Kabanata 29

1563 Words
Mula sa malawak na hardin ng hotel ay nagaganap ang pag-iisang dibdib ni Andrade at Stella. Tanging mga importanteng tao lang ang imbitado sa kasalang ito. Mula sa magandang ayos ng buong venue at sa magagagarang kasuotan ng mga bisita ay halatang hindi biro ang halaga na ginasta ng mga pamilya ng magkasintahan. Mula sa unahan na nagsisilbing maliit na altar, nakatayo ang buong mag-anak na Hilton. Pawang mga nakangiti ang magkakapatid na Hilton, subalit mapapansin na tanging si Xavien lang ang hindi naka-attend sa kasal ng kanyang kapatid dahil kasalukuyang nanganganak ang aasawa nitong si Miles. Masaya sila para sa kapatid nilang si Andrade dahil sa wakas ikakasal na rin ito sa kanyang long time girlfriend na si Stella. Namangha ang lahat ng lumabas ang bride sa entrance ng venue. Feeling prinsesa pa ito na nagsimula sa marahang paghakbang, habang hawak ng dalawang kamay nito ang isang pumpon ng mga sariwang rosas. “Wow, Sweetie, ang ganda naman niya, ganyan din ba ako kaganda nung ikinasal tayo?” Malambing na tanong ni Misaki sabay subo ng strawberry nito na binudburan ng asin at sili. Dahil kasalukuyan itong naglilihi sa pang-apat nilang anak. Sumamâ ang timplada ng mukha ni Storm ng marinig ang impit na pagtawa ng kanyang mga kapatid. Mga nakahilera ito sa kanyang tabi habang sa kaliwang bahagi ay ang kanyang asawa. Lagi kasi siyang kinakantyawan ng mga ito sa tuwing tatawagin siyang Sweetie ng kanyang asawa na si Misaki. “No, Sweetie, dahil higit na mas maganda ka kaysa sa kanya, walang pakundangan na sagot ni Storm. Tila wala itong pakialam sa mararamdaman ng groom na nasa tabi pa naman nito. Tila i-isang tao na lumingon kay Storm ang kanyang mga kapatid, masama ang tingin ng mga ito sa kanya, ngunit ipinagkibit balikat lang niya ito. “Talaga? Ang Sweet naman ng Sweetie ko.” Ani ni Misaki na wari moy kinikilig, sabay subo ng strawberry sa bibig ng kanyang asawa. Kahit gusto ng isuka ni Storm ang strawberry sa kanyang bibig ay sinikap pa rin niya itong lunukin ng buo. Natawa ang mga kapatid niya dahil sa ginawa ni Misaki, alam kasi nila na talagang ayaw na ayaw ni storm ng strawberry. Natigil ang pag-uusap at asaran ng magkapatid ng tuluyang huminto sa harap nila ang bride. Seryoso ang mukha ni Andrade ng kunin nito ang kamay ng bride mula sa kamay ng ama nito. Magkahawak kamay na humakbang sila patungo sa magkakasal sa kanila, at huminto sa mismong tapat nito. “Ngayong araw na ito, masasaksihan natin ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan na ngayon ay nakatayo sa ating harapan”- “Daddy!” Ang lahat ay natigilan ng mangibabaw ang matinis na boses ng isang batang babae. Dahilan kung bakit hindi na ituloy ng pari ang sasabihin nito. Napako ang tingin ng lahat sa isang munting batang babae na nakatayo sa gitna ng bulwagan. Nakasuot ito ng puting bestida habang nakasukbit sa katawan nito ang isang maliit at kulay pink na shoulder bag. Napaka-cute nitong tingnan dahil nakatrintas pa sa magkabilang gilid ng kanyang ulo ang kulay ginto nitong buhok. Kasalukuyang tumatakbo na ang batang babae papunta sa direksyon ng mga ikinakasal. Ngunit, saglit na huminto sa pagtakbo ang batang babae ng mapansin nito ang maraming tao sa magkabilang gilid ng venue. Nagtataka na tiningnan isa-isa ng bata ang mukha ng mga tao sa kanyang paligid habang nakasubo ang isang maliit na daliri nito sa kanyang bibig. Marahil ay na-alala nito ang dahilan kung bakit siya naroroon kaya muli siyang nagpatuloy sa pagtakbo habang masayang sumisigaw nang, “Daddy!” Sabay na lumingon si Andrade at Stella mula sa kanilang likuran, at maging sila ay nagtataka na tumitig sa munting intruder sa kanilang kasal. Halos na kay Chiyo na ang atensyon ng lahat. Subalit hindi na nagpasindak ang bata sa presensya ng mga tao sa kanyang paligid. Bagkus ay mas lalo pang sumidhi ang pagnanais niya na makalapit sa lalaking tinawag nitong daddy. Ang ilan sa mga tao ay natutuwa sa bata na bahagya pang tumatawa. Subalit ang iba ay tila naiinis dahil nasisira ang magandang moment ng ikinakasal. Bukod tanging naiiba ang naging reaksyon ng pamilyang Hilton dahil ang bawat isa sa kanila ay tila nagpapaligsahan ng paghinga, dala ng matinding kabâ. Makapaigil hininga ang bawat sandali, nang sa wakas ay huminto ang batang si Chiyo sa harap ng magkakapatid na Hilton. Pero nasa i-isang direksyon lang nakatingin ang buong mag-anak, sa asul na mga mata ng munting bata. Umawang ang bibig ni Lexie at halos sabay pa silang napatayo ng asawa niyang si Mr. Cedric Hilton. Hindi sila makapaniwala na may isa pa silang apo na hindi nalalaman ng kanilang pamilya. Halos nagtagal ang pakikipag titigan ni Chiyo sa kanyang mga tito at maging sa tita Summer niya. At ni isa ay walang gumagalaw sa kanila. Maya-maya ay lumipat ang tingin ni Chiyo sa mukha ni Andrade, subalit kaagad din itong lumipat sa mukha ni Storm. Ang mukha ng bata ay kababakasan mo ng labis na pagkalito. “Come on, Sweetie, huwag ako, huwag kang lalapit sa akin, hindi ako ang daddy mo.” Kinakabahang wika ng isang tinig mula sa isipan ni Storm habang manaka-nakang sumusulyap sa mukha ng asawa niyang si Misaki. Maging kasi ito ay halatang kinakabahan din, dahil iniisip ni Misaki na sa oras na malaman niya na may anak sa labas ang asawa ay talagang iiwan niya ito. Alam ni Storm kung paano mag-isip si Misaki at ito rin ang nababasa niya sa mukha nito. Pakiramdam niya tuloy ay nasa mga kamay ng batang si Chiyo ang kapalaran ng kanyang buhay. Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa pamilyang Hilton at sa munting si Chiyo. Nang... “Mommy! I have two daddy’s!” Hindi makapaniwala na sigaw ni Chiyo na sinundan ng hagikgik, pero halatang labis na nalilito ang bata dahil sa i-isang mukha ng dalawang lalaki sa kanyang harapan. Dumagdag pa ang magkamukha na si Xion at Xaven. Nagsimula ng magbulungan ang mga bisita, halatang hindi sila makapaniwala sa kanilang mga nasaksihan. Nalipat ang tingin ng lahat sa isang babaeng nakatayo sa bandang likuran at halatang maging ito ay nalito rin dahil wala siyang ideya na may kakambal pala si Mr. Blue eyes. Napalunok ng wala sa oras si Maurine at hindi niya alam ang isasagot sa kanyang anak kaya nagsimula na rin siyang humakbang patungo sa kinaroroonan ng kanyang anak. Ilang sandali pa ay muling napigil ng lahat ang kanilang paghinga ng kumilos si Chiyo. “Don’t worry, Daddy, Chiyo will find you!” Natutuwa na saad ng bata na siyang ikinatawa ng mga bisita dahil sa labis na pagkagiliw. Kinakabahan man ay natawa rin si Mrs. Lexie Hilton. Halos takasan ng kaluluwa si Storm ng lumapit sa kanya si Chiyo at itinaas ang dalawang kamay nito sa ere na wari mo ay nais magpabuhat. “Tsk! Magdasal ka na Bro, bulong ni Timothy na siyang ikinatawa ni Xion. Napalunok pa ng wala sa oras si Storm ng yumuko siya at binuhat ang batang si Chiyo. Habang sa tabi nito ay nagsisimula ng manubig ang mga mata ng kanyang asawa. Saglit na tumitig ang mga mata ni Chiyo sa mukha ni Storm. Maya-maya ay sumigaw ang bata, “I found you, Daddy.” Masayang sigaw ni Chiyo na siyang tuluyang nagpabagsak sa mga luha ni Misaki. Habang si Storm ay parang nasabugan ng bomba, “N-No...” anas nito na halos hindi lumabas sa kanyang bibig. Subalit, labis na nagtaka ang lahat ng magpumilit na magpababa ang batang si Chiyo kaya kaagad naman itong ibinaba ni Storm. “Daddy!” Masiglang sigaw ni Chiyo na siyang ikinalaglag ng panga ni Stella, maging si Andrade ay hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Mabilis na tumakbo si Chiyo palapit kay Andrade. Mahigpit na niyakap ni Chiyo ang binti ni Andrade. Bigla ang pagsikdô ng puso ni Andrade at may kung anong damdamin ang umusbong mula sa kaibuturan ng kanyang puso. Kusang kumilos ang kanyang katawan, lumuhod ang isa niyang tuhod sa lapag upang magpantay ang mukha nila ng batang si Chiyo. Natigilan si Andrade ng biglang yumakap sa kanya ang munting bata, “I miss you, daddy.” Anya ng malambing nitong tinig, bahagya pang pumiyok ang boses ng bata. Marahil dala ng matinding kasiyahan. Speechless, ganito ang nangyari kay Andrade. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa nalaman niya na may anak pala siya. Subalit ang paniniwala niya na isa siyang baog ang biglang gumising sa nangangarap niyang puso. “No! This can’t be! How dare you na lokohin ako?!” Nanggagalaiti na sigaw ni Stella, kaya biglang napatayo si Andrade habang nasa kanyang bisig si Chiyo. Sinisigurado niya na hindi masasaktan ang bata. “Let me explain, Stella.” Pakiusap ni Andrade, “PAK!” Subalit isang malakas na sampal ang naging sagot nito sa kanya. “Daddy!” Umiiyak na tawag ni Chiyo ng makita niyang sinampal ng babae ang kanyang ama. Mahigpit na niyakap ni Chiyo ang leeg ni Andrade at halatang natatakot na ‘to. “I hate you!” Pagkatapos na sabihin iyon ay marahas na ibinato nito ang bouquet sa lapag at walang lingon likod na tinalikuran ang nobyo. Wala ng nagawa ang groom kundi sundan ng tingin ang papalayong si Stella. Napako naman ang tingin ni Andrade sa mukha ni Maurine kaya naman dinagsa ng matinding kabâ ang dibdib ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD