Kabanata 28

1134 Words
Wari moy huminto sa pag-inog ang mundo para kay Andrade at Maurine Kai. Nilamon ng nakabibinging katahimikan ang buong unit habang nakapako ang mga mata nila sa Isa’t-isa. Di inaasahang paghaharap at kapanapanabik na muling pagkikita. Ni ang gumalaw ay hindi nila magawa. Parang may kung anong mahika ang bumabalot sa kanilang dalawa. At ang tanging naririnig lang nila ng mga oras na ‘to ay ang malakas na t***k ng kanilang mga puso. “Who are you?” Walang ganang tanong ni Andrade, na para bang isang ordinaryong babae lang na naligaw sa kanyang unit ang babae sa kanyang harapan. Tila nasaktan si Maurine, dahil sa malamig na pakikitungo sa kanya ni Andrade, at kung kausapin siya nito ay parang akala mo’y ito ang unang pagkikita nila. “Do you think ay pasisindak ako sa kasungitan mo? No way! Ngayong alam ko na ikaw ang ama ng aking anak!” Anya ng tila naghihimagsik na tinig sa aking isipan. Matapang kong hinarap ang masungit na lalaking ito. Kalaunan ay biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha ko, sinigurado ko na magmumukha akong isang Anghel sa paningin nito. “I’m sorry, Sir, hindi ko sinasadya na mabasag ang vase, papalitan ko na lang po.” Magalang kong pahayag sabay ngiti dito, and of course may kasamang pa-cute. “Linisin mo na ‘yan then leave this room.” Matigas niyang utos sa akin sabay talikod. Napalis ang magandang ngiti sa labi ko, umangat ang kaliwang kilay ko at nanggigigil na akmang babatuhin ito ng basahan. “Come on, Maurine, you need him, be nice to him.” Paalala ko sa aking sarili, pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at ilang segundo ang pinalipas ko bago ito pinakawalan. “Sir, hindi mo na ba ako natatandaan?” Umaasa kong tanong, kunot ang noo na pumihit siya paharap sa akin. Saglit lang niyang tinitigan ang mukha ko saka tila walang pakialam na muli niya akong tinalikuran. Dinampot niya ang puting t-shirt na nakapatong sa sandalan ng puting sofa. Makailang beses kong nilunok ang sarili kong laway, dahil sa tuwing kumikilos siya ay lumalabas ang magandang hubog ng kanyang katawan. Ika nga “Wow ulam.” Lalo na ang kanyang mamasel na mga braso, as in nakakatakam with matching kilig pa! “Bakit, sino ka ba?” Walang gana niyang tanong sa akin na halatang hindi siya intresado na kausapin ako. “Bwisit ka! Ako lang naman ‘yung babaeng ninakawan mo ng dangal!” Ito ang nais kong isigaw sa pagmumukha ng lalaking ito, pero mas pinili ko ang sarilinin na lang kung ano ang tumatakbo sa utak ko.. “Ako ‘yung nawawala mong anak!” Ani ko sabay ngiti, Kita ko na halos magdikit ang mga kilay nito at isang nakamamatay na tingin ang binigay niya sa akin. “Get out.” Matigas niyang saad, kaya naalarma akong bigla, kailangan ko siyang kausapin tungkol sa aming anak. “No, we need to talk.” Matigas kong saad na hindi nasindak sa galit nito. “Hindi mo na ba talaga ako natatandaan? Ako ‘yung batang babaeng hinatid mo noon sa pasig. And you’ve promised me na pakakasalan mo ako!” May pag-aatubili kong pahayag, umaasa ako na sa oras na maalala niya ang pangako namin sa isa’t-isa ay magbago ang pakitutungo niya sa akin. Nahigit ko ang aking hininga ng tumayo siya at humakbang palapit sa akin. Tuluyan siyang nakalapit sa akin ng hindi inaalis ang mga mata niya sa mga mata ko. “Alam mo kung ano ang ayaw ko? ‘Yung maingay.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay hinaklit niya ang braso ko saka hinatak palapit sa pintuan. “W-wait, anong gagawin mo?” Naaalarma kong tanong. Hindi siya sumagot bagkus ay bnuksan niya ang pinto saka padaskol ako nitong pinalabas ng kanyang unit. “Hey! We need to talk”- “Blag!” Ito ang naging tugon niya sa akin ng pabagsak nitong isinarado ang pintuan na parang akala mo ay nagpalayas ng isang walang kwentang katulong. “Akala mo ay basta na lang ako susuko!? No f**king way! Hindi ako papayag! I swear! Hindi ko hahayaan na matuloy ang kasal mo sa ibang babae!” Nanggagalaiti kong saad sabay sipa sa nakasaradong pinto. Nagpupuyos ang kalooban na marahas akong pumihit paharap sa direksyon kung nasaan si kuya Harold. “Oh, anong nangyari?” Curios na tanong ni kuya Harold habang nakatitig sa mukha ko. “Hindi ko siya nakausap, pero babalik ako dito bukas, hindi ako titigil hanggat hindi niya kinikilalang anak, ang anak kong si Chiyo.” Matigas kong sagot habang patuloy sa paghakbang. Mula sa aking likuran ay tahimik lang na nakasunod sa akin si Kuya Harold. Marahil, nararamdaman niya na sa pagkakataong ito ay seryoso ako kaya hindi siya nangahas na mang-asar. Pagdating sa conference room, kaagad kaming sinalubong ng secretary ni Ate Miles. “Ma’am, nagagalit na po ang kapatid mo, kanina pa kayo niya hinahanap.” May pag-aatubili nitong wika, “Pasensya na, nagkaroon lang ng problema.” Hinging paumanhin ko dito, saka nagmamadali na pumasok sa loob ng conference room. Nadatnan ko na kumpleto na ang lahat ng mga board member at mukhang ako na lang ang hinihintay. Isang nakamamatay na tingin ang binigay sa akin ni Ate Miles, halatang nagpipigil lang ito na huwag akong bungangaan sa harap ng mga board member. Parang maamong tupa na naupo ako sa tabi ng aking kapatid. Napansin ko na nakatingin sa aming direksyon ang lahat ng tao sa loob ng silid na ‘to. Marahil ay natataka sila kung sino ako, dahil bago ako sa kanilang paningin. “Attention please, ang lahat sa inyo ay aware naman sa naging matagumpay na proyekto ng ating kumpanya. Ngayong, namamayagpag na ang kauna-unahang branch ng Ramirez Corp. ay nais kong ipabatid sa inyong lahat ang mga pagbabago na magaganap sa polisiya ng kumpanya. First of all, I would like to introduce my younger sister, Maurine Kai Ramirez. She’s the new president of Ramirez Ceramics Textile Corporation.” Halos sabay na napasinghap ang lahat dahil sa anunsyo ni ate Miles. Well, isa rin ako sa kanila na nabigla sa naging pahayag ng kapatid ko. “Actually, Maurine, my youngest sister is the real owner of this company, hinintay ko lang talaga na tumuntong siya sa tamang edad. And I hope all of you will support my sister for her new journey.” Seryosong wika ni Ate na ni isa ay walang nakaimik. Batid ko na kahit labag sa kalooban nila ang mga naging pahayag ni Ate Miles at wala naman silang magagawa. I know my Ate, she’s a sensitive person when it comes to her loved ones. Kaya huwag kang makakamali na magbitaw ng hindi magandang salita pa-tungkol sa akin, dahil siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD