The sketch.

3123 Words
"Hi Ate!" malakas at masaya na pag bati ni menchie sa kaibigang si Cheska nang pag bukasan nya ng gate ng ng bahay nito. "Namiss kita Ate!" galak pang wika nito sabay yakap sa kaibugang si Cheska. "Ako din Mench, namiss din kita." masayang sambit ng kaibigan at yumakap din sa kanya ito. "Eh ikaw naman kasi, hindi ka na natitigil sa kakaraket mo." dagdag pa nito habang inaakay siya papasok ng bahay ng bahay nito. "Ate naman, alam mo naman na ang promogirl, walang kasiguraduhan na laging may trabaho, kaya hanggat meron, go. Tulad ngayon, wala na, hindi ko alam kung kailan nanaman meron." sambit ni Menchie at naupo sila sa sofa sa salas ng bahay ng kaibigan. "Hay nakuh, ewan ko sayo, buti nalang at napahinga muna yang mga trabaho mo, at least naka pag kita naman tayo." sambit ni cheska. "Oo nga ate eh." sambit naman ni menchie. "Eh, kamusta ka naman?" wika ni Cheska. "Eh ayun, habang nag hahanap ng ibang mga raket, nag hahanap padin ng jowa." pilyang sambit ni Menchie. "Bakla ka, ang dami-dami mong mga nakakasama sa mga mall hindi ka maka hanap? Yung sa mga perfume, gwapo mga salesman don ah." sambit ni Cheska. "Ate, mga gwapo nga, pero, gwapo naman din ang hanap ng mga yon, ano ba?! Kung meron mang straight, eh, marami namang jowa, dadagdag pa ba ako? tsaka, nakuh, yung mga yon, ang hanap, eh mga pang miss universe kala mo naman kalalaki ng sahod." tila ba iretableng sambit ni Menchie. "Hay nakuh, sabi ko naman kasi sayo, sa akin ka na mag trabaho, as a supervisor sa mga stores ko. Regular ka kaagad, at least hindi ka matetengga, hindi ka mamomroblema kung saan ka nanaman mag hahanap ng raket mo." sambit ni Cheska. Si cheska ay may clothing line for women na may ilan na din namang mga branch. "Ate naman, ayaw kong magka issue tayong dalawa dahil sa trabaho, madalas ako malate, minsan umaabsent pag nalasing ng gabi." sambit ni Menchie. "Sinabi ko naman sayo na okay lang yun, and hawak mo oras mo kasi nga lahat ng store iikutin mo, basta kailangan masend mo yung reports and inventory sa akin by the end of the month. Mas malaki ang sahod, may pa-oto pa ako sayo." sambit ni Cheska na kinukumbinsi ang kaibigan. "Hay nakuh ate, pag iisipan ko pa." "Ang tagal na, hindi mo padin napag iisipan. Ewan ko ba sayo." sambit ni Cheska. "Basta pag iisipan ko, eh ikaw ba kamusta? kayo ni kuya Jazper? Ang mga bata?" sunod-sunod na tanong ni Menchie para hindi na sya kulitin ni Cheska. "Oh, umiiwas ka nanaman kaya sunod-sunod nanaman ang tanong mo, ang mga bata pababa na ang mga yon para sa dinner, si kuya Jazper mo, parating na yun, lumabas lang, bumili ng iinumin natin at mga foods habang nag iinom tayo." sambit ni Cheska. "Halaaahh! gusto ko yan! talagang namiss mo ako. Uhm!" wika ni Menchie. "Syempre ikaw pa ba?" sambit ni cheska sabay yakap sa kaibigan. "Menchie!" masayang bati ni ng asawa ni Cheska na si Jasper pag dating ng matanaw nya si Menchie. "Kuya Jazper!" malakas na bati din ni Menchie at sinalubong at niyakap si Jazper. "Manang paki tawag na ang mga bata sa taas." sambit ni Cheska sa kasambahay dahil mag hahapunan na sila. "Buti naman at napag bigyan mo ang ate cheska mo, nakuh naiinis na yan sayo." wika ni Jazper. "Ang arte kasi sa mga chat nya, kaya pinag bigyan ko na." sambit ni Menchie at tuwa. "Pero, hindi, namiss ko na din naman kayo, trabaho lang kasi, kailangang samantalahin hanggat meron." wika pa ni Menchie. "Kasi naman-" "Kuya Jaz, kakatapos lang namin mag usap about dyan, wag mo na muna ipaalala kay Ate Cheska, kasi nga pag iisipan ko pa." pag putol ni Menchie kay Jazper. "Oh sige na etoh na ang mga bata, kumain na muna tayo para maumpisahan na yang binili mong alak hon." wika ni Cheska. "Hay tita Mench!" bati ng mga anak ni Cheska at jazper na si jasmine at james sabay halik sa pisngi ni Menchie "Wow! ang sarap naman ng mga kiss na yan. Yan din ang namimiss ko pa eh." masayang wika ni Menchie habang naka upo na sa upuan sa harap ng dinning table. "Oh sige na kain na tayo." wika ni Jazper. Matapos kumain ay inihatid na ni Jazper ang mga anak sa mga kwarto nila, at pumunta sa likod ng bahay nila cheska at Jazper sina Menchie at cheska sa may lamesa sa malapit sa swimmingpool. Nakasunod din ang dalawang kasambahay na dala ng mga pakain at alak. Masayang nag kukwentuhan sina Jazper, cheska at Menchie habang nag iinuman. "Ay nakuh, tutal ayaw mo pang tanggapin yung nag aantay sayong trabaho na iooffer ko, at nag hahanap ka ng raket, meron akong ibibigay sayo, mahirap nakakapagod pero malaki yung offer." wika ni Cheska. "Sige, kahit ano yun, basta legal ah." sambit ni Menchie. "Lokaret! malamang legal yon noh." sambit ni Cheska. "So ano ba yon ate, bilis, basta raket push." atat na tanong ni Menchie. "Dadating kasi yung kapatid ko galing New Jersey, nag papahanap sya sakin ng mag lilinis ng bahay nya. Okay ba sayo yon?" Ang kapatid ni cheska na si Carl Juaquin Sebastian ay nanirahan sa kanilang magulang sa new jersy para mag stay muna roon kasama ang magulang nila. "Wait hon, mag lilinis? Ang hirap non." wika ni Jazper. "Okay lang kuya Jaz, basta raket. Tsaka malaki naman daw offer eh. G!" sambit ni Menchie. "Kung gusto lang naman nya, three thousand isang araw ang offer, basta siguraduhin mo na matatapos mo sya ng seven days." sambit ni cheska. "Seryoso te? walang halong joke yan ah." gulat na sambit ni Menchie. "Seven days? Hindi mo kaya yon Menchie." wika ni Jasper. "Eh dadating na si Carl next saturday." sambit ni Cheska. "Maraming mahahanap dyan hon. Biglaan naman kasi mag sabi si Carl." wika ni Jasper. "Eh si****o eh, baka may chiks nanaman kausap yon kaya bigla bigla." sambit ni Cheska. "It's okay, ate, kuya, kayang-kaya ko yon." buong loob na sambit ni Menchie. "Sure? Bukas na start non?" tanong ni Cheska. "Huh? Bukas agad? pano tong iniinom natin?" tanong ni Menchie sabay hawak sa bote ng brandy na iniinom nila. "Ay nakuh ewan ko sa inyo, hahanap nalang ako bukas ng pwede mag linis doon." wika ni Jazper. Kinabukasan ay alas sais palang ay gising na si Menchie. Agad syang nag sipilyo at naligo. "Ate Cheska, gising na, pupunta na tayo sa bahay ng kapatid mo, mag lilinis na ako doon." malakas na mga wika ni Menchie habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ng mag asawang cheska at jazper. Binuksan ni jazper ang pinto at agad na pumasok si menchie at pinuntahan si cheska sa kama. Humiga sya sa kama at nag ulo sa bandang balakang ni Cheska. At si Jazper naman ay pumasok ng banyo ng kanilang kwarto para maligo. "Ano ba Menchie, maaga pa masyado more than four hours palang tulog natin." wika ni Cheska habang niyuyugyog ang puwetan para ialis ni Menchie ang ulo nito sa pag kakahiga sa balakang niya. "Ate, kailangan ko yon parang awa mo na." wika ni Menchie. "Ewan ko sayo, magtrabaho ka sa chesque clothing ko, para wala kang problema sa trabaho." sambit ni cheska. "Ate cheska naman eh." "Oh sige ganto, pupunta tayo doon, ikaw ang mag lilinis doon, then on Monday mag start ka na sa akin magtrabaho. Deal?" wika ni cheska. Bumalikwas si Menchie bigla. "Hoy ate, ng ba-blackmail ka, bakla ka." "Oh bahala ka." sambit ni Cheska. Napakamot ng ulo si Menchie, "Oh sige na, basta kailangan ko yung pera na kikitain ko sa pag lilinis ng bahay ng kapatid mo, kasi may gusto akong biling sapatos." sambit ni Menchie. "Hoy, umOo ka na, hindi pwedeng sa monday, hindi ka tutupad sa usapan, friendship over na talaga toh." wika ni Cheska. "Luh!" "Anong halah? Umayos ka Mechie Magpalam ah." sambit na ni Cheska. "Oo na sige na, tumayo ka na dyan." sambit ni menchie. "Oo na!" sabay ikot ni Cheska sa kama at nalaglag sa sa kama ang ulo ni Menchie galing sa pag kakahiga nito sa balakang ni cheska. Matapos nilang mag almusal ay umalis na sila para magpunta sa bahay ng kapatid ni Cheska na si Carl. Dumaan muna sa sila grocery store para sa mga kailangan sa pag lilinis ni Menchie. At ng dumating sila sa bahay ni Carl ay sa labas palang ng gate ng bahay ay namamangha na si Menchie. Sa labas palang gate kasi ay tanaw na ang dalawang sasakyan ni Carl na naka takip at motor na may takip din, at kasya pa ang isa pang sasakyan sa garahe. Bago makarating sa garahe ay makikita ang malawak na space na may lawn grass at may magagandang halaman at puno sa pagilid ng bakuran. At dalawang palapag yung bahay ng kapatid ni Cheska. Hindi mababanaag sa labas na halos dalawang taon nang walang nakatira sa bahay kasi naaalagaan naman ng mga kasambahay ni Cheska ang labas ng bahay ni Carl. "Luh Ate, parang mas malaki at mas maganda ang bahay ng kapatid mo sa bahay nyo." seryosong wika Menchie. "Oo, kaya nga malaki ang offer ni Carl para sa pag lilinis ng bahay nya." sambit ni cheska at bumaba ng sasakyan nya para buksan ang gate. Pag pasok ng gate ay tinanong ni Cheska si Menchie "Sure ka ba na kaya mo?" "Oo naman, ako pa ba?!" buong loob na sambit ni Menchie. Nag umpisa na si Menchie mag linis ng bahay ng kapatid ni Cheska, at nag umpisa muna sya sa taas at sa kwarto ni Carl, habang si cheska ay nag pahinga muna sa kabilang kwarto. "napakaganda namang kwarto nito at napaka laki, sing ganda ng kwarto nila ate cheska, pero mas malaki ito, at halatang lalakeng gwapo ang may-ari." Kombinasyon ng puti at itim ang kulay ng kwarto at mga lamang kagamitan ng kwarto ng may-ari ng bahay. Kapansin pansin naman ang isang malaking sketch na naka frame sa dingding sa loob ng kwarto sa bandang ulunan ng kama. Isang batang babae na naka unoporme, na naka upo at katabi ang sapatos. "ang ganda naman nito, sino kaya toh? si carl kaya may gawa nito?" At matapos mag linis sa kwarto ng kapatid ng kaibigang si cheska ay sinunod ni Menchie ang opisina nito. "oh meron din nito dito?" Nang makita ni Menchie na may sketch din sa opisina na nasa maliit na frame sa ibabaw ng office table. Matapos namang manang-halian ay sinunod naman nya ang music room ng kapatid ni Cheska. Pag bukas nya ng pintuan ay bumungad sa kanya ang mga instrumento tulad ng drums, guitars at organ at magagandang built-in speakers sa dingding. "wow! taray! Bongga!" manghang mangaha si Menchie. Pag pasok nya ay nilingon ang mga pader at nakita nya sa pader sa tabi ng pinto ang katulad ng sketch na nakita nya sa kwarto ng kapatid ng kaibigan at sa opisina. Hindi ito singliit ng nasa opisina at hindi din ito sing laki ng nasa kwarto pero may katabi itong lyrics ng kanta na may pamagat na nakalagay di sa painting "M. Goodbye". Hindi na nya inintindi pa ang lyrics ng kanta dahil gusto na nyang matapos aagad ang pag lilinis dahil kailangan nyang matapos lahat yon sa loob ng isang linggo. Pero talagang napapaisip sya painting na nakikita nya kahit saan. "ay hindi lang yan basta drinawing nya, meron ibuga sabihinnyang sketch na yan, sino kaya sya?" Papasok sya sa isangbsilid kung saan ang pinaka gym ni Carl, "I'm sure meron din dito yung sketch." Pag pasok nya ay agad nyang tinanaw ang mga pader. "mabuti naman at wala ditong kopya ng sketch na yon, nakakabisado ko na sa ilang frame na ang napunasan kong ganon ah." Matapos mag linis ay nakanramdam na si Menchie ng matinding pagka pagod, at pangtingin nya sa oras sa taas ng pader sa loob ng gym nakita nyang alas singko na pala. Nag pahinga sya saglit at nag bihis, pagkabihis ay pinuntahan si Cheska sa kwartong pinagpahingahan ni cheska. Talagang sinolido ni Menchie ang paglilinis, dahil nahihiya syang may masabi ang kapatid ng kaibigan nya, lalo na ang kaibigan nyang nag tiwala sa kanya. "Wow sana all, nawala ang pagkalasing sa pag tulog. Tara na, pagod na ako bukas na ulit." bungad ni Menchie sa kaibigan na hawak ang cellphone na halatang kakagising lang. "Oh, eh choice mo yan diba? ano kaya pa?" sambit ni cheska. "Oo naman, kailangan eh." sambit ni Menchie. "So, paano? uuwi ka pa sa bahay mo? Ayaw monnalang dito matulog para maka pahinga ka na at hindi ka na mag babyahe? Or sa bahay ka na muna?" tanong ni Cheska. "Uuwi ako ate, Sunday bukas, family day nyo. Ayaw kong istorbohin yon. At ayaw ko matulog dito, sa laki nito akonlang maisa, hindi na noh!" sambit ni Menchie habang naka upo sa sofa malapit sa kama na hinihigaan ni Cheska. "Ang duwag mo din noh? hindi nakakatakot dito, gaga!" sambit ni Cheska. "Uuwi ako ate cheska." diin ni menchie. "Bahala ka, oh etoh magtaxi ka na pauwi, tapos bukas mag taxi ka na din papunta dito, or ride, ikaw bahala, then etoh pang foods mo. Mag padeliver ka nalang." wika ni cheska at nag aabit ng pera kay Menchie habang paupo sya sa tabi nito. "Thanks so much ate cheska." "Parang gipit na gipit ka eh two months kang hindi nag pakita sa akin sasibrang dami mong raket. Ano ba yang sapatos na yan?" wika ni cheska. "Nike revolution ate. Ganda eh." sambit ni Menchie. "Kalerki ka!" "Ate, napansin ko lang, yung sketch na nasa malaking frame sa kwarto ng kapatid mo na may M. Goodbye, meron din sa office nya at sa music room na may katabing lyrics ng kanta na ang title eh M. Goodbye, same ng nasa sketch. Anong meron don? sino yun?" pang uusisang tanong ni Menchie. "Classmate yun ni Carl nuong elementary, binubully nila. Then, nung hindi na nakikita ni Carl yon sa school, hinahanap hanap na nya. Hanggang sa wala na syang balita, naiisip nya yon hanggang highschool sya, hindi nya alam kung nakukunsensya ba sya sa ginagawa nila. Then, hanggang sa napapansin nya sa sarili nya na hindi sya nag kakagusto sa mga babae, pag meron syang nakikitang maganda yun lagi ang naiisip nya. So sabi daw ng friends nya baka mahal nya daw yon, nung una sabi nya imposible, hanggang sa naramdaman nya na mahal nya talaga yung girl na yon. Kaso hindi nya alam paano at saan hahanapin, lalo lumipat na kami dito sa Quezon City noong second year highschool sya. Nung college sila ng mga friends nya uso na yung friendster and YM sinusubukan nilang hanapin pero hindi nya mahanap, kasi ang tanging naaalala lang nya sa girl nanyon eh yung pang asar nila na paalam. Kahit first name hindi nya maalala kung ano basta ang tanda nya ay M." kwento ni Cheska. "Wow! so, sya nag drawing ng mga sketch?" tanong ni Menchie. "Hindi, nakita nya yung isang store sa mall na nag sketch, sinabi nya na gusto nyang magpa sketch ng isang batang babae na estudayente na naka upo sa school at umiiyak kasi nabully ng mga classmate. Maganda yung kinalabasan nung sketch, kitang kita nya talaga sa sketch yung girl, so ayun, nagpa sketch pa ulit sya ng mas malaki para daw sa wall sa room nya, then nagpa sketch sya ng mas maliit para daw sa side table nya sa room sa dati naming bahay. Tapos yumg sketch na unag ginawa nakasabit din sa wall nya. Kaya nung nagkaroon sya ng sarili nyang bahay, ang una nyang hinakot ay yung mga sketch na yon." kwento pa ni Cheska. "Luh, so inlove sya takaga sa girl na yon." sambit ni Menchie. "Oo, kaya yung kanta sa tabi ng frame sa music room nya, gawa nya yun para sa girl. Hindi mo ba binasa yung lyrics?" sambit ni cheska. "Hindi eh, nag mamadali na kaya ako mag linis, ang laki nito, hindi ko alam kung matatapos ko ba ito hanggang sa Friday." sambit ni Menchie na pagod na pagod talaga. "Kalerki ka, wala ng urungan, dapat matapos mo na toh." sambit ni Cheska. "Oo na ate, kailangan ko din talaga yung pera eh." "And remember, we have a deal. Na kukunin mo na yung pagiging supervisor ng stores ko, after thi. And next monday na yon bakla ka." paalala ni Cheska. "Oo na nga ate, diba? pajulliet julliet te ah." sambit ni Menchie. "Abah, I am just reminding you Mench, kasi ang tagal ko nang inooffer sayo yun, tanggi ka ng tanggi, pero hindi ko binibigay sa kanila kasi sayo ko lang talaga gusto ibigay yung posisyon na yon noh." sambit ni Cheska. "Naman kasi, mas marami namang deserving oara sa sa trabaho na yan. Hindi naman ako naka tapos ng cillege eh." sambit naman ni Menchie. "And so? Alam ko kaya mo yon, and may tiwala kao sayo, that's why. Oh God Mench." inis na sambit ni Cheska. "And yun yung pwede kong maitulong sayo, friend kita, marami akong pwedeng ibigay na trabaho sayo taoos hindi kita bibigyan at hahayaan lang kitang mahiraoan sa kakaraket mo?" wika pa ni cheska. "Thank you ate pero-" "Pero, ayan nanaman si pero mo. Paulit ulit nalang tayo." putol ni cheska kay Menchie. "G na g? eto na nga diba? sa next monday na nga diba?" sambit ni Menchie. "Good, anyway, this coming monday mag hahanap na ako ng pwedeng mamasukang mga kasama sa bahay ni Carl. Pag naapprove ko, background check mo din ah." wika ni Cheska. "Sure!" maiksing sambit ni Menchie. "And sa Friday, kung matapos mo ng thusday yung pag lilinis dito, mag groceries ka. Mag lilista ako, ikaw na bahala, idaan ko nalang sayo dito." wika ni Cheska. "No worries ate!" sambit ni Menchie. "Anyway, bukas ah, agahan mo nakang para matapos mo talaga agad tog hanggang friday." wika ni cheska. "Copy ate cheska." sambit ni Menchie. "Oh tara na, para maka uwi ka na at makapahinga." Tumayo na sila at lumas na ng bahay ni Carl. At inabit ni Cheska ang susi ng bahay. "Ingatan mo yan ah." Bilin ni Cheska. "Yes ate." Idinaan nalang ni cheska si menchie sa sakayan sa labas ng subdivision. "Oh mag iingat ka!" wika ni cheska nung pababa ni si menchie ng sasakyan nya. "Yes ate ikaw din! Hindi na kita mayayakap, amoy pawis ako."sambit ni Menchie. "That's okay! Arte mo! Update me when you got home!" wika pa ni cheska sabay yakap kay Menchie. "Sure! Love you ate cheska." sambit ni pa din naman ni Menchie pag labas ng sasakyan ni Cheska bago isara ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD