masuyong hinagkan ang matambok nitong pisngi.
“Everyone, nais kong makilala ninyo ang aking anak, si Chiyo. Panatilihin ninyong ligtas ang paligid ng mansion para sa anak ko. Inaasahan ko na kung paano niyo akong iginagalang ay higit pa dun ang paggalang na ibibigay ninyo sa aking Prinsesa.” Ma-awtoridad na pahayag ni Andrade habang nanatiling seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Sabay-sabay na yumuko ang lahat at sumagot nang, “makakaasa po kayo, Sir.”
Nagsimula na akong humakbang patungo sa dining room, habang si Chiyo ay panay ang kwento ng kung ano-ano tungkol sa mga princess.
Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko ng umupo ako sa upuan. Kaagad naman inilapit ng katulong ang isang upuan sa tabi ko para makaupo si Chiyo.
Nakakatuwang isipin, kung dati ay mag-isa lang akong kumakain sa hapag, pero ngayon ay may kasama na ako. Takot na takot pa ako sa pagsubo ng pagkain sa munting bibig ni Chiyo. Pero ang puso ko ay parang sasabog na sa labis na kaligayahan sa tuwing sinusubuan ko ito.
Ilang sandali pa ay dumating ang ina nito na nakasuot ng maong short na halos kita na ang singit nito. Mabilis na nag-init ang pakiramdam ko at tukso naman sa lumitaw ang imahe ng hiyas nito sa aking balintataw.
“Daddy!” Naiinis na tawag sa akin ni Chiyo, kanina pa pala niyo hinuhuli ng bibig nito ang hawak kong kutsara na may lamang pagkain.
“Come here, Sweetie, mukhang naengkanto ang daddy mo at wala sa sarili.” Sarkastikong saad ni Maurine. Nag-init ang punong tenga ko, dahil napahiya ako ng mahuli nito na nakatitig ako sa maputi niyang mga singit.
Tumikhim muna ako bago sinimulang magsalita.
“Hindi libre ang pagtira mo dito. Magmula ngayon ay gusto kong personal mong linisin ang silid naming mag-ama.” Seryaso kong wika sabay higop sa mainit kong kape.
“Pssst!” Nagtaka ako ng sumitsit si Maurine at sumenyas sa kasambay na nakatayo sa gilid.
Mabilis naman itong lumapit, habang akonay naghihintay sa kung ano ang sasabihin nito sa aking tauhan.
“Magkano ang sahod mo dito?” Seryosong tanong ni Maurine kaya naman lumalim ang gatla sa noo ko.
“Sixteen thousand pesos po, Ma’am.” Mabilis na sagot naman ng kasambahay. Akala ko ay iyon lang ang itatanong nito, subalit nasundan pa ito ng maraming tanong.
“Kumpleto ba ang benipisyo ninyo dito? Pag-ibig, philhealth at SSS? Ilang beses kayong nagdi-day-off sa isang buwan?”
Narinig ko pang tanong nito, hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa pang-iinterview nito sa kasambahay ko sa mismong harapan ko pa talaga! Pagkatapos nitong magtanong ay nagsulat ito sa lamesa gamit ang kanyang hintuturo na akala mo ay isang ballpen at ginawa nitong papel ang babasaging lamesa.
Ako namang si tanga ay nakatitig sa kinukwenta nito sa lamesa na tanging siya lang ang nakakakita. Habang ang bibig nito ay walang tigil s pagsasalita na siya rin lang ang nakakarinig.
Narinig ko na nagtatawanan ang mga katulong sa paligid namin. Hindi ko magawang pagsabihan ang mga ito dahil may bata kaming kasama.
Ang nakakatawa pa ay ang anak ko si Chiyo na idinutdot ang daliri sa tubig at nagsulat din sa lamesa. Namuntong hininga na lang ako dahil sa nakikita ko ay mukhang, like mother, like daughter ang mag-inang ito.
“‘Yun lang ba? Walang problema sa akin, susundin ko ang gusto mo, pero kailangan kumpleto ang sahod ko. Hindi rin kasi libre ang serbisyo ko. But don’t worry, hindi naman ako gahaman. Tama na sa akin ang twelve thousand monthly, plus, pambili ng diapers, gatas, personal needs ni Chiyo, extra expenses, incase of emergency.
So I think sapat na ang thirty thousand monthly na kailangan kong matanggap mula sayo. But if you want ng extra service ay need mo ng additional ten thousand.”
Tila isang professional na nakikipagdeal sa akin ang babaeng ito.
“What do you mean an extra service?” Curious kong tanong.
“You know, tawag ng laman.” Diretsahan nitong sagot, bigla akong nasamid ng iniinom kong kape maging ang mga katulong ay nasamid ng sarili nilang laway.
Wala talagang hiya ang babaeng ito, at masyadong bulgar kung magsalita.
“Mind your language, Maurine, naririnig ka ng bata.”
“Hindi mo ako masisisi na magsalita ng ganito, dahil sa lagkit ng tingin mo sa akin ay halatang may pagnanasa ka sa akin.” Prangka nitong sagot. Pasalamat talaga ang babaeng ito at may ibang tao kaming kasama kung hindi ay baka nilamukos ko na ito ng halik.
“Fine! Fine... just try to shut your mouth.” Matigas kong saad, para matigil na ang walang tigil niyong pagsasalita. Akala ko okay na dahil hindi na ito sumagot. Subalit ang magaling na babae ay may dinukot mula sa bulsa ng kanyang short.
Lumalim ang gatla sa noo ko ng ilahad nito ang isang papel na naglalaman ng isang kasunduan.
Nagtatanong ang mga mata na tumingin ako sa maganda nitong mukha.
“Wala akong tiwala sa isang verbal agreement lang, kailangan mong pumirma, mahirap na. Sa panahon ngayon ay mahirap ng magtiwala.” Anya sabay dotdot ng bahagi ng papel kung saan ako pipirma.
Ang magaling na babaeng ito may pakwenta-kwenta pang nalalaman pero mukhang kagabi pa lang ay pinaghandaan na nito ang lahat. Huh! Mukhang ang dalawang ulo ko ang pasasakitin ng babaeng ito.”