Kabanata 30

1785 Words
Mabilis na niyakap ni Storm ang kanyang asawa para kumalma ang pakiramdam nito. Halata kasi na labis itong nasaktan ng buhatin niya kanina si Chiyo dahil sa pag-aakala na anak talaga niya ito. “Sweetie, please, don’t cry, nakita mo naman na hindi ako ang ama ng batang ‘yun. And besides malabong magkaroon ako ng anak sa labas dahil ikaw lang ang babae sa buhay ko.” Malambing na bulong nito sa kanyang asawa. “T-Talaga?” Parang bata na tanong ni Misaki kaya naman matamis na ngumiti si Storm. “Kahit mag-aapat na ang aming anak ay mukha pa ring inosente ang aking asawa, at tila mas lalo pang namukadkad ang ganda nito.” Anya ng isang nahuhumaling na tinig mula sa isip ni Storm. Imbes na sumagot ay isang masuyong halik ang naging tugon niya sa kanyang asawa. Bago niya ito niyakap at iginiya paalis sa lugar na ‘yun. “Stella!” Tawag ni Mildred sa kanyang anak ng bigla itong mag-walkout. Nababahala ito sa mga nangyari dahil napurnada ang inaasam nilang kasal ng kanyang anak sa isang Hilton. “Andrade, what happened? Paano mo nagawa kay Stella ‘to?” Kastigo ng Ginang kay Andrade habang ang ekspresyon ng mukha nito ay kababakasan mo ng matinding disappointment. “I’m so sorry, Tita, don’t worry, I will fix this mess.” Nangangako na sagot ni Andrade na halos kulang na lang ay lumubog ito sa kanyang kinatatayuan dahil sa matinding kahihiyan. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ng Ginang bago siya nito tinalikuran. Umiiling na sumunod na lang kay Mildred ang kanyang asawa. Habang ang ilang mga bisita ay nagsisimula na ring magsi-alisan. “Kawawa naman ‘yung bride. Well, isang Hilton ba naman ang piniling pakasalan, asahan mo hindi lang ikaw ang babae sa buhay n’yan.” Anya ng isang bisita, ngunit mabilis din nitong naitikom ang bibig ng makitang nakatingin ako sa kanya. Well, hindi na ako magtataka kung bakit playboy ang tingin ng lahat sa aming magkakapatid, salamat talaga sa kapatid kong si Xavien. Huh? Malungkot na pinagmasdan ko ang mga bisita na nagsisi-alisan na pati ang aking mga kapatid. “Good girl, our princess.” Natatawa na sabi ni Xion sa batang babae na nasa mga bisig ko. Simula kasi ng binuhat ko ito ay ayaw ng humiwalay sa akin. Habang ang magaling na ina nito ay parang akala moy inosenteng tingnan, tahimik lang sa isang tabi. Nagawi ang tingin ko sa mukha ng batang karga ko, subalit naantig lang ang puso ko ng ngumiti siya sa akin. Marahil, dala ng labis na pangungulila ko na magkaroon ng sariling anak kaya ganun na lang kagaan ang loob ko sa batang ito. “Iho, natutuwa akong malaman na may anak ka na! Kapag may oras ka ay dalhin mo sa bahay ang munting anghel na ‘to.” Masayang pahayag ni Mommy na tila walang pakialam sa kahihiyan na inabot ko. Pagkatapos nitong magsalita ay nanggigigil na hinalikan ito sa pisngi. Well, pagdating talaga sa bata ay walang pakialam ang pamilya ko sa anumang eskandalo. Hindi lang naman isang beses na humarap kami sa ganitong sitwasyon. Dahil maging si Xavien ay halos ganito rin ang naranasan nung araw na ikakasal sana siya sa babaeng nagngangalang Mitch. Ang kaibahan lang ay hindi baril ang pumigil sa kasal ko kundi isang cute na bata. Hindi ko na alam kung gaano na katagal kaming nakatitig sa isa’t-isa. Ni isa sa amin ay walang nangahas na gumalaw. Kasalukuyan na kaming nandito ngayon sa salas ng unit na ginagamit ko dito sa hotel at kaharap ang mag-ina. Parang gusto kong matawa sa ayos ng dalawang ito. Masasabi ko na nagmana ang batang ito sa kanyang ina, dahil maging ito ay hindi kumukurap mula sa pagkakatitig sa mukha ko tulad ng kanyang ina. “Daddy, ningangalay na akho. How long are we going to keep staring at each other?" Reklamo ng makulit na batang ito. Honestly, bawat oras na lang ay talagang nagugulat ako sa batang ito. Ngayon ko lang siya narinig na nag tagalog but she’s so cute every time na nabubulol s’ya. "When the egg turns into a chick.” Sagot naman ng magaling nitong ina. Kung makatawa ay akala moy walang nangyari. “Really, Mommy?” Namamangha naman na tanong ng inosenteng anak nito. Sa pamamagitan ng tingin ay sumenyas ako sa aking tauhan, nakakaunawa na nagyuko ito ng ulo bago lumabas ng aking opisina. Ilang sandali pa, bumalik ang tauhan ko, kasama na nito ang isa sa mga empleyada ng hotel. “Sweetheart, "Go with Ate for now; Mommy and I just need to talk." Nakangiti kong utos sa malumanay na tinig. Hanggat maaari ay iniiwasan ko na huwag madamay ang batang ito sa problema. “Daddy, my name is Chiyoshi Kai not Sweetheart.” Makulit na sagot nito, hindi ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko. Para bang gusto kong pupugin ng halik ang namumula at matambok nitong pisngi. “Okay, Chiyoshi, wait outside for now so your mom and I can talk."” Muli kong saad na ngayon ay nakangiti na dito. “Okay, Daddy, bye, mommy.” Ani nito bago lumapit sa kanyang ina. Pinatulis nito ang cute at maliit nitong mga labi at ganun din ang ginawa ng ina nito. Wala pang segundo na naglapat ang mga labi ng mag-ina. Pakiramdam ko ay parang bigla yata akong nainggit, tukso naman na hinabol ng tingin ko ang namumulang mga labi ng ina nang bata. Napalunok pa ako ng wala sa oras. Natauhan lang ako ng kalabitin ako ng batang si Chiyoshi, habang ang maliit nitong nguso ay nanunulis. Lumapad ang ngiti sa mga labi ko at natutuwa na hinagkan ito sa kanyang noo. “Bye, daddy.” Ani nito bago tuluyang lumapit sa taong pansamantalang mag-aalaga dito habang nag-uusap kami ng ina nito. Nang kaming dalawa na lang ang tao sa loob ng unit ay biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ko. Mabilis na lumipad ang tingin ko sa mukha ng babae. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pasimpleng paglunok nito. So, kinakabahan ka? Huh! “H-Hi?” Alanganin pa nitong bati sa akin habang nakangiwi ang ekspresyon ng kanyang mukha. “What’s your name?” Seryoso kong tanong, nang hindi ina-alis ang pagkakatitig sa mukha nito dahil pinag-aaralan ko ang bawat ekspresyon ng kanyang mukha. “Maurine Kai.” Tipid niyang sagot, “Magkano ang kailangan mo?” Diretsahan kong tanong dito. Ang kapal ng mukha ng babaeng ito para ipaako sa akin ang responsibilidad ng kanyang anak! Nasaan na ang ama ng bata? Dahil sa pagkakatanda ko ay wala pang dalawang buwan ng huli kong nakita ang ama ng bata mula sa airport. Siya rin ‘yung babae kahapon na nagpanggap na Chambermaid para lang makapasok dito sa unit ko. Isa sa mahigpit na patakaran ng kapatid ko ay ang pagsusuot ng uniform kaya madali kong nalaman na estranghera ang babaeng ito. Pasalamat na lang siya at natandaan ko pa ang mukha nito, kundi, baka naipatapon ko na ito sa labas ng hotel. “How dare you? I don’t need your money! Isaksak mo ‘yan baga mo! Panagutan mo ang anak ko kung ayaw mo ng gulo.” Matapang nitong pahayag. Sa nakikita ko, siya ang klase ng babae na walang balak magpatalo dahil sa matalim nitong titig sa akin. “Huh? Ikaw pa ngayon ang matapang? Tell me, paano ko naging anak ang batang ‘yan!?” Matigas na tanong ko sa kanya na may halong panggigigil. Gusto ko sanang i-supalpal sa pagmumukha nito na paano akong naging ama ng anak nito gayung isa akong baôg!? “Aba’y bat akong tatanungin mo!? Siraulo ka ba? Ano ‘yun magic? Bigla na lang nabuo sa loob ng tiyan ko si Chiyo ng walang tumitira!?” Sarkastiko nitong sagot. Napaka bulgar ng mga salita nito, at parang gusto na niya akong sugurin para sabunutan. Muli, isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago muling nagsalita. “Paano ka nakakasiguro na ako nga ang ama ni Chiyo?” Ani ko na ginaya ko na ang pangalan na ginamit nito sa bata. “Hindi ako maaaring magkamali, ikaw ang ama ng anak ko! At katibayan ang tattoo mo dyan sa likod!” Matatag niyang pahayag, umangat ang kaliwang kilay ko at pinukol ko ito ng isang nang-uuyam na tingin. “Really? Paano kung sabihin ko sayo na lahat kaming magkakapatid ay may i-isang tattoo sa likod?” Matigas kong tanong, natigilan si Maurine at bigla ang pagdagsa ng pag-aalinlangan sa mukha nito. Marahil, naisip niya na tama ako, at baka nagkamali siya ng hinala na ako ang ama ng kanyang anak. “See, hindi ka makasagot? Alam mo kung ano ang totoo? Hindi ko anak si Chiyo, hindi ako ang ama ng anak mo.” Matatag kong saad., subalit, bakit ganun? Bigla yata ang pagsipâ ng kakaibang damdamin sa puso ko habang sinasabi ko ang mga salitang ito. “I don’t care! Basta, ikaw ang ama ni Chiyo ko! At sa oras na hindi mo gampanan ang obligasyon mo kay Chiyo bilang ama n’ya, nasisiguro ko sayo na pagsisisihan mo! Bilyonaryo nga, kuripot naman at takot pa sa responsibilidad! Hmp!” “Wala kang karapatan na insultuhin ako!” Napipikon kong sabi habang mahigpit na nakakuyom ang aking mga kamaô. “Bakit papatulan mo ‘ko? My gosh, don’t tell me bakla ka rin!?” Pabulalas na tanong nito, aba’t talagang sumusobra na ang babaeng ito. Ipinahiya na niya ako sa harap ng maraming tao, ngayon naman ay ini-insulto pa nito ang p*********i ko!? Dahil sa sinabi nito ay nagdilim na yata ang paningin ko. Marahas kong nahigit ang braso nito sabay kabig sa kanyang batok. Nanahimik lang ito ng sibasibin ko ng halik ang mga labi nito. Bakit ganun? Dapat pa-parusahan ko lang ang maingay na babaeng ito pero tila nag-eenjoy ako na halikan pa siya ng mas matagal. Mabilis kong hinawi ang aking sarili at kaagad na lumayo sa kanya, naalala ko kasi ang nobya ko at nakokonsensya ako. “Leave!” Matigas kong utos sa babaeng ito, “Aalis ako, pero hindi ibig sabihin nito ay isusuko ko na ang karapatan ng anak ko!” Matatag niyang saad bago ako nito tinalikuran.” “Mommy!” Masayang tawag ng batang si Chiyo. Medyo nakadama ng lungkot si Andrade ng makita niyang muli ang magandang mukha ng bata. “Let’s go home, Sweetie.” “But, Mommy, paano si Daddy?” "We need to go home, sweetheart, because we have to pack our things. We're moving to Daddy's house." “Yeheyy!” “Aba’t! Talagang ang babaeng ito!” Naibulalas ni Andrade ng marinig ang usapan ng mag-ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD